take eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Ugh. Kung ano-ano na naman ang pumasok sa utak ko. Pinilit kong tanggalin ang inis ko sa pamamagitan nang paghinga pero di ko talaga magawa.

"Anong ginagawa mo dito?" mabilis na tanong ko. Bigla ka namang tumingin sa'kin gamit ang mapagtanong mong mukha na para bang napaka-importante ng araw na 'to kaya dapat kong aalalahanin. Napakuyom ako, hindi mo ako madadaan sa staring game mo na ito.

"Bakit ba? Ano ngang ginagawa mo dito?" inis na tanong ko. Tiningnan mo lang ako pero halata rin ang disappointment sa mukha mo. Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng may dalaw? Ugh, naiinis ako. Naiinis ako sa buong pagkatao mo, at kahit anong pilit kong hindi mainis, naiinis talaga ako sa'yo at sa presensya mo!

"Umalis ka na, hindi maganda ang pakiramdam ko, Kuya. Kaya pwede ba, umalis ka na lang bukas o sa sunod na araw. Wala ako sa mood para makipag-usap sa'yo at maghokus-pokus para lang mahulaan ang mga bagay na tumatakbo sa kukote mo," dagdag ko pa habang mataman na nakipagsubukan ng titig sa'yo. Hindi ka naman nagpa-awat sa pagtitig sa'kin.

"Ah, tama. Wala ka pala sa mood," nag-ngingitngit sa galit na sagot mo.

Halos mag-roll eyes na lang ako sa inis. Bakit ba galit na galit ka? Sumasabay ka pa talaga ah? Sumasabay ka pa sa badtrip ko? Hindi ba ako pwedeng maging ganito isang beses sa isang buwan na hindi ka nagagalit man lang? Kung alam mo lang kung ga'no kahirap ang pinagdadaanan ko. Lahat ng nakikita ko, kinaiinisan ko. Kahit hindi naman dapat at wala naman sa lugar, kinaiinisan ko. At kahit nga ikaw na mahal ko eh kinaiinisan ko. Pakiramdam ko, gusto ko na lang maglaho ang lahat sa mundo at matapos na ang araw na ito dahil buwan-buwan, kinasusuklaman kong pinagdadaanan ko 'tong letseng period na 'to!

"Umalis ka na, Kuya." Ayaw kong mas marami pa kong masabing masasakit sa'yo. Tama na 'tong habang napipigilan ko pa 'tong bibig ko na minsan lang sa isang buwan kung maging makati ay makaalis ka na. Mas lalo lang magiging magulo. Tumalikod na ako at maglalakad na sana papasok sa kwarto ko pero natigilan ako sa mga sinabi mo.

"Ah, tama. Wala ka pala sa mood sa araw na ito. Sige, aalis na ako. Pero sana naman, sa pagtingin mo ngayon sa kalendaryo, maalala mo na kung ano ang meron sa araw na 'to."

Agad akong humarap dahil ramdam ko ang pagka-seryoso sa boses mo. Minsan ka lang maging seryoso, kapag kinakabahan ka o kaya naman, nagagalit ka. Pero huli na, nakita kitang naglalakad na palabas sa gate. At wala akong lakas ng loob para pigilan ka.

Para akong zombie na naglakad papasok sa kwarto ko habang pilit na iniisip kung ano ba talaga ang meron sa araw na 'to (aside sa pagkakaroon ko ng red days) at bakit parang depress na depress ka. Hindi mo naman birthday.

Kaagad kong chineck sa kalendaryo kung anong araw na ba ngayon at nalaman kong March 10 na pala.

Diyes. Ten. Sampu. Sumunod sa siyam. Numero bago mag-labing isa. Karaniwang perfect score sa isang short quiz. Ano bang mahalaga sa ten at bakit parang halos isuka mo na ang lahat ng inis sa mundo habang nakatingin ka sa'kin.

Nasampal ko na lang ang pisngi ko gamit ang kamay ko at napukpok ko na lang din ang ulo ko nang maalala ko kung ano ang meron ngayon. Kaya ka pala gano'n. Sa sobrang damig inaalala at requirements na dapat ipasa, nawala na sa utak ko 'yun.

Ang tanga mo Juniper! Pinakamahalagang araw 'to sa lahat! Kalimutan mo na ang lahat, wag lang 'to! Sinubukan kong hindi maiyak pero bigla na lang tumulo ang luha ko at nayamukos ko na lang din ang mukha ko sa sobrang inis ko sa sarili ko. Ang lakas naman ata nang apog ko at mas inintindi ko pa itong period na 'to imbes na alalahanin kung ano ang meron ngayon sa araw na 'to.

Ang tanga ko talaga! Mabilis akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Mama at hiniram ang cellphone niya habang umiiyak. Nakita ko siyang nakatingin sa malayo pero nang marinig niya ang mga yabag ng paa ko at pati na rin ang imipit na iyak ay bigla naman siyang lumapit sa'kin at hinimas-himas ang balikat ko.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon