Chapter 9 [Edited]

13.3K 195 15
                                    

Chapter 9

Trixie Clarisse Reyes

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Aesser, hinatid niya ako sa bahay namin para makaligo at makapagbihis ako. Matapos noon ay hinatid na niya ako sa school.

"I'll tell them tomorrow." Sabi ko sakanya habang nasa biyahe kami. Bigla siyang nagpreno at tumingin sakin, halata ang saya at tuwa sa mata niya at bigla akong niyakap.

"Really? You will?" Masiglang tanong niya. I've never heard him like this since they won the championship. Seryoso kasi siyang tao, distant sa iba at mas gustong makinig na lang kesa ang magsalita.

"I will." Sabi ko at saka tumango. Kinintilan niya ako ng halik sa labi at ilang beses na nagpasalamat.

He wanted this, hindi naman sa ayaw ko dati, ayoko lang magkaron pa ng gulo between our parents. I don't want to be stuck in that Romeo and Juliet kind of lovestory. But if this is what will make Aesser happy, then I'll do it.

Pagdating sa Mainro ay pinagtitinginan kami ng iba, I'm wearing their uniform at hinatid pa ako ni Aesser who' wearing Lancasters' uniform. Hinatid niya ako hanggang gym kung saan naabutan namin si Bricx na padating pa lang. Napatigil siya at dumako ang tingin sa kamay ko na hawak ni Aesser. Ngumisi siya nang magtama ang mata namin at pumasok na sa loob ng gym.

"Siya yun hindi ba?" Tanong ni Aesser. Umiling naman ako at pinisil ang kamay niya, "It doesn't matter." Ngumiti naman siya pero hindi ito umabot sakanyang mata. Naiintindihan ko naman, madaling sabihing tanggap mo ang isang bagay pero mahirap na intindihan ito.

Magaang hinalikan niya ako sa labi at noo bago umalis, pumasok na ako sa gym at lahat ng Dragons ay nakatayo't nag-s-stretching na sa gitna ng court bukod kay Bricx na nakahiga lang sa bench at may nakasapak na headphone sa tenga. Agad na lumapit ako sakanya at inalis ito.

"What the F--" Pinutol ko ang sasabihin niya at binato ang headphone niya sakanya. "Magpalit ka na. Training." Ngumiti siya at bumangon, papunta na siya sa locker room ng may isang boses ang tumawag sakanya. Si Xenia.

Kunot noong tinignan ko si Bricx na mabilis na tumakbo palapit kay Xenia at hinalikan ito sa noo. May ilang sinabi si Xenia dito at umalis na din. Nakangiting pumunta si Bricx sa locker room habang ako ay nakatitig pa din sa naglalakad ng palayo na si Xenia. Maalala ko kailangan ko nga palang kausapin si Michael. I have to know what happened. Hindi naman kasi magku-kwento sakin si Aesser.

Pumito ako at tinuro ang bleacher upang lahat sila ay maupo doon, kinuha ko ang cellphone ko at pinlay sa harap nila ang huling puntos nila sa laro kung saan nag-dunk si JP.

"See that?" Tanong ko ng matapos na ang video. Inasar nilang lahat si JP na tahimik na nakatingin lang sa bolang hawak niya.

"That's the kind of game I'm talking about. What JP did in that game, dapat lahat kayo ay magawa din iyon, hindi ko sinasabing mag-dunk rin kayo, what I'm telling you is give all you have in a game. All you have, understand?" Tumango naman silang lahat at tumakbo papuntang gitna ng court at nagsimula na sa ilang basketball routines nila.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Michael pero hindi niya ito sinasagot, nang hanggang makatatlong tawag na ako ay wala pa din ay nag-iwan na lang ako ng message sakanya na kailangan naming mag-usap.

Saglit na pinanood ko lang sila at ibinalik ang tingin sa cellphone ko, hindi pa din nag-rereply ito. Ininalapag ko ang cellphone sa tabi ko at kinuha sa bag ko ang isang libro. It's a story of a friend of mine, it's about a doctor working in an angecy. I'm not really into books but this story is really entertaining at isa pa madami siyang action scene kaya hindi boring.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now