Chapter Twenty Five ♡

2K 73 33
                                    

Seulgi's POV

Wah. Bigla akong nawalan ng tinik sa dibdib nang makita ang mga ngiti niyang nagpahulog sakin.

Akala ko talaga hindi niya magugustuhan yung binigay ko sa kanya. Okay na yung ganito kami. Hindi ko ata kayang magalit siya sakin sa napakahabang panahon eh. Ikamamatay ko yun.

"Mahal mo na ba?" biglang tanong ni Park sakin kaya napatingin ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Tinatanong pa ba yan? Tch.

"Isn't it obvious? Ayaw kong nagagalit siya sakin. Gustong gusto ko siyang makasama. Unting oras na di ko siya nakikita, di ko kinakaya. May makausap nga lang siyang iba, naiinis na ko. Hindi pa ba yun pagmamahal?" sagot ko naman.

"Nagtatanong lang yung tao Seul. Nakakatakot ka." kamot ulo niya namang sabi. Napatawa ako.

"Ikaw kasi, nagtatanong ka pa eh alam mo naman na." sabi ko at napailing. Hays.

Marami nang nagawa para sakin si Park. Siguro kelangan ko na yung ibalik sa kanya. She deserve it tho. Siguro panahon na para siya naman yung maging masaya. Matagal niya din tong hinintay eh. Imagine 3 years, hindi padin nawawala yung nararamdaman niya para sa kapatid ko? Di ko ata yun kaya.

"Yah Park. Ligawan mo na kapatid ko." sabi ko kaya agad siyang napatingin sakin.

"M-mwo? Ano yun Seul? Di ko narinig eh." sabi niya at unti unting ngumingiti. Tch.

"Wala. Wala akong sinabi." sagot ko at tumingin ulit sa pwesto ni Irene. Tch. Bakit kasi ayaw niya pang umupo sa tabi ko? Damn. Namimiss ko na siya.

"THANK YOU KANG SEUL!" sigaw niya at napatayo pa. Napatingin din sa kanya yung mga kaklase namin.

"You're so loud Park. Umupo ka na." saway ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya at naupo na.

"Hinding hindi mo to pagsisisihan Seul. Hinding hindi ko sasayangin tong tiwalang binigay mo. I'll never let your sister cry." nakangiti niyang sabi. Tumingin ako saglit at tumango.

"Siguraduhin mo lang dahil alam mo mangyayare sayo." sabi ko pa.

"Yes Seul!" masaya niyang sabi at nagsalute. Ngumiti lang ako. Makikitang sobrang saya niya oh. Hay nako. Nakabawi din sa wakas.

Tumingin ulit ako sa pwesto nila Irene at napangiti nang nakitang nakatingin din siya sakin.

I mouted the words 'I love you' dahilan para makita ko ang pamumula ng mapuputi niyang pisngi. Lalo akong napangiti. This woman. Ano bang nagawa ko para ibigay ka sakin ha?

"Woy Kang Seul tigilan niyo nga yan." sabi naman ni Wendy at inirapan ako. Tch.

Nagpout lang ako at binelatan siya. Humarap nadin ako ng maayos sa board. Nakakainis yung babaeng yun.

"Wendy papakain ko sayo tong balahibo ng mga stuff toy."

Narinig kong sabi ni Irene kaya napatawa ako ng mahina. Napakacool talaga niya.

"Goodmorning students." sabi nung kararating lang namin na prof. Woh. Finally.

"Goodmorning Sir." bati naman namin sa kanya.

"So. Before we start, gusto ko lang sabihin na our university decide to accept elite students from other universities. Yun yung dahilan kung bakit wala kayong pasok kahapon. May mga nakuha nadin kami at kahapon namin sila nilagay sa iba't ibang sections. And since this is the star section, gusto ko kapantay niyo din yung ililipat dito. Sana iwelcome niyo siya dito dahil hindi siya masyadong nakikipagsocialize sa mga tao. Try your best to understand her, arraseo?" sabi pa ni Sir. Nag YES lang kaming lahat kaya naman napangiti ito.

