Chapter 19

634 27 0
                                    

Laging gulat ko na lang ng dumating na kami ng resort. Of all the places, dito pala kami pupunta. Sobrang saya ko ng makitang muli ang lugar na kinagisnan ko. Mas lalo pa 'tong gumanda. Masaya akong makita na inaalagan 'to ng mabuti ng bagong nagmamay-ari ng buong resort. I surely missed this place. Agad kong pinunasan ang nangingilid kong mga luha na nagbabadyang bumagsak.

"Aiah?" tawag sa 'kin ni Zia. "Let's head to our room?"

Ngumiti ako. "Y-Yeah."

Buti na lang at magkasama kaming tatlo ng kwarto. Agad kaming nagtungo sa aming kwarto at saglit na nagpahinga. Hindi na rin nila ako kinulit pa, tungkol sa nangyari sa play. Binalaan ko na sila na 'pag kukulitin nila ako tungkol dito ay lilipad talaga ako pauwi.

After we took some rest ay nagbihis na kami ng aming panligo. The both of them wear their bikinis and covered it with a see through blouse. Habang ako naman ay naka-white tshirt and a two piece bikini shorts under it.

We decided to roam around the area first before going to the beach side. I saw my classmates from afar. Gin, Rum and Scotch is with them playing beach volleyball.

"Aiah!" sigaw ni Scotch at pinasa ang bolang hawak niya kay Rum at tumakbo papunta sa 'min.

"Scotch? Ba't andito kayo ni Rum?" tanong ko.

"This is the second time around you broke my heart. Kakadivorce mo nga lang sa 'kin." sabi niya't nag-inarteng masakit ang puso niya. "Ewan ko sa'yo."

Sumenyas naman sina Myr na pupuntahan nila ang aming mga kaklase. Tumango naman ako agad.

"Ba't ka nga kayo nandito? Iniiba mo naman 'yung usapan e." He chuckled. We sat on the sand. "I just want to relax. Enjoy my lasts single--- ikaw? Are you enjoying the trip?"

"Okay lang. Ang ganda ng resort noh."

He pointed where Rum is. "They owned the place, actually."

So, ang pamilya pala nila Rum ang bumili ng resort namin. What a small world. Nang namatay kasi si Papa masyado kaming naging apektado lahat, lalong lalo na ako. That's why Mom decided to sell the resort. At lumipat sa Manila to start a new life. But honestly, it didn't make any difference. Mas lalong gumulo.

"That's why you guys are here?" I bumped his shoulders.

He grinned. As a server came, whispered something to him. "I got a call. Maiwan na muna kita. Go with your friends. Enjoy!" as he stood up and left.

I watched them as they play. Seems like they are enjoying it. Meanwhile, si Gin naman ay halos di ako tinitignan. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Siya pa talaga ang may ganang umasta ng ganyan sa 'kin. Napahinga ako ng malalim at binato sa dagat ang nahawakan kong shell.

Mabuti pang maligo na lang ako bago pa maluto 'tong dugo ko sa kanya. As I felt the water run through my legs. I stopped when the water's already above my waist. Nilubog ko ang aking sarili para mabasa ang aking buong katawan. Nang umahon na ako ay nasa tabi ko na ang mga kaklase kong lalaki.

"Ang lamig ng tubig!"

"Tara Paul! Punta pa tayo sa ilalim."

Agad namang ngumiti si Paul sa 'kin ng makita ako. Tinanguan ko naman siya.

"Hi Aiah!" bati ni George na hinila din agad ni Paul papunta sa kanila. "Wag mo ng damayin si Aiah sa kamanyakan mo." anya at natawa ako.

I went to the shore when I felt thirsty. Nakasalubong ko sina Myr. "Where you going?"

I touched my throat, signing her that I'm thirsty. She nodded in response. "Ligo muna kami." sabi niya sabay turo kay Zia.

"Okay.."

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon