Chapter Fourteen ♤

2.2K 63 37
                                    

Irene's POV

"May partner na ba lahat?"

OH GOSH! Eotteoke?!

"YES!" sagot naman nila. Oo nila. Hindi ako kasali. Yung katabi ko? Ayun. Di din sumigaw. Asa naman kayo diyan -_-

"Wag kayong masyadong kabahan dahil sobrang dali lang ng activity ngayon. After nun hahayaan ko na kayong magkaroon ng free time." panimula ni Maam kaya naman wala ng nagsalita pa samin.

"You and your partner will have a presentation about a certain topic. Nasa sa inyo yun kung kakantahin o sasayawin niyo yun. Kayo ang bahala. I need one representative each pair to choose your topic here." sabi pa niya at pinakita yung mga papel.

Tatayo na sana ako pero biglang hinawakan ni Seulgi yung kamay ko. Napatingin ako dun at nakita ko siyang nakangiti sakin. SHET! Stop it Kang.

"Let me babe." nakangiti niyang sabi na lalong nagpagulat sakin. HUTA!

Tumayo nadin siya at pumunta dun sa harap.

Anong meron sa osong yun ha? Answer me!

Nakita ko ang pagngiti niya nang mabasa yung nabunot niya. Oh shit.. yang mga ngiting yan.

Pinabalik na din sila ni Maam sa mga upuan nila pagtapos. Tanginuh siya lang yung nakangiti sa mga kasama niya oh..

"Don't worry babe. Madali lang yung atin." nakangiti niyang sabi at kumindat sakin.

KYAAAAAAAA! Pakisalo yung puso ko. Shet!

"A-ano ba yun na-nabunot mo?" tanong ko sa kanya. Shet pulang pula na siguro mukha ko.

"Sasayaw tayong dalawa." nakangiti niyang sagot sakin. Oh shit..

DI AKO MARUNONG SUMAYAW! Omygosh!

"What?! Di ako marunong." gulat kong sabi.

"Tuturuan kita." sagot niya kaya agad akong napaiwas ng tingin. KYAAAA! Imagine that?! Shet! Lucky girl~

"Kahit hin--"

"Nope. Tuturuan kita. Ayokong mapahiya nang dahil sa slave ko." sabi niya kaya agad akong napabusangot.

NAKAKAINIS SIYA! BWISET!

Yun na eh! Kikiligin at maiihi na ako pero yung sinabi niya? Wow. Akala ko pa naman... ugh. Nevermind.

"No thanks. Marunong akong sumayaw." sabi ko lang at umirap. Nakakainis talaga. Psh.

Narinig ko ang pagtawa niya. Bwiset ka Kang! Dakilang paasa ang putcha.

"Kidding babe." natatawa niyang sabi. Heh! Wala akong pake sa nararamdaman mo.

"Wag mo kong kausapin." naiirita kong sabi at tinalikuran siya. Bwiset siya.

"Don't worry dahil sa Friday niyo pa naman yan ipepresent. Pwede na kayong mag usap." sabi lang ni Maam.

At yun nga. Nagkanya kanya na sila nang pag uusap. Psh. I hate my partner.

"Babe pansinin mo na ko oh." sabi nitong katabi ko at kinalabit ako.

Ugh. Gusto kong magpabebe pero.. parang di ko yata kaya.

Humarap ako sa kanya at nakita kong nakangiti lang siya.

"Tigilan mo nga ko." nakataas na kilay kong sabi sa kanya. Lalo lang itong ngumiti sakin. Huta. Pag ako naiihi dito bwiset ka >_<

"Don't be mad babe, oh?" nakangiti niyang sabi.

PANO AKO HINDI MAGAGALIT KUNG GANYAN KA NG GANYAN SAKIN HA?! Putcha ka!

"Oo na." sabi ko lang. Lalo lang itong napangiti na halos mawala pa yung mga mata niya. Ngumiti nalang din ako.

Ano ka ba Irene. Maging thankful ka nalang dahil nakakangiti na ng ganyan yang baliw na yan. At kiligin ka naman dahil ikaw ang naging dahilan para ngumiti yan ng ganyan. Hmmp!

"Ano ba yung sasayawin natin?" tanong ko sa kanya.

Di siya sumagot at pinakita lang yung papel.

Greedy by: Ariana Grande

Ay putcha..

GREEDY NI ARIANA GRANDE YUNG SASAYAWIN NAMIN?! Oh shit. KILL ME!

"Bat yan pa nabunot mo?" gulat kong tanong. Ayoko niyan! Omygosh.

Bakit kasi kinonnect pa sa topic namin sa AP Contemporary Issues na Graft and Corruption?

"Wae? Maganda naman ah. At may naisip na akong choreo para dito." sabi niya pa at ngumiti ulit. Ang saya ng osong to ah.

"Agad? Psh. Baka pwede namang palitan yung kanta." sabi ko naman. Promise ayoko talaga nung kanta..

"Okay okay. Ano bang gusto mo?" tanong naman nito sakin. Nakita ko pa ang paglungkot ng mga mata niya. Aish!

Nakakahiya naman kung aayaw pa ako eh may naisip na agad siyang choreo. Nakakainis naman oh. Bahala na!

"Ay wag na pala. Okay na yung Greedy." sabi ko lang at ngumiti sa kanya.

Maya maya napangiti din ito sakin. Ugh. Stop it Kang..

"Sabi sayo magugustuhan mo din eh. Final na to ah?" sabi niya pa kaya napatango ako.

"Don't worry di naman mahirap yung choreo. Ayokong nahihirapan ka." nakangiti niya pang sabi at kumindat sakin.

"Tigilan mo ko." sabi ko lang at naipadyak nalang ng patago yung paa ko. NAKAKAINIS! Kinikilig ako ih.

Napatawa lang siya at umiling iling. Che! Saya mo ah.

"Anong nabunot niyo?" tanong ni Wendy samin. Psh. Kalbuhin kita diyan eh.

"Dun ka nga. Iniwan mo ko dito sa baliw na to." sabi ko lang at inirapan siya. Syempre pabulong lang yun noh.

"Eyy. Admit it girl, you like it too. Mukha mo palang oh." sabi niya naman at tinawanan ako. Leche yan.

Nakakainis yung mga tao nowadays -_-

"Tigilan mo ko. Ano yung inyo?" tanong ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. Ang saya niya din oh.

"At dahil mga singing divas kami, kakanta kami. At yun ay.. Price Tag!" masaya niyang sabi at sumayaw sayaw pa. Leche yan. Ikaw pasayawin ko eh.

"Ang saya mo noh? Ang saya mong makitang nahihirapan ako." nakabusangot kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at niyakap ako ng saglit.

"Wag ka nang magtampo okay? Gusto mo namang kagrupo yang babe mo diba? Ayan pinagbigyan kita." nakangiti niya pang sabi. Hays. Ito na naman tayo sa gusto ko. Hindi ko nga to gusto eh..

GUSTONG GUSTO KO TO!

"Oo na. Ah by the way, nagtext sayo si Bogum?" tanong ko sa kanya.

"Baki-"

"What did you say?"

Agad naman akong napatingin ki Seul. Napakunot yung noo ko.

"Wala naman. Tinanong ko lang si Wendy." sagot ko naman.

"Sino yung nagtext sayo?" tanong pa nito at nakita ko ang pag iba ng mukha niya.

May nasabi ba akong mali?

"Si Bogum." sagot ko. Nakita ko ang pagkagulat niya.

"Damn it. Kaano ano mo siya?" medyo tumaas na yung boses niya nung tanungin niya ako.

Nakakatakot naman tong osong to..

"Kaibigan namin ni Wendy."

Pagkasabi ko nun ay bigla siyang napatayo at mabilis na lumabas ng classroom.

HUTA MAY NASABI NA NAMAN BA AKONG MALI?!

---

Sa wakas ☝ 😂

I'm Her Slave || seulrene ffWhere stories live. Discover now