Chapter 16 [Edited]

11.1K 173 14
                                    

Chapter 16

Trixie Clarisse Reyes

"I'm fascinated by all of this, Clarisse." Natatawang komento ni Aesser sakin mula sa kabilang linya.. Pagkagising ko kasi kanina ay siya agad ang tinawagan ko since umalis na si Michael nung natutulog ako kagabi.

"Right." Mataray na sagot ko sakanya, kinuha ko ang unan sa tabi ko at mahigpit na niyakap 'yon.

"You're just making everything complicated," saad niya at bumuntong hininga, "if you look into it, simple lang naman ang solusyon. Confess. If he don't accept it, I'm willing to take you back. Anytime." Mahinang tumawa ito at mukhang na-eengganyo pa sa nangyayari.

"Oh, just shut up."

"You're shutting me up because I'm right. Remember the reason why we broke up before? Dahil ayaw mong sabihin sa parents mo. A very little reason, but it ended everything. Would you rather end what you have just for that petty reason? Na ayaw mo lang tanggapin na natalo ka? Grow up, Clarisse. This is life, you can never always win." Natahimik ako sa sinabi niya. Tama siya, and I hate it.

"Nasabi ko na ba sa'yo?" Inis na tanong ko. "What? That you love me?"

"Besides that," ngumisi ako at mahinang tumawa.

"What?"

"That I hate you." Malakas na tumawa ito sa kabilang linya kaya naman inilayo ko sa tenga ang phone. "Shut up!" Sigaw ko sakanya kaya naman tumigil na siya.

Tumigil na siya sa pagpilit sakin at kinwento ang nangyari sa dinaluhan niyang Ball kagabi, it's for their firm, ang alam ko kasi ang firm nila ay naghahanda taon taon ng Ball, it's like a tradition. Kwento lang siya nasng kwento hanggang sa mapunta siya sa topic ng isang babae na sinukahan daw siya.

Tinanong ko kung anong pangalan ng babae pero hindi niya daw alam, at alam niya daw kung anong gusto kong mangyari. To match make him. Duh, he can't be forever atttached to me. He needs to date other woman.

"Okay, okay. Talk to you later." Paalam ko sakanya.

"Sure. Think about what I said,"

rolled my eyes, "Whatever."

"And Clarisse," pahabol niya bago ko putulin ang tawag.

"What?"

"Be careful of Michael." Before I could ask, he ended the line. I'm pretty sure he's sober now. Anong ibig niyang sabihin?

Naghanda na ako papasok ng Mainro, I didn't bother to wear a make up, I'm too tired. Hindi na din ako masyadong nag-ayos. Maganda na ako kahit hindi ako mag-aksaya ng panahon mag-ayos. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko, at nagsuot ako ng kulay puting 'Fuck off' tee at leather jeans and my bondage boots.

Nag-timpla lang ako ng kape at nilagay ito sa thermal tumblr ng Falcons at nagpahatid papuntang Mainro. Naiwan ko nga pala ang sasakyan ni Kuya sa bar at wala akong ganang mag-motor ngayon.

Nang makarating kami sa Mainro ay dumiretso ako sa gym at doon ay naabutan ko ang players ko na nag-wa-warmp up na sa gitna ng court. Alas-nuebe ang simula ng training namin tuwing Sabado, at alas-onse na ako nakadating.

"Coach!" Masiglang tawag nilang lahat bukod kay Max, Zero, JP at Bricx. Tumango lang ako sakanila ay sinabihan silang magpatuloy sa ginagawa nila. Naupo ako sa bleachers at uminom ng kape.

Kinuha ko ang cellphone ko na tumutunog, tinignan ko kung sinong tumatawag, si Aesser. Sinagot ko ito, "What?"

"Pang ilang kape mo na 'yan?" Tumingin ako sa entrance ng gym, at nandon siya, nakangising nakatingin sakin.

"What are you doing here?" Tanong ko sakanya sa telepono. Binaba niya ang tawag at naglakad papasok ng gym, tumigil ang mga players sa paglalaro nila at tumingin kay Aesser ng masama. Nang makalapit na siya sakin ay hinalikan ako nito sa noo. "I missed you." Bago ko pa siya sagutin ay may humatak sakanya palayo at sinuntok siya. Si Saebricx.

