Kabanata 6 (Huling kabanata)

Start from the beginning
                                    

"Si Magdalino po?" Ang kaagad na tanong ko.

"N-nasa loob. Halika, matutuwa iyon pag nalaman niyang dumating ka, Dong" Ang tugon naman niya sa pinasiglang boses. Halatang naiiyak ito ngunit nagpapigil lang. Kinutoban ako ng hindi ng maganda.

Habang papasok kami sa loob ng bahay, nadidinig ko ang pumailanlang na tugtog na nanggaling sa isang maliit na speaker. Pamilyar sa akin iyon.

Now I love you more

Than I loved you before

And now where I'll find comfort, God knows

Cause you left me

Just when I needed you most

You left me

Just when I needed you most

Oh, you left me

Just when I needed you most

"Nang bumalik iyan dito, walang araw na hindi niya pinapatugtog ang kantang iyan. Naririndi na nga kami e, pero wala naman kaming magawa dahil iyan ang gusto niya"

"Ganun po ba...?" Simpleng tugon ko ngunit sa loob ko sigurado akong ako ang pinaghahandugan ni Magdalino ng kantang iyon. Nagsimulang manikip ang aking dibdib nang maalaala ang sinabi niya noong, "Sana hindi ka na dumagdag sa listahan ko na magpapaalala kung gaano kalungkot ang kantang iyan"

Hinawi ni Aling Vilma ang kurtinang yari sa sako na nagsilbing pintuan ng silid. Nagulat ako sa aking nakita. Halos hindi ko na siya makilala sa sobrang pagpayat na kung wala lang ang nalalaspag at puno sa rashes niyan balat ay magpagkakamalan kong kalansay. Nakapikit ang malalim niyang mga mata. Ibang-iba sa dati na makisig, makinis at gwapo na tinitilian at kinakikiligan ng mga babae at tulad kong alanganin.

"A-anak may bisita ka" Pagbibigay alam ni Aling Vilma sa kanya.

Narinig kong umungol siya at, "S-sino po?" Pati boses niya ay nagbago narin. Tunog pa lang no'n ay talagang mahahalatang iginugupo na siya ng kanyang karamdaman. Parang sinaksak ang puso ko sa kalunos-lunos niyang kalagayan. Puno ng pagsisi at paghihinayang.

"Hulaan mo kung sino, Anak" Naeexcite na tugon ng Ginang.

"Nay naman o. Gagawin pa akong manghuhula" Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata subalit laking pagtataka ko na tumagos lang iyon sa amin.

"Si Daniel, anak. Nandito siya"

"Huwag nga kayong magbiro ng ganyan. Lalo nyo lamang akong pinapaasa e. Alam nyo namang malabo ng mangyari iyon"

Napalingon ako kay Aling Vilma sa tinurang iyon ni Magdalino. Sobrang pagtataka ko lang dahil nandoon naman ako sa harapan niya ay kung bakit parang hindi niya ako nakikita.

"Matinding kulam ang dumapo sa kanya, Dong na pati ang paningin niya tuluyan ng nawala"

Mukhang lingid sa kaalaman ng ina ni Magdalino ang talagang sakit niya. Kaya pala nakita ko ito kaninang naghihimay ng mga dahon ng herbal. Mabuti narin siguro ang ganoon at baka tulad ko noong una, nakaramdam rin sila ng pandidiri rito at baka hindi nila ito magawang alagaan dahil sa takot. Matindi talaga ang dalang stigma ng sakit na HIV.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Luhaan kong inabot ang kanyang palad at pinisil ko iyon. Sana paraang iyon maramdaman niya ang panunumbalik ng init ng aking pagmamahal sa kanya.

"Dong, ku-kumusta k-ka? S-so-rry..."Halos hindi ko na mabigkas ang mga katagang iyon dahil halos lamunin na ako ng paghikbi. Bagamat iginugupo ng matinding panghihina, pinilit niyang abutin ang aking mukha.

MagdalinoWhere stories live. Discover now