Chapter 1

9.3K 145 10
                                    

One

"Sorry, I'm late." Agad niya akong hinalikan sa pisngi sunod sa labi. Napairap ako sa kawalan at pinatay ang TV.

Mabilis kong kinuha ang mga nagkalat na balat ng chichirya. Hindi ko siya pinansin at kumuha ng tubig sa kitchen saka naglakad paakyat ng kwarto.

"Hey, I said I'm sorry." Inis ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay kaya lang 'di ako marunong kaya sumama 'yong isa. Bwisit.

"Then what?" Balik kong tanong at uminom ng tubig sa basong hawak ko.

"Are you angry again?" Inirapan ko siya saka nagpatuloy sa pag akyat.

Tatanungin niya pa ako kung galit ako sa kaniya? Of course I am. Anong oras na? It's now 1:32 am.

Madaling araw na siya umuuwi palagi tapos tatanungin niya pa kung bakit ako galit? Pasalamat nga siya at hinihintay ko pa ang pag uwi niya.

Mabilis kong inilapag ang baso ng tubig sa may mini table at humiga sa kama. Pumikit ako at ramdam ko na binuksan niya ang pintuan ng kwarto namin.

"Hey, babawi na lang ako next time..." Ramdam kong lumubog ang kama dahil sa pag upo niya. Nanatili akong nakapikit habang hinahaplos niya ang bewang ko.

"Freeshia.." Mabilis akong nagmulat ng mata nang tawagin niya ang pangalan ko.

"I don't care! Kahit 'di ka na umuwi!" Mabilis akong nagtakip ng kumot at tinalikuran siya.

Next time? Kailan ba 'yang next time na 'yan at ng maguhitan sa kalendaryo. Puro na lang NEXT TIME, wala naman. Hmp.

"Naging asawa pa kita. 'Di naman halata." Bulong ko.

Mabilis siyang humiga at niyakap ako.

"Sorry na nga. Babawi ako, okay? Good Night, hon." Humigpit ang yakap niya sa'kin at malapit na sana akong makatulog nang mag ring ang cellphone niya

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at tumayo kaya inis kong binuklat ang kumot at umupo at tinignan siya ng masama

"Uh. Yes. Yeah. 20 minutes, please? Thanks. Bye" nagsasalita siya habang nakatingin sa akin na tila ba nangungusap ang kaniyang mga mata.

"Sorry. Uuwi ako mamaya after ng operation.." Alanganin niyang sabi at nagbihis.

"Okay lang. Mas importante naman talaga 'yong mga pasyente mo kaysa sa akin di'ba? Bakit 'di na lang sila ang inasawa mo?" Napahilot ako sa noo ko at umiwas ng tingin.

"I'm sorry. Babalik ako. Bye!" Lumapit ito sa'kin at hinalikan ako sa ulo. Hahalikan niya sana ako sa labi ng iniiwas ko ito at bumalik sa pagkakahiga.

"K." Bulong ko saka muling pumikit. Ramdam kong nakatitig siya sa akin at maya maya lang ay narinig ko na ang pagsara at pagbukas ng pinto.

I never prayed to have a doctor to be my husband.

Palaging busy. Wala na silang oras sa'yo. Mas mahalaga pa ang ibang tao kesa sa'yo.

That guy, is Brandon Valdez. My Husband.

Tanghali na nang magising ako. Normal na iyon para sa taong kagaya ko, dahil umaga na ako nakakatulog kakahintay sa asawa ko.

Stupid Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon