3

45 1 0
                                    

Another update guyz! May nag share na kasi ng kwento sakin. So sa mga willing at gustong i-share ang story ng buhay niyo feel free to PM or message me. Watty or Facebook. Kamsa! Enjoy reading!!! ^____^

~~~~~~~~~~~~~~~
THIS IS DEDICATED TO MY CHINGU(FRIEND) G.A.I.C.
HOPE YOU LIKE IT!

~~~~~~~~~~~~~~~

Ako si Shainne 14 years old. I'm a kind person, and I love Art. I draw, specially when I'm inspired.  *Wink*

Meron akong crush sa classroom namin. His name is Michael John and I use to call him John. Matangkad, katamtaman ang kulay niya, ang cute ng hairstyle niya, at may singkit siyang mata lalo na kapag tumatawa siya. Isa siya sa mga joker sa room namin. Kung hindi siya magpapatawa o manggugulo, aasarin ka naman niya.

Nag start akong magka-crush sa kanya nung 2nd day of class. Nung First day kasi napansin ko na siya but hindi ko masyadong nakita ang mukha niya, hindi ko rin siya masyadong nakita dahil magkalayo kami ng upuan. At dala na rin ng kaba kaya naman mas nag focus ako sa Adviser namin.

Nung time na yon,inutusan siya ni Ma'am kaya naman pumunta siya sa harap kung saan medyo malapit sa pwesto ko. At dahil 2nd day pa lang nun, syempre wala pa akong masabihan ng feelings/kilig ko. Wala pa akong mapagsasabihan ng 'Ang pogi ni Kuya sa harap...!!' Crush ko na yan! Emeged!' 

Gustong gusto ko nang sabihin ang linyang yan, pero wala akong mapagsabihan, kaya naman kinipkip ko na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko.

Sa araw-araw na pag pasok ko/namin lagi kong nakikita si John. Naging magkaibigan na din kami. Kasama pa ng mga ilang kaibigang babae at lalaki. Si John lang ang pinaka malapit na kaibigan kong lalaki.

Sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko unti-unting  bumabagal ang pag-galaw namin na siya namang ikinabilis ng pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay humihinto ang oras habang nakikita ko ang gwapo niyang mukha. Lagi akong Good Vibes kapag nandyan ang presence niya dahil nagjo-joke siya at dahil na din Crush ko si John.

Tapos hanggang sa 1st Grading naging magka group kami sa isang subject. Kung saan kaylangan naming mag role play at ang mas nakakabigla ay kami ang napiling magka partner para i-act ang main characters habang extra namamn ang ibang ka grupo namin.

Noong una, tumanggi lang ako ng tumanggi hanggang sa dumating sa punto na wala na akong nagawa kundi tanggapin na lang ang roleplay na gagawin namin.

'It's just a ROLEPLAY, No FEELINGS'

Sabi ko pa sa utak ko, habang pinapakalma ang sarili ko. Nag practice kami ng 1 linggo, and in the end naging maayos naman ang performance namin ng grupo. At sa loob lamang ng isang linggong iyon, mas naging mas close kami ni John. Pero hindi ko naman sineryoso ang mga nararamdaman ko para kay John. Crush lang naman ito, isang di hamak na pag hanga lamang. Na pwedeng magbago kahit anong oras. Hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin ang nararamdaman ko dahil gusto ko muna siya maging kaibigan. Mas matalik na kaibigan.

Hanggang sa tumagal ng tumagal.... sobrang close na kami ni John, minsan umaabot na sa point na napag uusapan namin yung Crush or Mahal thingy. Kaya naman ako tiklop ang bibig ko sa mga ganyang topic. Kung minsan huhugot siya tapos biglang tatawa. Hindi mo nga malalaman kung kaylan siya seryoso at kung kaylan siya nagloloko. Parang bigla bigla na lang siya susumpungin. Hahaha!!!!!

Dahil nga sa closeness namin John, may mga time na nagkukwento na siya about sa Life niya.At habang ako naman mas lalong naging strong pa ang pagkaka crush ko kay John.

Mas naging crush ko pa lalo siya simula nung maging mas close kami. At dahil may naging bestfriemds na ako, sa kanila ko na shine share yung feelings at kilig ko. Kaya naman halos alam na nila yung nararamdaman ko para kay John.

Love At TEENTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang