Chapter Fifteen ♧

2.1K 68 9
                                    

Seulgi's POV

Fvck.

Magkakilala sila nung walang kwentang lalaking yun?! Shit lang. Kelan pa?!

Mukhang kilalang kilala niya ang lalaking yun. Siguro nga matagal na silang magkakakilala dahil pati si Wendy, kilala niya din yun. 

Tch. Kung alam lang nila kung gaano kademonyo ang ugali ng lalaking yun.

Hindi ko hahayaang makalapit siya ki Irene. Tama na yung agawin niya yung taong mahal ko, DATI.

Ayoko nang mangyare yung dating pinagmukha na naman akong tanga ng taong sobra kong minamahal. Nakakapagod din yun.

"Stop right there."

Napahinto ako at napatingin sa taong nagsalita nun. What the hell?

Tinalikuran ko ulit siya at naglakad ulit. Sinusundan niya na naman ba ako?

"I SAID STOP RIGHT THERE!" sigaw niya kaya naipikit ko yung mata ko kasabay ng pagkayukom ng kamao ko. I swear masasaktan to ng pisikal kapag hindi siya tumigil.

Hinarap ko siya at mabilis na lumapit sa kanya. Lapit. Sobrang lapit.

"Tigilan mo na ko Krystal. Stop following me." matigas kong sabi habang hawak yung braso niya. Kulang nalang baliin ko to sa sobrang galit ko sa kanya.

Napangiti lang siya at lalong nilapit sakin yung mukha niya. What the fvck?!

"Ang cute mo padin hanggang ngayon. I miss your lips." nakangiti niyang sabi at napatingin sa mga labi ko. Damn.

Agad akong lumayo at tumingin sa ibang direksyon. Ibang iba na siya sa Krystal na kilala ko.

"Wae? Hindi mo ko kayang titigan? Bakit Seulgi-ah? Bumabalik ba yung dati?" nakangiti niyang sabi at unti unting lumapit sakin. "Don't worry kung gusto mo yung dating tayo, I'm ready Seulgi-ah. Take me." sabi niya pa.

What the fvck?!

Tinulak ko siya palayo sakin at umiling. Ang kapal ng mukha niyang sabihin ang mga yun. Ganito na ba talaga siya ngayon? Ang laki na ang pinagbago niya.

"Tanga lang ako kung babalik pa ako sayo. Layuan mo na ako Krystal habang nakakaya ko pang makita yang mukha mo." seryoso kong sabi sa kanya.

Kayang kaya ko siyang paalisin dito pero bilang paggalang narin ki Mr. Jung na isa sa mga director ng university, hindi ko na ginawa.

"Di mo na ba ako mahal Seul? Kahit kunting pagmamahal, wala na ba talaga?" naiiyak niyang tanong sakin. At nagtanong ka pa?

"Sa tingin mo gagawin ko to kung may nararamdaman pa ako para sayo? Mag isip ka nga. Ayoko na sayo at kahit kelan, hinding hindi kita minahal. Kaya pwede ba, for the last time, tigilan mo na ko?" sabi ko pa sa kanya. Nakit ako ang unti unting pagtulo ng mga luha niya. At wala akong pake dun.

Kung si Irene ang gagawa niyan sa harap ko, hindi ko ata mapipigilang yakapin siya.

"Okay then. Hindi na kita guguluhin pero tandaan mo to." sabi niya at ngumiti sakin. She's fvcking crazy. Kanina lang iiyak iyak siya tapos ngayon, yung mga ngiti niya iba na.

"I will take care of your slave. Hindi ako papayag na siya lang yung masaya. Ako din dapat, tayong dalawa. Mas masaya yun right?" nakangiti niyang sabi at maya maya'y tumawa. Damn it. Nababaliw na nga siya.

"Wag mong idadamay si Irene dito Krystal. Wala siyang kasalanan sayo." galit kong sabi sa kanya. Umiling siya at inayos yung damit ko.

"Hindi lang naman sakin, sating dalawa. Kung hindi siya dumating, hindi na sana nangyare to satin. Kaya wag ka nang mag alala ha? Malapit na din naman tayong magkasama." nakangiti niyang sabi at kumindat sakin.

Tuluyan na din siyang lumabas ng gym. Damn it.

Nababaliw na talaga siya. Ano na naman bang plano niya? Hindi na niya ako tinigilan. Tapos ngayon, si Irene naman ang guguluhin niya.