"Good. Let me introduce her to you students." nakangiting sabi ni Sir at tumingin dun sa pinto. "Come in Ms. Shin." dagdag pa nito.

Maya maya'y isang pamilyar na mukha ang pumasok ng classroom. Hindi ko alam pero napalunok ako at unti unting napatingin sa pwesto ni Irene.

"Introduce yourself Ms. Shin." sabi pa ni Sir. Tumango lang yung student at humarap samin.

"H-hello everyone, I'm Jisoo Jona Shin from Wayji University. Masaya ako dahil kinuha ako ng KHU na maging student nila at dito ako sa section niyo nakasama. S-sana maging magkaibigan tayong lahat. Nice to meet you guys." mahina ang pagkakasabi niya pero narinig padin naman namin.

"Not bad. Maganda siya."
"Truth! I want to be her friend."
"Sa tabi natin siya paupuin."
"Bro yung mata mo."

Rinig kong bulungan ng mga kaklase namin.

Tong mga to hindi na nabago yung ugali nila tuwing may darating na bago dito samin. Lagi talaga nilang pagbubulungan eh noh.

Hays. Panibagong problema na naman ba to? Tch.

"Gaya ng napag usapan, uupo si Ms. Shin sa taong kakilala niya at yun ay sa tabi ni Ms. Kang." sabi pa nung prof. Woh. I knew it.

"Wait what?! Eotteoke?!"
"Andwae!!"
"Omygod. Wag sa baby namin!"
"Gusto mong makalbo ha? Anong baby mo?"

"Girls shut up. Alam kong lahat kayo nag aalala pero don't worry, maiintindihan naman to ni Ms. Bae. Right Ms. Bae?" sabi pa ni Sir at tumingin sa pwesto ni Irene. No babe not now.

"OO NAMAN SIR. PWEDENG PWEDE." sagot nito at ngumiti. Alam ko yang mga ngiting yan. Bae Joohyun be calm okay? Sayo lang naman ako eh.

"Thank you Ms. Bae. Maupo ka na Ms. Shin para makapag umpisa na tayo sa klase ko." nakangiting sabi ni Sir kaya tumango lang si Jona at umupo na din sa tabi ko.

"Sorry po Young Master. Sinabi ko na po kasi kay Mama na sa iba nalang po ako tumabi." sabi nito at marahang nagbow sakin.

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"It's okay. Hayaan mong ako muna magsilbi sayo ngayon okay?" nakangiti kong sabi at pinat ang balikat niya.

"OMYGOD!"
"Sheyt pinat ni Kang Seul yung likod niya!"
"Magkakilala ba sila ni Kang Seul?"
"SeulRene padin ako!"

Ugh. Ano bang magandang gawin sa mga babaeng to? Tch. Para silang mga tanga.

"T-thank you Young Master.." mahinang sagot ni Jona. Ngumiti lang ako.

Teka nga bakit ko ba to ginagawa? Bakit din ba ako pumayag na magbantay kay Jona?

Alam ko kasing lilipat siya dito dahil lumapit sakin kagabi si Manang. Humingi siya ng favor sakin na bantayan ko si Jona dahil nga pareho din naman kami ng school. Syempre pumayag na ko dahil ang laki din ng utang na loob ko kay Manang Joan. Tsaka okay lang sakin yun. Baka may mangtrip sa kanya lalo na't bago pa siya. Kilala ko mga estudyante dito.

Maiintindihan naman ako ng babe ko diba?

---

So yun nga. Malapit na magmoving up at pagtapos nun, di na ko makakaupdate masyado. Siguro mga once in a month? HAHAHAHA! Pero seryoso di na ko masyado makakapagupdate pagtapos ng moving up. Yun lang naman. Gusto ko lang ishare 😂

I'm Her Slave || seulrene ffWhere stories live. Discover now