Chapter 5

0 0 0
                                    

Anthony's POV

Alyzza. Hindi naman sa takot kami sa kanya, pero si David takot na magkagalit sila. Dahil ayaw na ayaw ni Alyzza ng makalat at ayaw niya din sa alak. Kahit pa sa aming bahay ito, wala kaming magawa kundi sumunod. Alam kong hindi dapat, pero yung kambal ko, ayaw niyang nag-LQ sila ni Alyzza, kay ayun todo sunod.

One time kasi naabutan ni Alyzza na nag-iinuman kami nila David, ang kalat ng bahay nung time na yun at maaamoy mo talaga yung alak. Nagalit si Alyzza at nag-away sila ni David, syempre dahil mahal na mahal ni David yung syota niya, ginawa niya lahat para lang magkaayos sila. At ngayon, hindi na hahayaan ni David na maulit yun, kasi kawawa na naman siya.

At iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit tutol ako sa relasyon nila. Masyadong bossy si Alyzza, wala na sa lugar. Ayoko din naman na pagsabihan siya, kasi para sa kanya, siya palagi yung tama.

"Tony? Pwede bang ikaw naman yung magbukas ng gate?" nanginginig na wika ni David. At ako, bilang isang mapagmahal at mabuting kapatid, sinunod yung sinabi niya.

*ding-dong*

"Nandyan na! Sandali lang!" hindi makapaghintay.

Nakahinga ako ng maluwag nang isang delivery boy ang bumungad sa aking harapan.

"Package for David John and Anthony Pau---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad na kinuha yung package.

"I'm Anthony, David is inside the house, cleaning. Galing kay Dad? Saan ako pipirma?"

~°~

"It's just a delivery boy, nothing to wo--- Woah! Ang bilis niyo naman maglinis." ang bilis talaga, pumirma lang ako tapos gising na silang lahat, at ang ayos na ng sala.

"Galing kay Dad? Ano yan?" agad ko namang inihagis kay David yung package.

"Uhmmm... Tony! Alis na kami ha? Baka hinahanap na ako ni Love." talagang hinahanap ka na nun RR.

"Sige, salamat ha?"

"Next time na lang ulit! At sana yung next time na yun, kapag champion na yung team." wika ni Troy bago sila lumabas ng bahay.

"Pakisara na lang yung gate pagkalabas niyo ha?" paalala ko sa kanila.

"Anong pinadala ni Dad?" tanong ko kay David.

"Kala mo OFW si Dad 'no? Tingnan mo pinadalhan tayo ng damit tsaka sapatos." nasa Australia lang si Dad pero hindi siya OFW. May bahay din kasi kami dun, kaya doon muna siya nag-iistay.

"Pasalamat ka nga eh, minsan lang kaya magpadala si Dad."

"Oo na nga eh, itetext ko na oh, magtethank you na." niliteral naman nito. Minsan napapaisip na lang talaga ako kung paano ko 'to naging kakambal eh.

"David." tawag ko sa kanya pagtapos niyang magtext kay Dad.

"Oh?"

"Pano tayo naging magkakambal? Masyadong malayo eh."

"Tanong mo kay Mom tsaka Dad, jusmiyo Tony. Para namang ako yung gumawa sa atin diba? Mag-isip ka nga. Tsk."

Hays. Ewan ko ba dito, masyadong magaling itong kakambal ko na 'to. Sa sobrang galing napag-iiwanan na ako. Pero kahit na ganito siya, ayoko siyang magbago, ito siya eh, ito si David. Ayokong maalis yung mga kalokohan niya, ayokong magseryoso siya, dahil once na magseryoso siya, alam kong may nagbago na sa kanya. At hindi pa ito ending ha? Minsan lang ako magdrama kaya pagbigyan niyo na ako. Inaappreciate ko lang yung kadakilaan ng kakambal ko.

Shaylene's POV

"Kuya? Saan kayo pupunta?" tanong ni Gracyn. Mukhang hindi niya alam kung anong gagawin namin ng Kuya niya.

BumpWhere stories live. Discover now