CHAPTER 64: LAST WISH ♥

Start from the beginning
                                    


Hindi ko na nabilang kung ilang oras ang naging biyahe namin kase naman nakatulog ako. Kawawa tuloy si Inggrid, malamang pagod na pagod siya sa pagmamaneho.

Halos ibagsak na ni Inggrid ang katawan niya sa malambot na kama.

Nandito na kase kami sa Resort ng tito niya. Sobrang ganda nga eh.

Kung hindi lang pagod si Inggrid, niyaya ko sana siyang libutin ang kabuuan ng resort. Ang laki kase eh!

Sa harapan bubungad sayo ang mga sumasayaw ng Hawaiian dance. Tapos may malaking fountain sa lobby. Sabi ni Inggrid nasa bandang kanan daw nitong resort ang limang malalaking swimming pool. Sa likuran naman makikita ang dagat. Oh di ba ang bongga?!

“Bessy magiging busy na tayo. Ang sabi ni tito sunod sunod daw ang events dito ngayong buwan. I-ready mo ang sarili mo.”

“Ikaw ang inaalala ko. Bessy siguradong mahihirapan ka sa trabaho mo ngayon. Hindi ka pa naman sanay sa hirap!”

“Ano ka ba bessy?! Anong hindi sanay?! Keri ko yan!”

“Sabi mo eh.”

After that wala na muna kaming ginawa ni Inggrid. Nagpahinga lang kami magdamag. Sobrang bait kase ng tito niya.

Kinabukasan..

Unang araw ng trabaho namin. Wish us luck.

Kakatapos ko lang magshower nang pumasok sa loob ng kwarto si Inggrid.

I wonder kung saan siya nagpunta ng ganito kaaga. Pagkagising ko kase kanina, wala na siya dito at ngayon lang bumalik.

“Saan ka galing?” Tanong ko habang pinupunasan ang buhok ko.

Itinaas niya ang malaking white box na hawak hawak niya.

“Ano naman yan?”

“Wala pa bang tumatawag sayo?” parang nagtataka niyang tanong.

Just in time tumunog ang cellphone ko.

Stacey calling..

I answered.

[ Good morning Glazy! Nareceive mo na ba ang dress na pinadala ko? ]

“Dress?”

Itinuturo ni Inggrid ang hawak niyang box. So.. I think natanggap ko na nga.

[ I want you to wear that Glazy. Today na ang party ko. ]

“Ha? Pero nandito ako sa Batangas—“

[ No problem! Dyan ang reception. I’ve arranged everything. You just have to attend.  Oh! And by the way, may single shoe yan na kasama. May pa-game kase ako, so dalhin mo siya. Don’t wear any footwear! Come to the beach barefooted. Bye! ]

“Ah Stacey! Hello?! Aisht! Binaba na!”

“Isuot mo na bessy bilis!” Excited na ipinatong ni Inggrid sa kama ko ang malaking box.

Binuksan niya yon at sabay kaming natulala sa laman nito.

Kinuha ni Inggrid at tinanggal sa pagkakatiklop.

Isang sophisticated white lacey dress. Isang tingin mo pa lang mapapansin mo ng mahal.

“Parang hindi ko masusuot yan.” I said habang pinagmamasdan ko ang dress.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Where stories live. Discover now