Chapter 6

0 0 0
                                    

Shaylene's POV

Pagkapasok namin ni Glen sa loob ng kotse, nakita ko yung phone ko sa upuan. Naiwan ko pala 'to, pagkabukas ko ng phone ko may nakita akong pitong missed calls galing kay Kuya, walo, galing kay Kirsten at lima naman galing kay Drexler.

Lagot.

Maya-maya, biglang tumawag si Kuya at agad ko naman itong sinagot.

"Umuwi ka na, kung ayaw mong ako ang kumaladkad sayo pauwi." pagtapos niyang sabihin yun, agad niyang pinatay ang tawag.

Shit. I'm. Dead.

"Kuya Glen? Pwedeng bilisan na natin umuwi? Hinahanap na kasi ako sa amin."

"Okay. Seatbelt, Lene."

~°~

Mahigit isang oras ang naging byahe namin pabalik. Nagmamaneho patungo sa tinitirhan naming subdivision si Glen.

"Kuya Glen, dito na lang. Okay na ako dito." nasa tapat na kami ng entrance ng subdivision. Pero, hindi pa din hininto ni Glen yung sasakyan.

"No, gabi na. Baka kung ano pang mangyari sayo. Ihahatid kita sa bahay niyo mismo."

"Ang kulit, okay na nga. Baka makita ka pa ni Kuya at kung ano pang isipin nun."

"Kaibigan mo na ako diba? Hindi ko kakayanin kung may mangyaring hindi maganda sa 'yo dahil lang sa hindi kita nahatid. Tsaka ayaw mo nun? Makikilala ko na yung Kuya mo. Just give me the directions, Lene." gusto mo pang makilala si Kuya, baka masuntok ka pa nun. At para makauwi na, pumayag na lang ako, para namang magpapatalo itong si Glen.

"Turn left, tas diretso. Unang kanto sa kaliwa, tas diretso."

I gave him the directions hanggang sa makarating na kami sa bahay. Agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nakatayo at mukhang naghihintay sa tapat ng gate si Kuya. Shit, siguradong kanina pa siya dyan.

Nauna na akong bumaba kay Glen, agad naman siyang sumunod sa akin. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Kuya sa aming dalawa ni Glen, at ang isa pang kinatakot ko ay ang walang emosyong mga titig nito.

"Nag-enjoy ba kayo sa wind farm?" wika nito at bahagyang ngumisi. Paano niya nalaman?

"Nabalita lang naman kayong dalawa sa TV, Erisha!" sabi niya na para bang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko, tumaas ang boses ni Kuya at nawala na ang ngisi sa kanyang labi.

Nabalita? Paano.

"Who's this guy Erisha?" obviously, si Glenn ang tinutukoy niya at imbis na ako ang sumagot, Glenn step forward and introduced himself.

"Glen Rice Jr. friend po ni Shaylene. Good evening po." at nakuha niya pang bumati.

"There's nothing good tonight. Erisha, sabi mo sa mall kayo pupunta ni Kirsten, bakit mo kasama itong 'so-called-friend' mo sa wind farm? Ha?!"

"Naisip ko kasing hindi mo ako papayagan dahil siguradong late na ako makakauwi, at hindi niyo kilala yung kasama ko kaya nag-isip ako ng palusot." sana hindi mapansin ni Kuya na parang ikaw at yung taong mahal mo yung sagot ko sa tanong niya, walang connect.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, bakit mo kasama yan?"

"Inaya niya akong ipasyal siya at isa pa, sumama ako kasi once in a lifetime opportunity lang yun para sa katulad kong isang fan."

"Fan? Oh, basketball player ka pala Kanin. Bakit sa dinami-rami, dito sa kapatid ko pa nagpasama ang isang sikat na basketbolistang katulad mo? Ang dami-daming iba dyan."

BumpWhere stories live. Discover now