Chapter 5 [Edited]

17.6K 252 10
                                    

Chapter 5

Trixie Clarisse Reyes

Umalis din agad si Xenia matapos ng batian namin. She can't fight me, dahil alam niyang pwede kong sabihin ang totoo kay Aesser. That she's a fake. Pero tingin ko naman ay alam iyon ni Aesser, hindi lang siya nagsasalita.

Nagbasa lang ako ng kung anong librong makita ko doon at nang mag-alas dose na ay pumunta ako sa cafeteria para kumain. After that, bumalik na ako sa gym at doon ay naabutan ko si Yyan na nakahiga sa bleachers at naglalaro sakanyang cellphone.

"Yyan." Tawag ko sa pangalan niya. Nakitang ngumisi siya at hindi man lang gumalaw sa kanyang pwesto.

Sumimangot ako at umirap sa kanya. Naglakad ako papunta s apwesto niya at naupo sa tabi niya, hinablot ko ang cellphone niya at tinignan kung anong ginagawa niya doon. He's not playing a game, he's watching porn.

"Tayo. May itatanong ako sa'yo." Utos ko sakanya, nakangiting sumunod naman siya sakin at binawi ang kanyang cellphone.

"Binibitin mo ako kay Maria. Ano ba yon?" Binawi niya ang kanyang cellphone at nilagay ito sa bag niya.

"Who's Xenia?" Lumingon ako sa'kanya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya. He's still smiling.

"She's a bitch. Bricx, Daniel, Gene, and Zero's ex-girlfriend."

I chuckled. "It's a shock she's not your ex." Sarkastikong saad ko sakanya.

"I don't do girlfriend, coach. Sakit lang sila sa ulo."

Hindi na ako muling nagtanong pa. Ayokong mangielam, besides I won't benefit from it. Biglang nahiga si Yyan sa tabi ko, pinatong niya ang kanyang ulo sa kanlungan ko. Ngumisi siya sakin, matamis na nginitian ko siya at tinulak kaya naman nalaglag siya sa lapag, sakto naman n'on ay dumating na ang ibang players.

Look at them. Hindi sila pumunta ng pang-umagang training namin pero pumunta kung kelan may klase na. The Falcons never did that. Importante sa'kanila ang pagpasok sa klase.

Tumayo ako at inutusan silang lahat na maupo sa bleachers, I look at each one of them, wala si Daniel at Bricx.

"Where's your Daniel and Saebricx?" Taas kilay kong tanong sakanila. Umiling lang silang lahat. Napahilot ako sa aking sentido. Because of them... Matatalo ako. Matatalo kami sa Falcons.

"I have a new rule." Kanya kanya sila ng komento. Hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ang aking sasabihin, "Kailangan lagi kayong um-attend ng pang-umagang training. If you don't, ten laps sa field. You have to attend classes, fifteen laps sa field kapag um-absent kayo."

Lahat sila ay natulala sa sinabi ko. I just roll my eyes heavenwards at tinalikuran sila, kinuha ko ang kulay itim at asul na jersey, isa isa ko silang hinagisan ng jersey, limang kulay asul at limang kulay itim. Random ang pagbigay ko nito kaya kung anong kulay ang maibigay sakanila ay iyon ang kulay ng team nila.

"Wear that. Maglalaban kayo." Parang mga batang nagsama sama ang magkaka-team.

"Wala ako." Sabi ni JP na nakaupo'ng nakatingin sakin.

"Good. Throw the ball. Pumunta na kayo sa court!" Sigaw ko at pumito.

Si Bart, Bryle, Kirby, Zero, at Yyan ang nasa Blue. Samantalang si Max, Jun, Gene, Ryan, at Charles ang nasa Black. Sunod sunod silang pumunta sa gitna ng court at pumwesto para sa jump ball. Pumunta sa gitna si JP habang hawak hawak ang bola. I mentally count backwards, pumito ako at pinindot ang timer sa kanang kamay ko kasabay ng simula ng jump ball.

Sa Black napunta ang bola. Si Ryan ang may hawak ng bola, he raised his hands and signals his play to his team mates. Nag-dribble siya at he look at every open place at tumakbo palapit sa ring, agad naman siyang nabantayan ni Zero na binigyan siya ng malamig na titig.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now