Three Characters

5K 197 34
                                    

A character or a protagonist, won't be memorable if their characteristics, choices, and motivation is the same with other hundred protagonists / characters in other stories.

Ilan na ba ang pa-kyut, virgin, pa-inosente at selfless character ang nakilala natin sa buong reading career natin? Bilang manunulat, gusto ba nating ilagay ang character natin sa file under: SandP Characters aka Same and Predictable Characters?

Paano natin ito maaayos sa sariling kwento?


THE Choice

A major (or even minor) choice of the character should have pros and cons. Mostly, ito 'yong tanong na:

"DotA o ako," sabi ni girlfriend.

Napakahirap sagutin ito dahil may pro and con. Parehas na importante. Parehas na ayaw mawala. Parehas na kailangan ni Character: girlfriend dahil kailangan niya ng human interaction; DotA kapag ayaw na niya ng human interaction.

Ang hirap!

May right choice: girlfriend – duh.

May left choice: dota, syempre!

Pero ang character – dapat may sariling choice na aayon sa kung anong ugali niya.

Example: The character decision? DotA.

Nakipag-break siya sa girlfriend niya dahil ayaw niya sa lahat ang pinapapili siya. Hindi rin niya ito mahal. Pang-trophy girlfriend lang kasi. At mas masaya siya sa DotA dahil kasama rin niya ang mga tropa. Stressed siya sa bahay, stress pa sa girlfriend? DotA na lang para masaya!

Another example: The character decision? Girlfriend.

Ayaw na niyang mag-DotA dahil napapansin niyang kinakain nito ang lahat sa kanya: oras, pera at kaluluwa. Hindi na nakakatulong at napabayaan na niya ang buhay. Ni hindi nga ito ang gusto niya maging passion in life! Ginagamit lang niya ang diversion. Ang girlfriend niya ang taga support, bakit hahayaan niyang makain ng isang laro ang totoong buhay?

Ang yet another example: The character decision? Sarili.

Mahal niya ang girlfriend niya. Passion niya ang DotA. Aayusin niya ang lahat sa sarili.


Isang choice na wala sa right o left, pero nasa character niya.


THE Decision

Tulad ng choice, may desisyon ding nasa character mismo. Isang napakagandang example ay ang nabasa ko tungkol sa isang Bible story ng isang babaeng nag-commit ng adultery at dinala kay Jesus. Noong mga panahong 'yon, punishable by death ang kalan - wait for it - dian!

Tanong ng mga tao kay Jesus kung anong dapat gawin nila sa babae.

Choice A: Let her free.

Choice B: Put her to death.

Parehas na tama. Parehas na may dahilan at justice. May paninindigan. Ngunit, isipin natin si Jesus. Siya ang bida.

If Jesus chose A: Let her free, babaliin niya ang law – which is hindi niya gagawin dahil bad yon.

If Jesus chose B: Put her to death, mawawala ang mercy at forgiveness character peg niya.

Nakakaloka ang desisyon, pero ang ginawa niya? Sinulat niya ito sa ground: "Whoever is without sin among you, let him cast the first stone."

Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips (Baguhan Edition)Where stories live. Discover now