Your Smiles

82 2 0
                                    

KARL'S POV:

Nasa canteen kami ngayon. Ang daming tao, masikip, at mainit.

"Hindi na ako makahinga", sabi ni Hazel.

"Peram nga ng pamaypay Zedz", Sabi ko, habang inaabot ng kamay ko ang pamaypay na hawak ni Zedz.

"Wait lang", sabi nya. Sabay paypay ulit sa kanyang sarili.

"Tagal naman", pabiro kong sinabi.

"Oh!", Sabi ni Zedz sabi alis.

"Arigato", sabi ko.

Nagthumbs-up na lang sa akin ang babaeng yun sabay umalis.

Nagsimula na akong mapaypay kay Hazel.

"Mainit pa ba?", Tanong ko.

Umiling siya, "Hindi na", sabay lumabas ang kanyang mapuputing ngipin at siya'y ngumiti.

Napangiti na lang rin ako. "Ang cute ng ngiti mo", sabi ko.

Napablush na lang siya at pinalo ako, "Bolero! Hahah", sabay napatawa siya.

"Hahah, bakit? Totoo naman ahh", sabi ko habang ang bunganga ko'y hindi mapigilang ngumiti.

"Siguro milyonaryo na ako ngayon, kung sa bawat oras na macucute-tan ako sa mga ngipin mo ay magkakaroon ako ng piso", sabi ko.

"Magtigil ka nga diyan! Hahah, nagmumukha ka ng aso sa ngiting yan", sabi niya.

Grabi, ang cute niya talaga ngumiti.

Click!

Malaking mga mata ang tumitig sa akin. "Pinicturan mo ako???", sabi niya ng may takot, "hala! Baka ang pagit ko diyan!", dugtong niya.

"'Wag ka mag-alala ang cute mo naman dito ehh", sabi ko sa kaniya.

Bumalik ang sigla sa kaniyang kayumangging mga mata. Umunat ang kanyang bunganga at napangiti.

"Hay! Tama na!", sabi niya, habang kinukuha ang pagkaing biglang napunta sa lamesa namin.

"Teka, san 'yan nanggaling? Hindi pa tayo bumibili 'di ba?", tanong ko.

Tumingin ako sa gilid. Ganun din si Hazel. Napatingin kami ni Hazel sa babaeng nasa harapan namin. Itim na buhok, mataba, at nakashades.

"Wow! Magic...!", sabi ni zedz na ginagalaw ang mga kamay malapit sa kanyang salamin.

Nagkatinginan kami ni hazel.

"Hahahahh!!!", sabay kaming napatawa.

"Sana ganito lagi", sabi niya, habang nakatingin sa pakain sa harapan namin.

"Araw araw kitang papasiyahin basta makita ko lang ang mga cute mong ngiti", sabi ko.

"Hahahaha!", biglaan siyang napatawa.

"Bakit?", sabi ko, nataas ang isang kilay habang nakangiti.

"Nakangiti ka na naman na parang aso! Hahahaha" sabi niya.

At nagtawanan lang kami nung buong break time habang kumakain.

Aaraw-arawin kong papasiyahin ka para lang makita to. Dahil mas maganda pa'ng tignan ang ngiti mo kaysa sa kahit anong picture sa mundo..

A/N: Wooooh! Nakapagupload din! 😊! Iuupdate ko na rin yung THIE baka bukas or mamaya :)

EDIT: MARCH 20
A/n: Salamat po sa pagbabasa! Hindi ko po ito pinrooproof-read so kung may mga mali pakicomment na lang po at icocorrect ko 😅. Pakivote po kung nagustuhan niyo ito :).

My Reasons To Love Her [COMPLETED]Where stories live. Discover now