My professor w50

5.4K 69 30
                                    

Pinabantayan ko muna yung kotse ko sa labas. Binati agad ako nung guard na ang laki laki ng ngiti. Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung anong pakay ko dito? Pinagtitinginan ako nung mga estudyante, bakit ganun? masyado bang sexy yung suot ko? Sabi ko na nga ba hindi dapat ako nag hapit na office attire e. Ang taas pa ng heels ko, baka mapagbintangan nila akong Dean ng school.

Grabe! And dami na ring nagbago dito. May mga nawalang establishments mga computer shops tsaka mga dati naming pinagkakainan. Wala na akong alam sa mga nangyayari dito dahil sa tagal ko ring naging busy sa pagtatrabaho at sino bang pwedeng pagkuhaan ng balita dito? Wala rin naman.

Hindi ko nga rin alam yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa bawat lingon ko sa paligid, may mga bagay na bumabalik sa utak ko. Mga ala-ala na pilit kong kinalimutan noon.

Napapailing talaga 'ko kapag naaalala ko yung lahat. Naalala ko kasi yung sakit at naranasan ko mismo sa lugar na 'to. Ito na yung kinakatakot ko e, yung hindi ko alam yung mararamdaman ko kapag nakita ko na naman. Ano bang pumasok sa utak namin ni Chelsea? Bakit ba lakas loob akong nagdecide na gawin 'to? Bakit dito?

Napakatagal niyang magreply, wala pa rin talagang pinagbago. Wait lang, traffic pa. O at least may natanggap ako kahit papaano sa dami ng minessage ko sa kanya.

Napatanga ako, tapos parang nag slow mo yung paligid nung nakita ko yung canteen namin dati. Para bang may tutulong luha sa mata ko. Parang tanga talaga, napakadrama.

Naglalakad ako na hindi nakatingin yung mga mata ko sa nilalakaran ko dahil napako pa rin yun sa nakapalibot sa'kin na mga pinupuntahan ko dati. Ang sakit pa rin pala pag naaalala mo yung dati na para ba'ng bumabalik sa'yo yung pakiramdam mo noon.

"Ouch!" at isang malakas na iyak yung narinig ko. Boses ng bata na dali dali kong nilingon. Nasa paahan ko siya nadapa!

"Hala! Sorry!" dali dali ko siyang tinayo tapos pinagpag yung tuhod niya at damit niya na nadumihan.

"Sorry baby, 'di ko po sinasadya," pinupunasan ko yung luha nitong batang lalake na cute na cute na siguro nasa tatlong taon na gulang. Nasaan na kaya yung magulang nito?

"I want ice cream," sabi niya, sabay turo dun sa, "Ay! Sige we will buy one huge ice cream just for you," kasi hindi ko nakita na may hawak pala siyang ice cream at natapon yun dahil sa pagkakadapa niya.

"But first, where is your mommy?" tanong ko sa kanya. Pero bago niya sagutin yun, nakarinig ako ng pamilyar na mga reaksyon na dati ko na ring naririnig sa paligid ko noong nasa college kami. Nagpatay malisya na lang ako dahil, ano ba steph! Iba na yung panahon ngayon. Ilang taon na rin yung lumipas at siguro naman ay wala na siya rito? Siguro. At isa pa, ano naman kung makita mo siya diba? Nakaraan na yun. Move on na.

Pero, "Steph?" napapikit ako dahil sa boses na narinig ko. Hindi ko makakalimutan yung boses na yan.

Unti unti akong tumayo mula sa lebel na binaba ko para makausap yung bata na ki-nomfort ko. "Ikaw yan diba?" aniya. Kaharap ko na siya. Yung taong iniwasan ko ng tatlong taon. Yung taong nagbigay ng saya at pagmamahal sa akin noon at yung taong nagparamdam sa akin nung sakit. Gago ka talaga tadhana, pinagtagpo mo na naman kami.

Hindi pa rin ako makatingin, nakayuko pa rin ako. Alam ko sa sarili kong siya 'to. "Ikaw yan diba?" kailangan pa ba niyang ulit ulitin yung tanong? Ang laki ba nang pinagbago ko? Naiinis ako pero nangingibabaw yung kaba ko.

Relax Stephanie, tingnan mo na siya. Kaya mo yan,

Kahit parang lumalabo yung paligid ko sa sobrang kaba, alam ko sa sarili ko kung paano nanlisik yung mata ko nung tiningnan ko siya na agad ko rin namang nabawi dahil sa, hindi ko rin mapaliwanag.

Para bang hinigop lahat ng inis ko patapon at palayo sa'kin nung makita ko siyang nakangiti sa'kin. Ang lalim nung paghinga ko, pakiramdam ko hihikain ako, parang nauubusan ako ng oxygen.

Napayuko ako ulit dahil parang maiiyak ako. "Kumusta ka?" aniya. Nakakainggit naman siya, parang wala lang sa kanya na makita ako ngayon. Ako lang nga siguro ang apektado.

Nagsimula ulit kaming magkatitigan pero sumuko ako dahil "Daddy," niyakap nung bata yung isang hita ni ken. Kahit sa bata na ako nakatingin, alam ko pa ring nakatuon yung mata niya sa'kin.

Bakit parang tumigil yung baga ko sa pag produce ng hangin at parang may masakit sa dibdib ko? Yung mata ko parang humahapdi. Pwede bang magkusa yung paa ko na maglakad palayo rito? Pwede bang tumalikod na ko at di na lang magsalita? God ang sakit,

Stephanie, wag kang iiyak. Huminga ka ng malalim. Okay, ngumiti tayo. Subukan kong magsali---okay wag na tama na masakit, masakit na naman, masakit pa rin at lalong sumakit.

"Welcome back and it's nice to see you again." Hindi na ako tumingin pa sa kanya instead ngumiti lang ako na parang wala akong kausap.

Nagsimula na silang maglakad palayo sa'kin kaya ganun na rin yung ginawa ko. Akala ko talaga okay na 'ko, mahal ko pa rin pala siya at ang sakit. Totoo pala na minsan hindi agad nabubura yung nararamdaman mo para sa isang tao kahit na lumayo ka pa.

Ang sakit nung katotohanan na may mga bagay talaga na hindi mapapasayo. Mga bagay na dadaan lang sa buhay mo pero di mananatili. Mga bagay na akala mo gagawa yung tadhana ng paraan at pagakataon pero hindi pala. Pagtatagpuin kayo at hanggang dun lang, hangang dun lang yun.

Aaasarin ka lang ng tadhana. Papagurin ka lang.

Mahal na mahal kita, propesor ko.

STEPHANIE.



According to a member of the Faculty Association (FA), student-professor relationships are considered harassment cases. A Commercial Law Department professor affirms that cases of student-professor relationships can be tried under the Anti-Sexual Harassment Act of 1995.

Sec. 3 of the act defines sexual harassment as "Work, education or training-related sexual harassment is committed by an employee, manager,...teacher, instructor, professor, coach, trainer, or any other person who, having authority, influence or moral ascendancy over another in a work or training or education environment, demands, requests or otherwise requires any sexual favor from the other, regardless of whether the demand, request or requirement for submission is accepted by the object of said act. This means that romantic relationships between students and professors fall under the definition of sexual harassment even if both parties entered the relationship consensually. The application of the law is still unclear in instances when the professor was a former student of the University before the student-professor relationship started or the couple already had a relationship before being teacher and student. (See the complete article @ thelasallian.com) By Patrick Ong



Thank you po sa lahat ng nakarating dito sa dulo. After 3 years, sa wakas natapos ko rin 'to at salamat sa patuloy niyong pagsuporta sa akin, pasensiya sa paghihintay at pagbibigay inspirasyon na ibinigay niyo sa akin. I love you all.

My Math Professor [editing] Where stories live. Discover now