CHAPTER 7: Forgiveness?

Start from the beginning
                                    

"Liam" nakita kong napapikit si boss nang marinig niya ang boses ni Krishna na nasa likod niya. yun oh! iba talaga nagagawa ng pag-ibig e. Nang magmulat ng mata si boss ay masama pa rin ang tingin niya pero kumalma na ng kaunti.

"Fine. You, two idiots. Listen to me" napaayos kami ng tayo ni Spade at hinarap si boss kahit takot na takot kami..Tangina talaga, walang patawad. Hanggang dito ba naman paparusahan kami?

"You'll play what we're playing earlier" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Boss. Ano daw? Ang kagwapuhan kong to? Lalaruin yung katangahan na 'yon?
"That's not a stupidity. That's one of the best training, idiot!" pasimple akong napalunok sa sigaw ni Boss. May pagka-mind reader din talaga to minsan e. Ewan ko ba.

"P-Pero boss di namin alam 'yan" sagot ni spade na nagkamot pa ng ulo. Pakshet! Kahit naman ako walang alam. Kamalay-malayan ko diyan!

"Exactly. You'll play it even you don't know how to play it. It's your choice on how you will successfully play the game by your own ways" makahulugang sabi ni boss.

Wengya..Pinagugulo ni boss utak ko. Mas mahirap pa 'tong sinasabi niya sa math e. Putek.

Maya-maya pa ay napansin kong lumapit si Konazaki.Ngayon ay nasa tabi na siya ni Boss pero halata namang hindi sila ayos. Alam ko ang rason pero dahil gwapo ako, ayokong mangialam. Aba! Mahal ko pa buhay ko kaya hindi ako magdadaldal!

Tumalbog ang bola at saktong napunta iyon saakin na agad kong kinuha. Baka ako pag-initan nitong si Liam e. "Magandang laro 'yan. Kailangan lang diyan ay bilis ng isip at lakas ng muscles n'yo" bigla ay nagsalita si Konzaki. Ayos din 'tong President namin e. May pagkamabait.

"Stop thinking nonsense things idiots. Start the game!" mabilis pa sa  alas-kwatrong nakarating kami doon sa pwesto para sa free-throw. Malayo saakin si Spade ng isang metro at natatawa ako dahil mukha siyang tanga na sinisipat ang kabuuan ng buong basketball ring.

"Start now!" muntik ko ng maihagis yung bola na hawak ko ngayon dahil sa sigaw ni boss. Wengya!

Napapikit ako saglit, pagkatapos inamba kong ihahagis yung bola nang magsalit ulit si boss. "Remember not to shoot the ball idiot. In every shoot you two will make, there's also corresponding punch you will receive" lalo akong kinabahan. Tungunu! Pang-tanga lang 'to kung tutuusin pero kinakabahan ako.

Nagseryoso ako--kahit na hindi naman dapat at hinagis ang bola papunta sa basket. Nilakasan ko talaga iyon para si Spade ang mapuruhan.
"Pfft HAHAHAHAHA" wengya, sapul ang tiyan ni Spade. Nagtagumpay ang gwapo taena! HAHAHAHA

Sinamaan niya ako ng tingin. "Puta ka Limaco!" sigaw niya habang nakahawak sa tiyan niya. Anlakas din n'on e. Wengya! HAHHAHA.

Natahimik kami ni Spade nang sumigaw na naman si Boss. Bumalik ulit kami sa laro pero hindi man kami makabuo ng ayos na laro tulad ng nagawa kanina nila boss!
"I thought you're a bastard great player? Assholes!"

Kanina pa 'tong si boss, nang-iinsulto e. Takte!

Tumagal ang laro at sa wakas! Nakaayos din kami ni Spade. Takte! At dahil naging ganado. Palakasan kami ng tira! Hahahaha.
"Bang!" sigaw ko nang ihagis ko ang bola.

"Pakshet!" sigaw naman ni Spade nang masalo iyon at ihagis ulit.

Ilang beses pang pa-ulit ulit at halos mawala kami sa katinuan. Pft!
Nagulat ako sa pinakitang lakas ni Spade dahil sa ganado siya. Parang nag-slow motion ang paligid, at kinakabahan ako dahil kapag ganito kaganado si Spade, mali ang mangyayari. Takte.

Malakas na kumalabog ang bola sa basket ng ring at pababa itong nahulog-- mabilis at huli na para makaiwas---

"AAAAAAHHH!!"

MAGICAL; A Charm's TaleWhere stories live. Discover now