Chapter 3

0 0 0
                                    

Shaylene's POV

"Erish?"

"Erish?"

"Hmmm..."

"Erish! Malelate ka na kapag hindi ka pa bumangon diyan!"

Hindi ko pinansin si Kuya Seth at nagtalukbong na lang ng kumot. Nagkaka-mood swing na naman. Kagabi nagdadrama-drama pa, ngayon grabe makasigaw.

"Erisha! Isa! Papasok ako dyan!"

Bahala ka dyan kung anong gusto mong gawin.

"Erisha ano ba? Lagi ka na lang pahirapan kung gisingin, diba sabi ko sayo---" I cut him.

"Mag-alarm ka para hindi na kita kailangang gisingin araw-araw at tsaka para iwas late na din." I said, mimicking his voice.

"Alam mo naman pala, bakit hindi mo pa din ginagawa?"

"Kung hindi pa kayo titigil dyan, matutuluyan ka talagang malate Shaylene." si Mama.

"Ma, pagsabihan niyo nga yang si Erisha, ayaw makinig eh." inis na sabi ni Kuya at padabog na lumabas sa kwarto ko.

"Shaylene? Hija, sige na. Bangon na, magready ka na para sa school."

Wala na akong ibang nagawa kundi sundin si Mama. Nag-alarm naman ako eh, kaso nga lang hindi tumunog yung phone ko. Ewan ko ba, baka nalagay ko sa ilalim ng unan ko.

~°~

"Mag-iingat ha? Seth! Yung kapatid mo!"

Hindi na pumapasok si Kuya kasi graduate na siya, apat na taon na yung nakalipas simula nung grumaduate siya, nag masteral pa kasi siya kaya tumagal. Yun nga lang, wala pa siyang trabaho, hindi pa kasi siya pinagtatrabaho ni Lolo dahil planong ipamana sa kanya yung pamamahala sa kompanya ng mga Gonzales since patay na si Dad at siya yung panganay na anak. At sa apat na taon na yun, sinasanay na siyang magmanage ng kompanya.

"Oo Ma! Erish, seatbelt."

"Opo, sir."

"Erish, stop being stubborn. Kawawa mapapang-asawa mo niyan."

"Kuya, just drive. Tsaka asawa agad? Ang bata-bata ko pa."

"May crush ka na ba?"

"Whuuut?" he's unbelievable.

"Crush? Infatuation? Hinahangaan?"

"Yes, alam ko naman kung ano yun. Pero ako? Crush? Huh. Imposible."

"Imposible ka dyan, sabihin mo na. Si Drexler 'no?"

Drexler. My childhood friend. Classmate ko din siya ngayon, naging magkaibigan kami dahil sa mga pamilya namin. Yung family niya kasi at yung family ko ay magkalapit. Boyfriend material, yes. Pero hindi ko siya type.

"Drexler ka dyan. Tumigil ka na nga Kuya."

"Paano tayo makakarating sa school kung titigil ako?"

"Korni mo Kuys."

"Speaking of Drexler, mukhang hinihintay ka oh."

Nakakainis 'tong hinayupak na 'to minsan eh. Ang hilig akong hintayin, tapos kapag matagal ako magrereklamo. Ang sarap patayin.

Pagkaparada ng kotse, nagpa-alam na ako kay Kuya bago bumaba. Agad naman akong nilapitan ng bakulaw.

"Good morning Elene!" ayan yung tawag niya sa akin, pinagsama niya yung first at second name ko, kaya Elene. Erisha + shayLENE.

"Good morning Drex."

"Ang tagal mo ngayon. Pero medyo maaga ha, 3 minutes earlier than usual."

"Hindi mo naman kasi ako kailangang hintayin Drex. May paa ako, hindi ko kailangan ng bubuhat sa akin papunta sa room."

BumpWhere stories live. Discover now