Chapter 20 [Edited]

Start from the beginning
                                    

"Do you want to change something?" Tanong ni Aesser at finold na ang blueprint ng boutique.

"Wala na. It's perfect, and yung mini garden sa likod nito, it's beautiful, sinong landscape engineer ang kinuha mo?" And then he started bragging about his engineers and architects. Well, hindi naman masamang ipagmalaki niya ito dahil simula ng mag-take over na siya sa company nila ay mas lalo itong lumago at nakilala, hindi lang sa Pilipinas kung sa iba pang bansa dito sa Asia.

Nang matapos kami ay saglit na kumain kami sa SM Dasma at naglibot, bumili ako ng susuotin ko para mamayang gabi at bukas since wala akong dinala na gamit papunta dito. Inalok pa ako ni Aesser na ihatid sa tagaytay pero tumanggi ako dahil baka gabihin siya pabalik ng Manila, traffic pa naman kapag ganitong oras.

Sumakay ako ng bus papuntang Tagaytay, at naupo sa pinakadulong bahagi nito. Tumingin ako sa bintana at umuulan na pala, buti na lang bumili din ako ng payong at jacket kanina. Isang oras ang biyahe papuntang Tagaytay, at pagtapos non ay sasakay pa ako ng Tricycle para makapunta sa bahay na tutuluyan ko ngayong gabi.

Pagbaba ko ng tricycle ay nagbayad ako dito at pumasok na sa gate ng bahay. Malungkot na tinitigan ko ang bahay na ito, dito kami nagpunta dati ni Bricx, he gave me the spare key to this house ang sabi niya if ever na pumunta ako ng Tagaytay pwede daw akong mag-stay dito, and that's what I'm doing for the past six years, dito ako namamalagi kapag may trip ako sa Cavite o hindi naman kaya ay gusto ko lang magpahinga.

Pumasok na ako sa loob at dinala ang lahat ng gamit ko sa kwarto, naligo na din ako at nagbihis bago pumunta sa kusina at nagluto. Natuto na din akong magluto, four years na din kasi akong bumukod kila Mama, I just tried to be independent and fortunately nagawa ko naman. Ang hirap kaya, kailangang ako ang mag-grocery para sa sarili ko, ako ang naglilinis ng bahay ako ang naglalaba, hindi ako nagpapa-laundry dahil wala akong tiwala lalo na't precious sa akin ang lahat ng iyon.

Binuksan ko ang TV sa kusina at nanood habang hinihintay kumulo ang niluluto kong Sinigang, nag-scan ako ng channel at napatigil ako ng mabanggit ang tungkol sa company nila Bricx, nilaksan ko ang volume at seryosong nakinig doon. Binabanggit lang nila kung gaano na kadami at kalaki ang company nito to think na it's on the verge of falling apart six years ago. Ililipat ko na sana ito dahil hindi naman importante ang binabanggit nila nang biglang mag-flash sa screen si Bricx.

Allergy attack. Nanghina ako just by seeing his face, madami akong nababalitaan sa kanya sa France mula sa mga magazine at news sa social media, on how he saved their company, and on how he put their company at the top while studying. Doon kasi siya nagpatuloy ng pag-aaral sa France, and syempre mawawala ba sa gossip ang mga naging karelasyon nito lalo na't isa siya sa mga tinitingalang bachelor ng bansa. And sa lahat ng magazine na nabasa kong in-interview siya hindi siya nawawalan ng issue tungkol sa mga babae niya. Such a playboy. Pinatay ko na ang TV dahil sa babaeng nag-interview kay Bricx, she's all smiling and giggling, halatang type niya ito.

Inihain ko na ang niluto ko at kumain na. Matapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang mga ginamit ko at nilagay sa refrigerator ang natirang ulam, nag-toothbrush pa muna ako at bumalik na sa kwarto. I tried to sleep but the sight of Bricx smiling and flirting with other girls just kept on showing in my mind. Does he still love me?

Pagkabalik ko sa Manila ay pumunta ako sa bahay namin dahil birthday ko, tinawagan ako nila Mama kagabi and they want to celebrate my birthday this lunch kaya maaga akong umalis galing Tagaytay, pero pagdating ko doon ay walang kahit isa sakanila.

"Yaya," tawag ko sa kasambahay namin, tumigil ito sa paglilinis niya at humarap sakin.

"Where are they?" Sumagot naman ito na hindi niya daw alam kaya hinayaan ko na siyang ipagpatuloy ang ginagawa niya. Nagtatakang umakyat ako sa kwarto ko at iniwan doon ang gamit ko, magpapalit na sana ako ng damit nang may mapansin akong paper bag sa tokador ko. Kinuha ko ito at binasa ang papel na nakalagay sa loob nito. It's from my Mother.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now