Chapter 2.2 🌸

842 20 3
                                    

"HINDI po ba nakakatakot kasama dito si Devlin?" tanong niya.

"Masungit si Devlin pero mabait. Nagtataka nga ako kung bakit ipinagpalit siya ng nobya sa kinang ng camera." sambit nito.

"Oo, ang sikat na si Danille Entrada," agad na sagot ni Nana Conchita.

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig at pinasidhi pa nito ang galit sa kanyang dibdib.

"Of all the people in the world bakit siya pa?" napupuyos na bulong niya sa kanyang isipan.

"Si Danille ang nahuli kong kasiping ng boyfriend ko, Yaya," pagtatapat niya.

"Susmaryosep!" ang gulat na sambit ni Nana Conchita sabay sign of the cross."Tignan mo nga naman ang pagkakataon."

Naiiling na tumitig siya kay Yaya Conchita. "Yaya, it's better if we should keep it a secret baka maging komplikado lang ang lahat lalo na sa kalagayan ko ngayon. I want to forget everything gusto ko po sana na maging malaya sa lahat ng sakit." ang hiling ni Lilac sa kanyang yaya.

"Ikaw ang masusunod iha," magpahinga ka na. Gusto ka pala makasalo ni Devlin sa haponan.

"Huh? Gusto niya ako makasalo?" gulat na tanong niya.

"Pagbigyan muna hija para naman may makausap sa hapag-kainan si Devlin. Mabait na bata yon." pagbibida ni Nana Meding sa amo.

Sa isip niya wala namang mawawala kung makasalo niya ito sa haponan, tutal pasamantala siyang nakikituloy dito sa mansyon.

Tumango siya. "Sige po yaya pupunta ako mamayang haponan." ang sagot niya.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon