Chapter 24

561 26 0
                                    

When we're already in our yukata, Scotch suggested that we should, take a rest first. Kahit saglit man lang. But I have a feeling that, he's just making an excuse. Para hindi na namin maabutan sila sa hall. Lalo na at nandun sila Gin. And honestly, gusto ko din naman talagang magpahinga na lang buong gabi. Sobrang sakit kasi din ng ulo ko.

Ayaw ko namang hayaan na lang na mag-isa si Scotch, since kami naman ang magkasamang pumunta dito.

Nang nakapagpahinga na kami ay nagtungo kami sa dining hall. And as what Scotch planned, they were no longer there.

As we sit on the floor, the chabudai is full of different kinds of japanese cuisines. "Itadakimasu!" we uttered.

As I took a sip of the miso soup, "Wow.."

Marahang natawa si Scotch at agad ko naman siyang minasamaan ng tingin. Nagsimula kaming kumain at taga may mauubos na putahi ay agad din 'tong pinapalitan. "Gutom ka pa?" tanong ko ng may hinatid na naman na mga pagkain.

Marahan siyang umiling. "Ubusin mo 'yan lahat." sabay lagay niya ng ramen bowl sa harap ko. "When was the last time you eat?"

Hindi ako nakasagot. Kahit ako hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain talaga ng meal. If hindi smoothie, juice o di kaya naman ay tubig lang talaga at crackers. Wala naman kasi talaga akong gana. Kakain nga lang ako ng crackers kapag ramdam ko ng sumasakit ang tyan ko. Nahalata niya sigurong gutom talaga ako.

"Hindi tayo tatayo dito, hanggang hindi mo nauubos lahat ng 'yan." sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Busog na 'ko! Di ko na mauubos 'to." sabay tingin ko sa mga pagkain.

He let out a sigh. "Sige, we'll finish this all."

Ngumiti ako. And I stuck out my tongue. Parang sasabog na talaga ang tyan ko pagkatapos naming kumain. After that meal, we went back to our room and have a tea.

Naupo kami sa may balkunahi habang nakalubog ang aming mga paa sa fish pond. Naaliw ako sa mga isdang lumalapit sa paa ko. And I can feel them sucking my skin.

As I gazed at him, na tila malalim ang iniisip, nakatingin sa malayo. Marahan akong tumikhim para mapansin niya. "How's college?" I asked as I took a sip of my tea.

"Okay lang." as he glanced at me and smiled. "Susunod ka na next year. Kaya mo 'yan."

Ngumiti ako at binaling ulit ang atensyon sa mga isda. "Ai.."

"Hmm.." I mumbled without looking at him.

"You know, ever since we met. You've been close to me, to us. We are just here for you, okay?"

Tanging ngiti lang isinagot ko sa kanya.

》》》

I was reaching for the comforter while my eyes are still close. Ang lamig naman.. Agad akong dumilat at naupo. As I scanned the area. "Good Afternoon--- or Good Evening perhaps?" he said and took a sip from his cup.

"Evening?! Anong nangyari? 'Yung party ni Pearl?" sabi ko at nilapitan siya sa may balkunahi.

Humalakhak siya at agad ko siyang siniko. "Scotch! Ano?!"

"Pareho tayong nakatulog. For almost a day." sagot niya.

"Ha?! Pano ngayon n'yan? Si Pearl?! Nagalit ba si Pearl? Ba't hindi mo 'ko ginising! Pupuntahan ko siya--" aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Relax. I already explained it to her. You don't need to worry since this is a week long birthday celebration for her. And besides, it can't be helped since we're exhausted. So, let's have our dinner again?" sabi niya at napailing ako.

His SlaveWhere stories live. Discover now