Pag-Ibig

24 0 0
                                    

Hi guyseu!  This chapter is dedicated to one of the special person in my life,  My Bestfriend...  😊😊😊

My Panda~🐼

~~~~~~~~~~~~~~~~

Pag-ibig? Walong letra , Isang salita... Sa una ay akala mo madali lang unawain ngunit isang malaking kamalian iyon. Dahil sa kabila ng walong letra at isang salita na iyan ay nakapaloob ang masalimuot na daan tungo sa kakaibang kasiyahan....

Kailan, Saan, Paano mo nga ba malalaman kung Pag-ibig na ang iyong nadarama? Ano ba sa tingin mo ang basehan para malaman kung nag mamahal ka na ba talaga o hindi pa?

Ako si Jacob , isang high school student , isa ako sa mga swerteng estudyante na napili upang makasama sa special section sa aming campus. Simpleng tao lang ako, makulit lalo na kung makulit ang kasama ko, masiyahin, masipag mag-aral dahil desididong makapagtapos at higit sa lahat G-W-A-P-O..... GWAPO.... Hmm... Well, hindi ko maipagkakaila 'yan. *smirk*

Sa unang araw ng klase, panibagong classroom, panibagong kaklase, panibagong lahat..... Pakiramdam ko ay maayos naman ang lahat. Mapayapa, matiwasay at mukhang walang magiging gulo dahil mukha namang matitino ang mga kaklase ko. A ng buong akala ko ay magiging boring ang high school ko ngayong school year. Ngunit akala ko lang pala 'yun.

Dahil makalipas ang 2 buwan simula noong magpasukan.
May isang babae ang naka agaw ng atensyon ko. It seems like my attention suddenly diverted to her when the time I saw her. Her unique smile and personality really caught me. Ang hindi ko inaasahang mararamdaman ko ay bigla kong nadama nang wala man lang warning o pasabi. I'm not even sure kung paano ko siya naging crush. But it just happened na sa tuwing titingin ako sa kanya, pakiramdam ko masaya ako. Pakiramdam ko kumpleto ako.

Siya si Alexandria, Alexa for short. Isa siya sa mga babaeng matalino sa loob ng klase namin. Maybe isa din yun sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Dahil nga sa nararamdaman kong ito. Hindi na ako mapakali kakaisip. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat ko gawin, kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

Kaya naman isang araw, lahat ng lakas ng loob ko ay pinilit kong ipunin upang tuluyang maglaho ang kahihiyan ko sa katawan kahit na pansamantala lamang. At nang magtagumpay nga ako sa pagpapakalma ko sa aking sarili. Napagdesisyunan ko na simulan na siyang i-chat.

Binuksan ko ang messenger ko at hinanap ko ang napakagandang pangalan niya. After a while I started composing a message for her.

To: Alexa

Hi Alexa! May gusto sana akong sabihin sa'yo.... Uhm... Alam kong baka ma weirdo-han ka sakin. Pero gusto ko lang sabihin na may gusto ako sayo. Crush kita Alexa. Hindi ko alam kung bakit, at paano. Pero parang bigla ko nalang kasi 'tong naramdaman. Sorry ang panget ko umamin.. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ng maayos yung nararamdaman ko para sa'yo, Alexa.

=SENT=

As I pressed the send button my heart started to beats faster.

=SEEN=

But when I saw that she had seen my message for her. My heart beats rapidly than ever. Tila gusto nitong kumawala sa sobrang kabang nararamdaman ko.

'Sht! Bakit pa kasi ako umamin?' nasabi ko nalang sa sarili ko

*TING!*

From: Alexa

Woah! That really surprised me.....  Hindi ko ine-expect na aamin ka sakin. Besides first lang na may nag confess sakin. But it's nice to know na umamin ka, atleast I'm aware. Thanks.

Love At TEENWhere stories live. Discover now