w35 Questions

3.5K 79 11
                                    

STEPHANIE's POV

Hindi ko maipaliwanag yung saya ko. Parang sa lahat ng bagay yata na tingnan ko napapangiti ako. Parang baliw na talaga ako. Sobrang baliw.

Pumayag sila mama dahil sinabi kong magkikita kita kami ng mga kagrupo ko sa thesis. Syempre hindu ko pwedeng sabihin yung totoo kahit na wala naman talaga kaming gagawing masama. Propesor siya, estudyante ako.

Nag message na ako kay sir na nag aayos na ako. Actually, minessage ko rin si Chelsea about sa nangyari. Agad siyang pumunta sa bahay kaninang mga alas otso kahit galing pa siyang school at nag pacheck sa paborito niyang prof ng thesis. Nakakatawa nga siya kasi sa pagmamadali raw niyang magpalit ng damit dahil nababahuan raw siya sa sarili niya ay pambahay yung naisuot niya. Talagang siya ang naghagilap at nagdala ng isusuot ko. Nagtataka na nga si mama dahil masyado siyang excited, tapos may dala pa siyang malaking paper bag na puno ng damit. Mabuti na lang, magaling siya mag palusot, sabi niya hindi na daw niya ginagamit yung mga damit na yun.

Nakakaloka si chelsea, pagkapasok namin sa kuwarto, ibinuhos niya yung laman ng paper bag sa kama. May tatlong dress yata at may mga make up pa. Pinagsu-suot ba naman ako ng dress! Ano 'to? Date? "Baka naman naka pambahay lang si sir, chels, oa naman yata masyado yan," sabi ko. Pinipilit niya ko pero ayaw ko talaga. Hinalungkat ko yung damit na dala niya tapos may nakita akong jumpshort na maong. Cute kasi kaya parang yun yung natipuhan ko.

Nag isip si chels nung pinakita ko yung damit na gusto ko. "Pwede na rin yata yan," aniya. Nakasimangot pa siya pero biglang lumiwanag yung mukha niya, "May white spagetti strap ka diyan diba?" tumango naman ako.

"Yun na lang, pang-ibabaw mo." siya na kumalkal ng damit ko. Nagkagulo gulo na talaga. Parang ayaw ko ng idea niya kasi masyadong revealing. 'Di ako sanay. "Naisip ko kasi t-shirt chels," napairap siya. Baliw 'to! "Hindi pwede, mas bagay yun. Show some skin girl." sabay kindat sa'kin. Galawgaw talaga.

Sumunod na lang ako sa gusto niya kasi ang sungit na ng itsura pag pinipilit ko siya sa gusto ko. Alam ko namang magaling pumorma si chelsea at alam kong baduy ako kaya sige na.

Nilagyan niya ako ng make up na light lang. Yun yung tinatawag niya raw na morning look,  woke up like this na dyosa lang daw ang peg. Sinuot ko na yung damit at... Kahit ako di ako makapaniwalang bagay din pala sa'kin mag suot ng mga ganito.
"Kakaloka! Ang ganda mo bruha!" sabi ni chelsea.
"Hindi ba masyadong mapang-akit yung damit ko?" tanong ko kasi, yung balikat ko, yung dibdib ko na sabi ni chelsea maglabas daw man lang ako ng cleavage kahit unti.
"Samahan kaya kita papunta?" bigla niyang sabi.
"Sabi ko na nga ba e! Papalitan ko tong damit ko!" huhubarin ko na sana kaya lang bigla niyang hinagis sa mukha ko yung cardigan na black.
"Sasamahan kita papunta tapos isuot mo muna yan habang nasa biyahe tayo, pagdating dun tsaka ko kukunin yung cardigan tapos uuwin na rin ako," sabi niya.
"Bakit mo pa kukununin?" tanong ko pero natawa siya tapos..
"Basta, maniwala ka sa'kin. Ang sexy sexy mo steph!" sagot niya. Siraulo talaga.
Naka bun lang yung buhok ko. Tawag niya nga raw dun medyo messy bun.

My Math Professor [editing] Место, где живут истории. Откройте их для себя