SYNOPSIS

39 4 0
                                    



Sapat ba ang mga katagang "The End" para wakasan ang bawat kuwento?

Ba't hindi mo alamin? ^_^

❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄

Sa bawat fairytales na binabasa ni Gene, pansin niya na kalimitan itong nagwawakas sa mga katagang "The End". Halimbawa na lamang ay ang sikat na Disney film na kung tawagin ay Aladdin. Doon, isang pulubing binatilyo ang nakadiskubre ng isang lampara at sa 'di inaasahan ay naglalaman pala ng isang genie na handang tumupad sa kahit anong tatlong hiling niya. At ang 'The End', ipinagkaloob ng binatilyo ang kalayaan ng genie at iyon ang nagsilbing huling wish nito.

Nasanay tayo na ang mga genie ang mga nilalang na nagbibigay katuparan sa mga hiling natin at ang 'The End' ,tayo lang rin ang madalas na nakikinabang.

Ngunit maraming mga tanong ang kailanman hindi na naalis sa isipan ni Gene.

Paano kaya kung isang genie naman ang nagwish? Ano kayang mangyayari? May mga restrictions rin ba katulad ng kay Aladdin?.........At pagdating ba sa 'The End', tanging kalayaan lang ba ang maaaring makamit?

Ating tunghayan ang kuwento ng genie na si Gene at kung paanong sa isang wish na natupad ay nabago nito ang buhay niya.

❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄

The Endजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें