Finally is the Ending

4.8K 254 53
                                    

Ang ending, sa ayaw man natin o sa hindi, ang nagtutulak para magdesisyon ang reader kung maganda ba o hindi ang kwentong nabasa.

May dalawang type ng ending:

● The justified

● Not justified

Sa dalawang type na ito, make sure na pumanig tayo sa justified. Hihi.

Pero paano malalamang justified ang ending? Hindi sa kung ano ang gusto mo bilang reader - pero kapag na-gets mo kung bakit nga ba ito ang ending ng kwento.

Very subjective, tbh. Pero kung ikaw ang author, dapat para sa 'yo, JUSTIFIED ang ending.


May iba't ibang way para i-end ang isang kwento, at hindi ito nali-limit dito: (the terms may vary, basta mas ok na maintindihan ang nilalaman kaysa terms)

● Explicit ending – Wraps up everything. Satisfying ang lahat. Walang loose ends na nakalaylay; tinahi at ni-ribbon from plot holes to missing clues. Sinasabi rin madalas dito ang mga nangyari sa iba pang supporting characters.

Pro: syempre, walang tanong.

Con: it's too tidy. Hindi na pinag-isip ang readers.

● Implicit ending – Ang ending na depende sa author or sa reader, open for interpretation.

Pro: Mapapaisip mo si reader.

Con: Too many opinions na may chance ma-overshadow ang mismong interpretation ni author.

● Twist ending – Unexpected ang ending. Tipong ang pinapakita mo sa kwento na A ang mangyayari pero sa dulo, B pala talaga dahil sa biglaang revelation o biglaang pangyayari.

Pro: kung maganda ang pagkakagawa, sobrang mahu-hook ang readers.

Con: Kung hindi maayos ang pagkakagawa (walang foreshadowing, etc), masisira mo ang binigay na tiwala ng reader.

● Tie-back ending – Ang ending na may kinalaman sa start ng story.

Pro: mafi-feel ng reader na pinag-isipan nang mabuti ni author ang kwento. may "eureka!" moment. maiisip nilang 'bat di ko to nakita agad omg'

Con: if done badly, magiging mema ang datingan. mema-connect lang.

● Unresolved ending – mga endings na hindi naayos ang main conflict para pag-isipin ang readers sa outcome. Ipapasok din dito ang mga cliff hangers o kaya mga books na may kasunod pa sa isang series.

Pro: mapag-iisip mo si reader.

Con: mababadtrip sila dahil expectated nilang magiging maayos na ang lahat tapos hindi pa pala talaga.

● Long view ending – Mga ending na ipapakita ang future ng mga bida. May 'epilogue' ng maayos na future.

Example: Harry Potter and the Deathly Hallows by J.K. Rowling, na nag-end para sabihin kung sino ang nagpakasal, sino ang mga may anak na etc sa future.

Pro: may feeling na satisfaction.

Con: may ibang readers na masyadong nahahabaan sa mga ganito, na minsan iisipin nila hindi na kailangan ba't may paganito pa.


Most romance readers love HEA or (Happy Ever After) endings. Sa mga baguhang readers, may times na wapakels sila kung:

● Worth it ba ang nangyari sa mga characters?

● May sense pa ba ang ending?

● Biglaan ba masyado?

Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips (Baguhan Edition)Where stories live. Discover now