Chapter 7 [Edited]

15.5K 232 23
                                    

Chapter 7

Trixie Clarisse Reyes

Umalis siya at tulala pa din ako sa pagkausap niya sakin. Nakayukong bumalik ako sa pag-upo sa bench at kinuha ang maliit na white board na may design ng court.

"Trixie, are you alright?" Tapik ni Daniel sa balikat ko at tanong. Tumango lang ako at nilapag sa tabi ko ang white board. Tumayo ako sa harap nila at nagsalita. "Pag nagsimula ang laro wag na wag niyong aalisin sa isip niyo ang manalo, understand?" Tumango naman silang lahat at pinag-usapan ang plano nila sa court kaya naman hindi ko napigilang mag-komento.

"Don't plan. Let your adrenaline rush control you on that game. You can't plan a whole strategy, dahil nagbabago ang takbo ng laro. Just go with flow and make your mind alert to any possible conflict you'll encounter inside the court. You have to learn grace under pressure. That when conflict arrives you can think fast, you can think in an instant. Be alert and let your adrenaline control you."

Tahimik na tumitig sila sa court, maybe trying to get a momentum. Nagsimula na ang hiyawan ng mga tao ng i-aannounce ang ipapasok sa first five. As expected pinasok nila si Zerk Verrano, ang 6'4 nilang center at ang bago nilang point guard na si Kian Martinez. Ang first five nila ay si Zerk Verrano and center nila, Kian Martinez the point guard, Allen Gatchalian ang power forward, Ian Cunanan ang shooting guard, at Darren Salundaguit bilang small forward.

Malakas ang hiyawan ng mga tiga-Mainro ng tawagin na ang first five, pero sa mga taong nasa courtside ay makakarinig ka ng pagtataka at tanong kung bakit hindi kasama si Max at Bart sa first five. Hindi ko na iyon pinansin, I know what I'm doing.

Bricx is our teams point guard, JP is the center obviously dahil sa height nitong 6'2, si Daniel and shooting guard, Zero as the power forward and last is Charles na small forward. Nagsimula na ang laro sa jump ball, the Tamaraws got the ball pero para bang inagawan ng laruan na hinabol ni Bricx ang bola at inagaw kay Kian. Bricx signals to his team and look at the cheering crowd at kumindat dahilan para maghiyawan ang mga babae. Kahit nasa loob ng court ay hindi pa din maalis ang pagiging playboy.

Nakairap na tumayo ako upang mas makita ko ng maayos ang laro, tumakbo si Bricx papunta sa court nila at ng nasa three point line na siya ay pinasa niya ang bola kay Zero. Sinubukan ni Zero na lumusot mula sa bantay niya ngunit masyadong mahirap lalo na't nasa dulo siya at onting atras lang ay makakalabas na siya sa court kaya naman pinasa niya ito kay Charles na agad nag-dribble papunta sa ring, he jumped and was about to shoot ng sabayan ng kalaban ang pagtalong niya, halata ang biglang pagngisi ni Charles at pinasa ang bola habang nasa ere kay Jhester na nag-lay up shot. At naghiyawan at sigawan ang mga tao kasabay ng malakas na tunog mula sa drums.

"Trixie." Tawag ng isang mahinang boses sakin. Nilingon ko ito, si Shanna pala.

"Saan.. Saan ko ito pwedeng ilagay?" Hingal na tanong niya, tinuro ko naman ang bench sa tabi namin at nilagay niya iyon doon. Pinagpahinga ko muna siya at binalik ang tingin sa laro. Tinignan ko ang score, 26-23, in favor of our team obviously.

Nasa Tamaraws na ang bola, Bricx is smartly guiding everyone what to do, he's blocking Zerk and signals the other to block the others as well, si Zero ang nagbabantay kay Ian na siyang may hawak ng bola. Ian easily pass through him, he went to the freethrow line, tries to shoot but unfortunately it missed, nakaabang na si JP at Zerk sa bola. Box out, JP. Remember the box out. They jumped and does a rebound.

"Whooooo!" Sigawan ng tao ng makuha ni JP ang bola, agad niya itong pinasa kay Daniel, tumakbo naman si Daniel papunta sa ring nila ngunit agad na binantayan siya ni Darren kaya naman pinasa niya ito kay JP na siyang nakapwesto di kalayuan sakanya. Eight seconds na lang ang nasa shot clock.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora