TTOW 1

1.1K 85 31
                                    

TTOW 1

Sam POV


     NAGISING AKO sa tunog ng alarm clock kinapa ko ito at pinatay sa pag-alarm.


Bumangon ako at nag-inat saglit pagkatapos ay dumiretso na sa banyo para gawin ang aking morning routine pagkatapos ay bumaba ako at nagpunta naman sa kitchen para makagawa na ng aming agahan.


Ang niluto ko lang ay fried egg at hotdogs tapos sinamahan ko pa ng ham. Habang ginagawa iyon ay nakapagsaing na din ako sa rice cooker.


Inilapag ko lahat ng iyon sa lamesa pati na rin ang kape ng aking asawa at lemon juice naman ang sa akin.


Nagulat ako ng may yumakap sa aking likuran at napangiti sa paglalambing nito ngayong umaga.


"Good morning, my wife" he husky said.


Nakakakilig ang bedroom voice nito kaya hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi.


"Good morning din asawa ko... Sige na maupo kana at kumain baka ma-late kapa sa work mo." I giggly said.


He said and went straight to his usual seat and there he sat.


"Okay, let's eat!" he said while gawking the foods in front.


After namin kumain ay umalis na rin siya para magtrabaho at ako naman ay naiwan sa sala para magligpit ng aming pinagkainan, hinugasan ko na rin ito pagkatapos ay umakyat ako sa aming kwarto para maligo.


Nang matapos akong maligo, sinuot ko ang isang puting plain t-shirt at tinernuhan ko ito ng isang faded jeans at sneakers naman ang pangyapak.


May gusto kasi akong bilhin sa Mall nung isang araw pa, umaasa akong nandon pa rin yun at mabibili ko na ngayon.


Nagmadali akong lumabas ng bahay at sinara ng mabuti ang gate at sakto namang may paparating na taxi pagkalabas ko kaya pinara ko kaagad ito at sumakay.


Nang makapasok sa Mall, hinanap ko agad ang boutique kung saan ko huling nakita ang gusto kong bilhin noong isang araw. Hindi ako nabigo nang sa wakas matapos ang ilang minutong pag-iikot ay nahanap ko rin ito.


Pumasok ako sa loob at ngumiti sa akin ang saleslady para batiin ako ng isang 'Welcome' at tinugunan ko lamang ito ng isang ngiti at nagpunta sa dulong bahagi.


Lumapit ako don at hinaplos ang neck tie sa aking mga kamay. Napakalambot non at masarap hawakan. Napangiti ako dahil nai-imagine kong napaka-gwapo niya kung suot-suot niya ito.


Bago pa makuha ng iba ay kinuha ko na ito at dumampot pa ng dalawa pagkatapos ay pumila na sa cashier upang magbayad.


"A total of 600 pesos Ma'am" nakangiting anunsyo niya sakin.


I nodded. Nag-abot ako ng isang libo and then I smiled.


"I received 1,000 pesos, here's your change Ma'am 400 pesos. Thank you for buying. Please come again!" she said while smiling at me.


Kinuha ko ang sukli at inilagay sa pitaka pagkatapos ay ngumiti ulit bago umalis.


Pagkatapos kong bilhin ito ay napagpasyahan kong kumain sa kalapit na kainan dahil mukhang nagutom ako sa kakapasyal at pagbili ng kung ano.


Napatingin ako sa aking orasan at nakitang oras na nga ng tanghalian. Kaya naman pala kumukulo na ang tiyan ko. HAHAHAHA


Ano kaya ang pipiliin ko? Aha! Alam ko na sa Korean Restaurant na lang ako kakain. Tamang-tama nagcra-crave pa naman ako sa Jjajangmyeon nila.


Naghanap ako sa nakapilang restaurant at nakita ko rin ito kaya pumasok nako sa loob at nag-order ng Jjajangmyeon, Tteokbokki, at Bingsu. YUM!


Napakasarap ng pagkain at mukhang mapapabalik ako ulit sa lugar na ito. Gusto kong isama sa susunod si Justin para kumain rito.


Maraming pamilya rin ang narito at may iilang magkasintahan din akong nasipat nang ilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nitong restaurant.


Hindi naman ganon kamahal ang kanilang mga itinitinda, para sa akin kasi ay sakto lamang siya dahil magmula pa sa mismong bansang Korea ang mga ingredients nito kaya naman ay talagang magugustuhan ito nang mga tao.


Maaari ring magtungo rito kung araw ng iyong kaarawan dahil isang beses lamang iyon sa loob ng isang taon kaya dapat itong sulitan.


Kumain ka ng masarap at magpakabusog. Huwag ding kakalimutan ang magpasalamat kay Papa Jesus sa bagong taon na ipinagkaloob sayo.















Edited.

The Temptation of Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon