Kabanata 6 (Huling kabanata)

7.1K 214 128
                                    

"Base sa labtest mo, you are...NONE-REACTIVE. Which means, there's no presence of virus found in you're blood sample..."

Napa-yes naman ako sa aking narinig. Biglang nawala ang kabang aking naramdaman kanina lang.

"....Pero I'm encouraging you na bumalik after three months for retesting. Hindi naman kasi dito nagtatapos ang lahat. Pwede kasing nasa WINDOW PERIOD ka na tinatawag...."

"Ha? Ano yun?"

"We do really hope you're not. Pero nais lang nating makasiguro. Once kasi kapag nakapasok ang virus sa ating katawan, hindi pa kaagad iyan nadedetect. It will take three months para madetect ang virus na nasa katawan ng tao. Halimbawa, kung nakipagtalik ka 2 weeks ago at nahawaan ka, it will still appear nonereactive kasi nga wala pang sapat na antibodies na napro-produce ang katawan mo to fight that virus. Iyan ang tinatawag na WINDOW PERIOD. Sa ngayon, i-maintain lang natin ang nonreactive mong status. Still practice safe sex." Pahayag ni Jarred na aking tinangohan. Inabot niya sa akin ang result at inipinasok ko iyon sa dala kong sling bag.

"Gusto ko lang ulit sabihin na, hindi naman nakukuha ang sakit na iyan sa pamamagitan ng paghalik, yakap, at paggamit ng mga utensils o paliligo sa swimming pool. Hindi natin kailangan na iwasan ang taong may sakit no'n, hamakin at husgahan. Dapat natin silang damayan, palakasin ang kanilang loob at tulungan na makabangong muli. Dapat pa nga na sila iyong mag-ingat at umiwas sa atin dahil isa tayo na maaring magdala ng sakit na maaring makahawa sa kanila dahil sila iyong may mahinang resistensiya"

May diin at laman ang mga katagang binitawan ni Jarred at nakuha ko ang ibig niya. Naalala ko na naman si Magdalino. Nang dahil sa ginawang counselling ni Jarred sa akin, biglang bumukas ang aking kaisipan tungkol sa HIV. At narealised ko kung gaano kasama ang ginawa kong pagtalikod kay Magdalino sa panahong kailangan niya ako. Pinaninindirihan ko ang kanyang kalagayan na wala namang basehan. Kung kailan higit niya akong kailangan saka ko naman siya tinalikuran. Ano ba 'tong nagawa ko, Diyos ko?

"K-kumusta siya? A-ano ng balita sa kanya, Jarred?"

"Hindi ko alam pero nangangamba ako sa kanyang kalagayan..." Malungkot at puno ng pagkabahala ang boses niya. "...Sobra niyang dinaramdam ang pag-iwas mo sa kanya. Tanggap naman daw niya kung biglang nawala ang pagmamahal mo sa kanya pero sana lang daw itrinato mo parin siyang kaibigan at hindi mo siya tinalikuran. Kailangan na kailangan ka niya ng sandaling iyon dahil ikaw lamang ang taong pwede niyang makapitan, sa'yo siya humugot ng lakas para mabuhay. Subalit nang iniwasan mo na siya, biglang nawala ang pagpupursige niya. Hindi na niya iniinom ang kanyang mga gamot. At ang sabi niya no'ng huli kaming nagkita, uuwi na lang daw siya sa kanila at doon na niya hihintayin ang araw na babawian siya ng buhay"

Kinilabutan ako sa sinabing iyon ni Jarred. Hindi ko kakayanin na mawala ng tuluyan sa buhay ko si Magdalino. Gusto ko pang bumawi sa pagkakamali na aking ginawa. Gusto kong ipadamang muli sa kanya kung gaano ko siya kamahal at labis ang aking pagsisisi sa ginawa kong pagtalikod sa kanya. May mga gamot naman, kailangan ko lang makumbinse siyang inumin ulit iyon para kahit papaano madugtungan pa ang kanyang buhay at magsasama pa kami sa mahaba-habang panahon. Hindi ko dapat pandirihan ang tulad niya, bagkus, dapat ko siyang unawain at pakamamahalin dahil alam kong ako na lamang ang taong maari niyang makakapitan.

Mabilis ang mga paa ko na nilisan ang clinic at deri-deritso ako sa sakayanan ng bus. Naroon sa akin ang galak sa muli naming pagkikita ni Magdalino at naidalangin ko na sana hindi pa huli ang sa amin. Sana mapahintulotan ng Diyos na madugtungan pa ang kanyang buhay nang saganun makapagsimula kaming muli.

Hapon na ng makarating ako sa mismong tapat ng bahay nila. Sinalubong ako ni Ejay at tuwang-tuwa na nagpakarga sa akin. Nasipat ko si Aling Vilma na naghihimay ng mga dahon ng herbal sa silong ng kaimito. Itinigil nito ang ginagawa nang makita akong dumating at dali-daling lumapit sa akin.

MagdalinoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt