Your Hair

20 0 0
                                    

KARL'S POV:

Itim na buhok na parang alon, umaagos. Sa bawat galaw niya ay sumusunod ito. Na parang tubig at hangin.

Kay bangong amoy, singbango ng mga bulaklak.

"Hazel, nakakain ko na buhok mo!", pagrereklamo ni Zedz.

Nakaupo si Zedz sa upuan habang si Hazel ay nakatayo, nasa likod ni Hazel si Zedz.

Ang buhok ni Hazel ay tumatama sa bunganga ni Zedz. Pagkairita ang ipinapakita ng mukha nito.

"Sorry!", sabi ni Hazel. Sunod inayos niya ang kaniyang buhok at inilayo kay Zedz.

"Thank you!... pero ang bango ng buhok mo ahh", sabi ni Zedz, sunod ay ngumiti.

Tumalikod si Hazel at hinarap si Zedz. "Talaga!", sabi niya, sunod ay pinagmalaki niya ang buhok at inamoy ito.

Ang kulit talaga ng babaeng ito.

Napangiti na lamang ako sa pangyayaring nagaganap sa harapan ko.

Lumapit ako sa kanila. Niyakap ko si Hazel patalikod sunod ay inamoy ang kaniyang buhok.

"Ang bango nga", bulong ko sa sarili.

Napatalon ng onti si Hazel. Hinarap niya ako. Mata niya'y dilat. Ang bilis ng kaniyang mga galaw na hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

Smack!

Naramdaman ko na lang na mahapdi ang aking pisngi at si Hazel ay lumayo ng onti sa akin.

"Aray!", sabi ko.

Kumalma si Hazel. Sunod, isang ngiti ang nabuo sa kaniyang mga labi.

"Sorry! Nanggugulat ka kasi ehh!", sabi niya.

"Inamoy lang yung buhok, makahampas kaagad?", sabi ko sa kaniya.

"Paamoy lang kasi ng buhok mo!", dagdag ko. Habang nagpapacute.

"Inamoy mo buhok ko ng wakang paalam! Bakit hindi ako manghahampas?!", sabi ni Hazel habang nakataas ang kaniyang kilay.

"Ayoko nga!", sabi ni Hazel.

Bigla kaming nanahimik nang marinig namin si Jesi magsalita. "Halikan mo na nga lang 'yang si Hazel! Pabebe pa eh! Hahah joke!", sabi niya.

Lumapit ako kay Hazel. Ang aking mga kamay ay iniakyat ko papunta sa kaniyang mukha, sunod ay hinawakan ko sa pisngi si Hazel. Inilapit ko ang kaniyang mukha sa akin. Dahan-dahan din akong lumapit sa kaniya.

Ibinaba ko ng onti ang kaniyang ulo, sunod ay inilapat ko ang aking mga labi sa kaniyang ulo.

"I love you", bulong ko. Sunod ay lumayo ako ng konti sa kaniya. Pero ang kamay ko'y nakahawak pa rin sa kaniyang mga pisngi.

Namula ang kaniyang mga pisngi.

"Tse!", sabi niya sunod ay inalis ang aking mga kamay sa kaniyang mukha.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang pigilan siya.

"Sorry na o! Babawi ako sa'yo bukas, promise!", sabi ko.

Nakasimangot siya.

"Sige na nga! Pinapatawad na kita", sabi niya.

Napatawa siya bigla, "Ikaw kasi eh! Hahahaha", dugtong niya.

Kumuha ako ng buhok ni Hazel at pinaglaruan ito.

Napangiti na lang ako. Bango ng buhok.

A/n: I don't even know anymore 😴😣😅. Soooo eto na :) . Vote kung nagustuhan niyo.

My Reasons To Love Her [COMPLETED]Where stories live. Discover now