"Bricx!" Lumapit ito sakin at pinahid ang noo ko. "You just won't stop, will you? Malingat lang ako may iba ka ng kasama."

Naguguluhang tinignan ko si Aesser at kumindat lang ito sakin. Hinawakan ako ni Bricx paalis ng gym, nilingon ko sila Aesser at kumaway lang ito sakin, ang ibang players naman ay nagsipuntahan sa gamit nila at binigyan ng pera ang bawat isa. Lumapit si Daniel kay Aesser at binigyan din niya ito ng pera. What the hell is happening?

Nakadating kami sa parking lot, isinakay niya ako doon. He drove fast, hindi siya nagsalita at diretso lang ang tingin sa daan, mahigpit ang hawak niya sa manibela, his hands are turning purple na kaya naman hinawakan ko ito. Hindi siya lumingon sakin pero naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya doon.

Tinignan ko ang lugar na dinadaanan namin. Halos isang oras na din kaming bumabyahe at kanina lang ay nasa express way kami pero ngayon ay puro puno na lang ang nakikita ko, base sa lugar ay alam ko ng nasa Cavite na kami. Anong gagawin namin dito?

Hindi ko siya tinanong at sumandal sa headrest nitong upuan at pumikit. Pagod ako at masakit pa ang ulo ko. Naiwan ko pa ang kape ko sa gym. I need caffeine. Dumilat ako upang tignan kung nasan na kami at nahilo lang ako dahil sa paliko-likong daan.

Tagaytay. Hindi ko alam kung saang parte kami ng Tagaytay pero nalagpasan na namin ang Sky Ranch at medyo liblib na itong dinadaanan namin, puro puno at matalahib na daan ang nakikita ko, iilang tao lang din ang nakita kong naglalakad wala din akong nakitang ibang sasakyan.

Tumigil lang si Bricx nang makarating kami sa isang bahay dito, from the looks of it wala ng nakatira dito. Sinabihan niya akong bumaba na ginawa ko naman at sinundan siya na pumasok sa gate ng bahay. I kept on following him hanggang sa makarating kami sa garden ng bahay, doon ay may isang mahabang mahogany bench, madaming klase ng bulaklak na hindi ko alam kung anong tawag at mga paru paro'ng pumapalibot dito.

I search for Bricx, he's leaning his shoulders at the railings, peacefully. Nakatanaw ito sa overlooking view ng Taal. Lumapit ako sakanya at sumandal sa may railings.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sakanya at humarap na din sa tanawin.

"I just want to be with you. Alone." Naramdaman ko ang pagtitig niya sakin pero hindi ko siya nilingon. Instead, ngumisi ako at mahinang tumawa.

"Cut the act, Bricx. You're never going to win against me, I won't let you." Hindi siya nagsalita, naramdaman ko na lang ang kamay niya sa pisngi ko at hinarap ako sakanya.

"Gusto mong manalo, diba? Then, fine. You win, Trixie. Talo na ako. So can we please stop this?" Hinatak niya ako palapit sakanya at hinalikan sa noo, "Let's stop this game."

I gaze at his eyes, may naglalarong emosyon dito na hindi ko maintindihan. Takot? No. I perfectly know what that stare means, and it made my heart beat fast. Tumango ako at nag-iwas ng tingin sakanya pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinag-level ang mukha namin.

"I'm sorry about what I told you yesterday. It's not true that I don't want you, you don't how much I can't control myself when you're near me. Para akong nakakarinig ng libo libong bola na dinidribble. Hindi tumitigil, hindi natatapos." Then he kissed me passionately. Sweet, passionate kiss.

Pinulupot ko ang kamay ko sakanyang leeg at mas lalo pang pinalalim ang halik. He pulled out and caress my face and plant soft kisses on my face and down to my neck. I pulled him again and kiss him on his lips and trail one of my hands on the hem of his shirt.

"My beautiful devil." He uttered as he catch his breath and lead me inside the house.

Hinalikan ko sa noo si Bricx nang makatulog siya. Pinaglaruan ko ang buhok niya at tinitigan ang maamo niyang mukha. Mali siya, hindi siya ang talo. Umpisa pa lang ako na ang talo. The moment I declared playing with him is also the moment I declare defeated.

I caress his face and plant a soft kiss on his lips, "I love you, Bricx."

Basketball Love Affair 1: Foul PlayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin