CHAPTER 53: HOW DO I LIVE WITHOUT YOU

6.9K 165 21
                                    

CHAPTER 53: HOW DO I LIVE WITHOUT YOU

Days passed..

and I miss him.

Pagkatapos ng gabing yun, umuwi na ako sa bahay ni mama.

Ang sakit kase hindi nya ako pinigilan.

Hindi ko akalain na mauuwi sa paghihiwalay ang relasyon namin ni Kelvin.

Kahit na ayoko, wala na akong magagawa.

Sa labi na nya mismo nanggaling ang lahat.

Ayoko na rin Glazy. Pareho lang nating sinasaktan ang isat isa. Kaya tama na.

Tama sya.

Pareho lang namin sinasaktan ang isat isa.

Pero kahit na paulit ulit akong masaktan, okay lang sakin. Basta nandyan sya.

Hindi ganito.

"Mama may sakit ba si tita?" Narinig kong tanong ni Win.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinila ko ang kumot hanggang matakluban nito ang ulo ko.

"Oo malala ang sakit nyan. Fifty fifty na nga eh!" ate Wenzy.

Nang marinig kong isinara na nila ang pinto ng kwarto ko, hinila ko na pababa ang kumot.

Ilang araw na akong nagkukulong dito.

Pinaparusahan ko ang sarili ko dahil sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya.

Pero alam ko..

kulang pa 'to.

Halos hindi ko na magawang tumayo at maglakad.

Wala ng lakas ang buo kong katawan dahil hindi rin ako kumakain.

Kumapit ako sa drawer na katabi ng kama ko upang makatayo.

Dahan dahan tinungo ko ang pinto.

I-lolock ko na sana ito nang may marinig ako sa salas.

"Aish! Bakit niya naman ginawa yun?! Sinisira na ba nya ang buhay nya?!" boses ni mama.

"Masyado kang oa ma! Eh sa ayaw na talaga nyang maging tagapagmana ng mga Vergara! Ano namang pake nyo?!" si ate

Ano bang pinag-uusapan nila?

"Eh kahit baligtarin ang mundo son-in-law ko pa rin sya! Hindi pa sila nagdidivorce ni Glazy! Paano na lang kung magkabalikan sila? Mababawi ba nya yang sinabi nya sa publiko?! Jusko! Mahahigh blood ata ako sa balitang yan! Patayin mo na nga yang tv! Sayang ang kuryente!"

"Kahit kailan talaga mukha kayong pera!"

Kelvin..

Bakit mo ginawa yun?

Dahil ba sa akin?

**

"Kainin mo lahat yan! Umorder talaga ako ng marami para sayo. Ang sabi ni tita ilang araw ka na daw nagpipinitensya."

I cleared my throat habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain na nasa harapan ko ngayon.

Sinundo ako ni Inggrid sa bahay kanina.

Ayoko talagang sumama kaso hindi ko napigilan si Inggrid.

Halos kaladkarin nya ako palabas ng bahay maisakay lang sa kotse nya.

At heto nga kami ngayon sa isang restaurant.

Parang sampung tao ang kakain. Inggrid talaga.

"Gusto mo pasubuan kita sa waiter? Paghindi mo pa hinawakan yang kutsara at tinidor tatawag na talaga ako ng waiter!"

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon