Chapter 8

1 0 0
                                    

Shaylene's POV

Guess what? Guess what? Guess what?

Nakarating ako sa mall nang nagcommute at hindi naligaw o nasagasaan ng humaharurot na truck o cement mixer!

What an achievement. I'm so proud of myself.

And as a reward, bumili ako ng mineral water. Hanggang mineral water lang ako. Punyemas na allergy kasi 'to. Kainez.

Papunta na ako sa Expressions para bumili ng mga books. Puro na lang kasi National Bookstore eh, kaya Expressions naman.

Natatanaw ko na. Natatanaw ko na yung dami ng tao dun sa bookstore. Pero dahil pabebe ako at walang makakapigil sakin, go lang. Malay mo may basketball player na naman akong mabangga tas isasama ulit ako sa practice. Namihasa eh 'no?

Pagkadating ko sa bookstore, onti lang naman pala yung tao. Mukha lang madami kasi parang mga ewan na nagsisiksikan. Dumiretso agad ako sa part na may mga books, pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko. Dapat pala bago ako pumunta dito nagdecide na ako kung anong bibilhin ko.

Wala. Akong. Mabili. Dito. Wala na ako sa mood bumili ng gamit. Pagkain na lang muna yung bibilhin ko.

Supermarket!

So yeah, pagkain na lang yung bibilhin ko. Ewan ko ba, pero kapag pumupunta ako dito laging siksikan, sobrang dami ng tao. Yung tipong halos lahat ng makakasalubong mo makakabangga---

"Ano ba?! Hindi tumitingin sa dinadaanan eh. Aish! Tignan mo kung anong ginawa mo sa damit ko!" oo, may nabangga ako at natapon sa kanya yung tubig, iinom kasi dapat ako kaya obviously, hindi siya nakatakip.

"Sorry." sabi ko habang nakayuko.

"Sorry? Sa tingin mo ba matutuyo niyang sorry mo na yan yung damit ko?" duh ang arte amputa. Nanggigigil ako.

"Hindi po." pero matutuyo din yan di katagalan. Gusto ko pa sanang idagdag yan eh, kaso baka bigla akong sabutan ni atih.

"Alam mo naman pala eh, dapat kasi nag-iingat ka." sabi niya tsaka hinawakan ako sa baba para iangat yung mukha ko. Nang maiangat niya na yung mukha ko agad kong inalis yung kamay niya na nakahawak sa baba ko, nakangisi yung gaga. "Oh, Shaylene." kilala niya ako?

"Kilala ba kita?"

"Siguro hindi, pero ako, kilala kita. Halos lahat yata ng taong tutok sa balita at social media eh kilala ka. Shaylene Erisha Gonzales, ang malanding nilalandi si Glen Rice Jr. Sikat ka girl! Alam mo ba yun? Sikat kasi yung nilalandi mo eh. Ang bata-bata mo pa ganyan ka na, pano pa kaya kung tumanda ka na? Baka pati coach ng mga teams patulan mo. What a gold digger." at nagpatuloy lang siya sa pagdaldal, may mga nakapalibot na nga sa aming mga tao eh. May mga nagvivideo pa. Siguro gusto din nitong mag-viral. "Di ka pinalaki ng maayos ng mga magulang mo 'no? Nga pala, bat di mo kasama si Glen? Narealize niya na ba na pineperahan mo lang siya? 14 years old ka lang right? Grabe, grabe yung lakas ng loob mong magpakita pa sa public places gaya nito. May nambash na ba sayo ngayon? Kamusta? Ano nang mga nasasabi sayong mga panlalait? I want to know! Kwento ka naman. Wait, para naman mas maging masaya yung pagkekwento mo eto..." kinuha niya yung halo-halo sa lalaking nasa gilid niya at binuhos sakin.

"Perfect!" di ako gumalaw. Sobrang punong-puno na ako, after one week na pagkukulong, ngayon lang ako lumabas at nakapunta ulit dito sa mall tapos eto yung makukuha ko?

Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata, walang emosyon. Sobrang nanggigigil na ako sa kanya.

"Tapos ka na?"

Hindi siya sumagot.

"Kung tapos ka na, ako naman. Gusto ko lang na malaman mo, ninyong lahat, na hindi ko nilalandi si Glen. Nagpasama lang siya, tinanong niya ako kung pwede ko daw ba siyang ipasyal at sino ba naman ako para tumanggi diba? Kahit itanong niyo pa kay Glen, pero ewan ko lang kung papansinin ka nun ha? Matitinong tao lang kasi yung kinakausap nun eh, hindi yung mga katulad mong siraulo." sabi ko tsaka siya nginisian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BumpWhere stories live. Discover now