Chapter 21 --Date part 1--

11.6K 226 33
                                    

Dedicated sa taong ayaw itanong kung anong year na siya. Hahahaha Yang mag-aral ka ng mabuti wag puro wattpad ha?

A/N: Natapos ko na ang whole timeline ng story pero di ko pa na e-encode. Siguro mga 40 plus lang ang chapters nito.

Balak ko kasi na gumawa ng another story about F(x). Yung parang nangyari talaga simula ng nagstart sila pero sympre iibahin ko ang story kina Krystal at Amber. It is still GxG but more on KryBer fanfic. Abangan niyo po yun soon. . . 

At saka maraming salamat po sa lahat ng nag vote at tumangkilik ng story na to. #120 na po to sa Humor kaya napaka saya ko. kekeke

Updates everyone! Enjoy!

________________________________________________________________________________________

Hinanda ko na lahat ng preparations para sa fishing date namin ni Erich bukas ng umaga. Si Attorney Reyes ang hiningan ko ng tulong sa pagpapa-plano at pumayag naman siya kaya alam kong magiging perfect ang first date namin.

Ala una na ng madaling araw pero hindi pa ako natutulog at heto ako nakaharap sa salamin

"Erich alam kong maaga pa para sabihin sa'yo to pero pwede ba kitang ligawan?" seryoso kong sabi sa harap ng salamin

"Ay ano ka ba Kairen simpleng sabi lang ng liligawan kita Erich prinag-aralan mo pa? Matulog ka na nga." sabi ko sa sarili ko at umakyat sa kama at dumapa

"Nababaliw na ata ako?"

"Heyyy kung bakit ngayon pa ako kinakabahan hindi pa ako makatulog? Arghhh!!" sabi ko at ginulo ang buhok ko

"Hoy kairen matulog ka na nga!" tumayo ako at tinuro ang sarili sa salamin

"Ughh! Lord mababaliw na ata ako??" sabi ko at binagsak ang sarili ko sa kama at niyakap ang unan

Pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal 

Lord hindi ako makakapaniwala na kinakausap kita ngayon pero please lang po, ngayon lang ito. Sana po bigyan niyo ako ng 100% confidence bukas. 

Dinilat ko ang mga mata ko at parang gumaan ang pakiramdam ko kaya nagpasyahan ko ng matulog kahit gigising ako mamayang 4am para maligo.

She's my Man (KryBer)Where stories live. Discover now