Chapter 8: 6 of Diamonds - Part 2

Start from the beginning
                                    


Mula naman sa hide-out ay tumunog ang computer ni Bishop. Agad nagtinginan sina Rush at Leivah sa pwesto ng bata. Pinatay naman ni Bishop ang nilalaro at tila naging aligaga.


"Nag-upload na siya ng left hand print," wika niya. Agad niyang ini-scan ang naupload. Lumabas naman doon ang mga fingerprint na agad naman niyang sinave.


Mula sa kaliwang bahagi ng kama ay nagtungo naman si Amanda sa kabila. Kapit niya ang salamin na scanner maging ang kumot na nakatapis sa kanyang katawan. Kukunin na sana niya ang kanang kamay ng lalaki ngunit naalimpungatan ito saglit at napatingin kay Miss Amanda.


"Hey...you're awake," tila lasing niya pang sambit.


"Ssshh...just sleep. I'll just fix myself okay?" wika ni Miss Amanda sabay mariing halik sa labi ng lalaki. Napapikit naman si Alfred Beal at muling naging kalmado. Matapos ang halik na iyon ay agad pinahid ni Miss Amanda ang kanyang mga labi na tila na nandidiri sa kanyang ginawa. Ilang segundo ay tinitigan niya ang pwesto ng lalaki. Nang masigurong malalim na ulit ang kanyang tulog ay kinuha nya ang kanang kamay nito at ini-scan sa salamin.


"Okay...kumpleto na..." sambit ni Bishop. Agad niya ring sinave ang right hand print ni Alfred Beal. Napangiti naman si Rush habang tumatango.


"Nice..." sambit ng binata.


"Hahaha..." tila natawa naman si Harry sa kabilang linya. Nadaanan pa siya ng ilang staff at nagtaka sa kanyang ikinilos.


"Bakit masama ba maging masaya? Nakakatawa 'tong pinapakinggan ko eh!" sambit niya na lamang habang nagpapatuloy sa pagmo-mop ng sahig. Naglakad na lamang nang mabilis ang mga dumaan.


"Oh dahan-dahan lang kasi..." wika naman ni Mang Ace, ang suki ni Aira.


Agad siyang kumuha ng tubig upang ipainom sa kanya. Tila nabulunan naman si Aira dahil sa mga narinig. Binilisan niya ang pagkain ng lomi at hinigop agad ang sabaw nito.


"Salamat po Mang Ace...ito po ang bayad," nagmamadali niyang sambit sabay abot ng limang daan.


"T-teka bakit ka ba nagmamadali...sukli mo!"


"Saka na po 'yan! Mas malaki pa naman po ang makukuha ko diyan!" nakangiting sambit ni Aira. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse at pinaandar iyon. Naiwan namang nakangiti si Mang Ace habang hawak ang perang iyon at nakatitig sa kanya.


"Okay...clean entrance...clean exit," sambit ni Rush mula sa mikropono na nasa harap ng computer.


"Paano ko malalaman? Eh wala nga siyang communicator at mic?" tanong naman ni Harry.


"Hayaan mo siyang lumabas. Makikita natin sa CCTV 'yan sa hallway," utos ni Rush.


"Aira?"


"Oo papunta na," sagot naman ni Aira habang iminamaneho ang itim na magarang kotse. Halos nag-drift pa siya upang makaliko lamang. Agad niyang ibinaba ang hand break nang papatakbuhin niya na ang kotse nang mabilis.

The HeistWhere stories live. Discover now