Fvck. I need to see her. Baka kung ano nang gawin sa kanya ng baliw na Krystal na yun.

Dali dali akong lumabas ng gym at dumiretso pabalik ng classroom namin.

Irene's POV

Tulala.

Yan ako ngayon.

Huta..

Nagawa ni Bogum yun? Shet lang.

Nalaman ko lang naman na yung tinutukoy ni Joy na LALAKING SUMIRA SA RELASYON NI SEULGI AT KRYSTAL at si Bogum ay iisa. Shemay! Kaya naman pala agad na nagwalk out ang osong yun.

Pero seryoso? Nagawa ni Bogum yun? Wala naman siyang nabanggit samin na nagkaroon siya ng girlfriend. NGSB nga yun eh. Grabe..

"Hindi ako naniniwala." umiiling iling na sabi ni Wendy nang marinig yung sinabi ni Joy.

See? Pati yung FAN mismo ni Seul ayaw maniwalang nagawa yun ni Bogum.

Totoo naman kasi. Sobrang bait at galang ng lalaking yun kung alam niyo lang. Malayong magawa niya yung ganung bagay, ang makasira ng isang masaya at perfect na relasyon.

"Nagsasabi ako ng totoo, believe me. Kung gusto niyo tanungin niyo yung Krystal na yun para malaman niyo." sabi lang ni Joy.

Kita sa mga mata niya yung sinsiredad sa mga sinasabi niya. Kasi naman. Ugh. Dagdag pasakit sa ulo to ah.

"What the. Ako? Pakakausap mo sa isang higad? Patayin mo nalang ako Joy." sabi lang ni Wendy at umirap.

"Kill her Joy-ssi. Tutulungan pa kita."

Napatingin kami sa nagsalitang yun at nakita namin si Krystal. Nakangiti lang siya samin ng sobrang tamis. Ngiting inosente yet, malandi.

"Wag mo nga kaming kausapin." sabi lang sa kanya ni Joy habang masama ang tingin ki Krystal. Tumawa lang ito at umupo na ng upuan niya. Weird.

"Take your time guys. Wag niyong isipin yung sinabi ko. Lahat kayo mararanasan yun." sabi niya pa kaya agad akong nakaramdaman ng kaba.

Lahat kayo mararanasan yun.

Anong ibig niyang sabihin dun? Kinakabahan ako shet!

"We don't care about you Krystal. Lumipat ka na nga ng upuan. Baka mahawa si bes sa katulad mo eh." mataray na sabi sa kanya ni Wendy. Nginitian lang siya ni Krystal. Natatakot ako sa mga ngiti niya.

Napalunok nalang ako at inayos yung sarili ko. Parang di ko siya kayang harapin ngayon. Ano ba tong nangyayare sakin?

"I can't Ms. Wendy. Gusto ko sanang makipagkaibigan ki Irene, kung pwede lang. Nararamdaman ko kasing magkakasundo kami." sabi ni Krystal kaya unti unti akong napatingin sa kanya. Ngumiti lang ulit siya sakin.

"No thanks." sabi ko at ngumiti din sa kanya. Umirap din ako pagtapos. Ayoko ng kaibigang malandi tsaka naninira ng kasiyahan ng iba.

Narinig ko ang pagtawa niya. Hindi isang simpleng tawa dahil nasa tono ng pagiging demonyo niya.

"Hindi mo to pagsisisihan." nakangiti niya pang sabi at kinuha yung bag niya. "Goodbye guys. See you later." sabi niya pa at lumabas ng classroom.

"Heol. What was that? Ramdam niyo din ba yung kakatihang naiwan niya?" sabi ni Joy at umarteng nangangati yung katawan.

Napatawa sa kanya si Wendy at pumalakpak pa. Napatawa nalang ako sa ginawa niya.

Hays.

Buti naman at kahit papaano ay nawala din yung kaba ko.

Maya maya'y isang hingal at pawis na oso ang nakita naming palapit sa pwesto namin.

"Are you okay babe? May masakit ba sayo? Anong ginawa ng Krystal na yun sayo? Tell me." hingal niyang sabi habang tinitignan yung bawat parte ng mukha ko.

Uhm.

SHUTANGNA! PAKIHUKAY YUNG PAGLALAMAYAN PARA SAKIN. AYOKO NA >_<

-----

I'm Her Slave || seulrene ffWhere stories live. Discover now