Chapter 20 [Edited]

Magsimula sa umpisa
                                    

'We reserved a table for us at Plaisir.' 'yun lang. Kinuha ko ang dmait sa loob ng paper bag it's a white layered, spaghetti strap chiffon dress. May kasama din itong white pumps. Ibinalik ko ito sa paper bag, I don't like it. Binuksan ko ang cabinet ko and was shocked to see that my clothes aren't there. Tinignan ko pa ang ibang cabinet at wala silang lahat, ang natira lang sa mga gamit ko ay ang isang black stripper boots ko at ang mga jewelries ko. So they expect me to wear that thing? Ugh. I hate this day. Worst birthday ever. Inis na kinuha ko ulit ang damit at sinuot ito, pinatungan ko ito ng leather jacket na binili ko kahapon, nilugay ko lang ang buhok ko at umalis na.

Bago ako pumunta sa Plaisir ay dumaan muna ako sa bar ko at tinanong ang empleyado ko kung naging maayos ba ang nangyari kagabi, sinigurado naman nilang walang nangyaring gulo kagabi at umalis na ako. Pagdating doon ay ay sinabi ko sa waitress ang reservation ng parents ko.

"Sorry ma'am pero wala po sa list namin ang reservation na sinasabi niyo." Kinausap ko muli ito at sinabihan na baka mali ang list na nakuha niya pero ilang beses niya na itong ch-neck pero wala daw talaga.

Lumabas ako ng restaurant at tinawagan sila Mama pero hindi naman nila sinasagot ang tawag ko, halos kalahating oras akong nakatayo sa tapat ng restaurant at hinintay silang dumating pero wala. Where on earth are they? Naglakad ako pabalik sa loob ng restaurant when someone grabe me and put a cover on my head.

"What the hell?" Sigaw ko sa taong nagtakip sakin.

"Kidnap 'to, wag kang gagalaw!" I rolled my eyes, may ganon bang sinasabi kapag mangki-kidnap ka? "Agent Trevy, hindi ata ganon 'yun, kapag ata mangho-hold up ka sinasabi 'yun." Saad ng isang pamilyar na boses habang buhat buhat ako ng kasama niya.

"Unfair, bakit kapag sa hold up lang? Dapat pati din sa kidnap, diba ang cool?" Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin pero ang pakiramdam ko ay nasa loob kami ngayon ng sasakyan.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko habang tinatalian nila ang kamay ko.

Napailing ako sa luwag nito, kayang kaya ko itong alisin ng hindi nag-eeffort, eh, pero hindi ko ito tinanggal dahil baka may gawin silang masama sakin pag nagpumiglas ako.

"Anong kailangan namin?" Sabi ng babaeng pamilyar ang boses sakin, she sounded like Shanna, "Kapayapaan ang kailangan namin. Kapayapaan at kaunlaran para sa bansa. Hustisya para sa nasaktan at naagrabyado. Hustisya para kay Ka-Tasyo!"

It's Shanna. Si Shanna lang naman ang kilala kong magsasabi ng mga bagay na ganyan. At yung isang kasama niya ay sigurado akong si Trevor dahil na din sa pagtawag nito dito kanina. Anong gimmick ito? Bumuntong hininga ako at sumandal sa headrest, pumikit ako at nakatulog.

Napamulat ako ng maramdaman kong wala na kami sa sasakyan, bumangon ako sa kama at nilibot ang paningin ko sa lugar. This is not my house. Where am I? Nasan sila Shanna? Hinanap ko ang gamit ko pero wala ito sa loob ng kwarto, pumunta ako sa pinto and tried opening it pero hindi ko ito mabuksan, nasa labas ang lock nito. I had nothing else to do but to wait for them to come here. Bumalik ako sa kama at nahiga, muli akong pumikit at ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Dumilat ako at bumangon.

"Why did you—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat sa taong nasa harap ko ngayon. "Saebricx," mahinang tawag ko sa kanya.

Lumapit siya sakin at tumabi, hinawakan niya ako sa pisngi at pumikit, "God, I missed your voice." That's when I snapped. Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin at naglakad palayo sakanya.

"Bakit ka nandito? Bakit mo ako dinala dito?" Sunud sunod kong tanong sakanya at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok nito. Just for one second, stop beating so damn fast. Tumayo ito at akmang lalapit sakin when I stepped back.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon