⌛3⌛ IN THE SAME ROOF

10 0 0
                                    

--RIS' POV--

"ANO?! Bakit?" asik ko sa kanya na para bang nagsabi siya ng hindi dapat masabi na mga salita

"Wala lang.Tipid, renta na din yun noh." Sabagay, naalala niyang pinalayas nga pala siya ng landlady niya kaya pagala-gala siya at napunta sa antique shop na'to.

"Tss. Ok." tipid na sagot ko.

"O-okey din pala, dami pang arte"bulong ni Gene

"Anong sabi mo? Gusto mo na ba talagang mamatay, ha?"akala niya siguro 'di ko naririnig ang mga bulong na yan pwes, nagkakamali siya! Matalas yata pandinig ko!

"Joke lang, di naman mabiro. Gusto kong ipaalala sa'yo na isang buwan lang ang palugit upang maghintay sa iisang wish mo. May naisip ka na bang pwedeng i-wish?"tanong ni Gene sa'kin

"Wala pa nga eh." nababahalang sagot ko

"May mga restrictions nga pala ang wish mo.

UNA, bawal bumuhay ng patay.

PANGALAWA, bawal mameligro ang buhay ng ibang tao.

PANGATLO, bawal hilingin na mainlove ang isang partikular na tao sayo.

PANG-APAT,bawal humiling ng immortality.

AT ANG LAST BUT NOT THE LEAST!, bawal magkaroon ng deep affection o yung tinatawag nilang love sa pagitan ng genie at ng kaniyang master.

Dumaan nako sa hindi mabilang na masters at wala ni isa sa kanila ang lumabag sa mga restrictions. I-eexplain ko ang panghuling restriction. Ang isang genie ay nabubuhay dahil sa dami ng taong nagwiwish. Ibig sabihin, nandito kami para sa lahat, hindi para sa isang tao lang. Kaya nga may isang buwang palugit ay para mapilitan ang isang taong magwish at pagkatapos niya ay isang master na magwiwish and the cycle goes on. Ngayon, kung hahaluan natin ng love, mawawala kami na parang bula dahil ang love, nakalaan lamang ito para sa isang tao at hindi para sa lahat. Kaya para sa akin, isa yung malaking SUPER IMMORTAL SIN! So Ris, anong masasabi mo?"

"Well.Okay lang naman sakin yung mga rules pero salamat pa din dahil sinabi mo yang mga restrictions na yan. Atsaka imposible namang mainlove ako sayo no. Hindi mga katulad mo ang ideal guy ko kaya 'wag ka ng umasa."

"Don't worry, hindi rin mga katulad mo ang ideal girl ko! So, NO PROBLEM NA ABOUT RESTRICTIONS?"

"No problem." sabi ko

"Ah Ris, sisingilin na nga pala kita ngayon ng pambayad natin sa renta."

"Ha?! Pero wala akong pera?"

"Alam ko! Kaya kapalit nun, magtatrabaho ka sa shop, maglilinis dito sa taas and other stuffs. Okay?"

"Okay na okay!"

Tumingin si Gene sa orasan at napansing alas-tres na ng hapon. 'Baka may customer pa.' sa isip niya

"Ris, sa antique shop muna ako ah. Ikaw na bahala dito."

"Geh. Ingat." sagot ko

Nag-isip si Ris kung anong pwede gawin at sa huli ay napagpasyahan niya nalang maglinis. Matapos ang dalawang oras ay nakatapos na siya. Pumunta siya ng sala at nahiga sa mahabang sofa. Tinignan niya ang kisame habang nag-iisip kung anong magandang i-wish

'Kung pera kaya, kaso baka naman maging masamang tao nako dahil sa pera. Iba pa naman nagagawa ng pera ngayon.'

'Kung katalinuhan kaya, kaso medyo boring yun. Katamad mag-aral!'

Napakadami niyang naiisip pero lahat yun may katumbas na negative side sa kanya.

"Argh!" sa huli ay nagulo na lang niya ang buhok niya sa stress na nadulot ng isang wish na yan.

'Hays! Hayaan na nga. Kapag paubos na ang isang buwang palugit, dun ko nalang iisipin yan. Naloloka ako eh.' sabi niya sa sarili niya.

Dulot ng mahabang pagmumuni-muni niya, mabilis siyang nakatulog. Saktong paghimbing ng tulog niya naman ay ang pagkatapos ni Gene sa trabaho niya sa antique shop para sa araw na iyon. Sinarado na niya ang antique shop sa baba at umakyat na sa taas upang makapagpahinga.

Dederetso na sana siya sa sariling kwarto ng mapansin niya si Ris na mahimbing na natutulog sa sofa. Bilang isang lalake, naisip niyang nakakahiya naman na patulugin niya si Ris sa isang sofa habang siya ay kumportableng-kumportable sa kama kaya binuhat niya ito papuntang kwarto.

'Grabe! Parang isang kaban ng bigas sa bigat!' isip ni Gene. Hindi siya makapaniwalang sa katamtamang katawan na taglay ni Ris ay may tinatago palang kabigatan!

Napailing nalang si Gene sa sarili niya. Nilapag niya na ito sa kama at tyaka kinumutan. Pumunta naman siya sa sofang pinanggalingan ni Ris at nahiga. Ilang sandali pa ay tanging mahihinang hilik na lamang ang naging musika sa buong gabi.

---END----

The EndWhere stories live. Discover now