2

60 1 0
                                    

I'm Ace, 13 years old turning 14. In my age naging masaya naman ang buhay ko. Enjoying my life with my family and friends.

Kagaya ng karamihan sa TEENS ngayon, may crush na din ako. Nagmahal na din ako, kaso nga lang niloko ako.

Hindi naging maganda ang experience ko sa unang minahal ko. Hindi ko alam kung TRUE LOVE na ba ang naramdaman ko kay Nick, ang unang minahal ko. Ang alam ko lang talaga minahal ko siya ng totoo. Sa almost 2 months naming connection, naramdaman kong mahal din niya ako. Sinabi din niya sa akin 'yun personally.

Nagkakilala kami dati sa school, pinakilala ako nung bestfriend ko kay Nick dahil mag kaibigan sila nung bestfriend ko.

Naging masaya kami sa company ng isa't isa. Sa text, sa tawag, or sa personal man. Lagi kaming nagpapansinan kahit magkaka salubong lang kami. Dahil hindi ko naman siya classmate at magkalayo din ang classroom namin. 13 turning 14 din si Nick.

Nagiging masaya ako dahil sa mga sinasabi niya, sa mga kinukwento niya sa akin. Ang daming mga sweet words ang sinasabi niya sakin. Dahil first time ko pa nun magmahal, masaya ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Nick. Lagi niya akong kinakamusta. Binabati ng good morning, good afternoon, good evening at good night.

Nagsasabi din siya sa akin ng I love you at dahil mahal ko si Nick, sinasabihan ko din siya ng mga salitang 'yon.

Pero dumaan ang isang buwan, maayos naman kami ni Nick bago nangyari 'yon. Pero bigla na lang siyang hindi pumapasok. Nababalitaan kong lagi na lang siya nagka-cutting. Kahit tawagan o i-text ko man siya hindi niya parin ako sinasagot.

Pinuntahan ko si Nick sa bahay nila pero umalis daw siya, lagi na lang daw siyang nasa labas at kung uuwi man siya madaling araw na at aalis ulit sa umaga.

Napagod na akong hanapin siya at kausapin nung mga panahong iyon. Dahil wala naman siyang paramdam mas pinili ko na lang na tumigil sa kakakulit sa kanya dahil alam ko namang magmumukha lang akong tanga.

Masakit para sa akin nung una na hindi niya ako sinasagot sa mga tawag at texts ko. Pero nung pumasok na siya mas masakit na hindi man lang niya ako kinausap nung magkasalubong kaming dalawa. Tiningan niya ako pero parang multo lang ako na dumaan sa harap niya.

Dineadma niya lang ako na parang hangin lang akong napadaan. Sobrang sakit ng naramdaman ko nun. Masakit dahil unang beses kong magmahal, unang beses ko din masaktan.

Kinausap ko siya isang araw, recess nung oras na 'yon.

Nakita ko siyang naglalakad papuntang canteen.

Sinundan ko si Nick hanggang sa makabili siya at maka labas ng canteen. Nakahanap na ako ng tamang oras at tyempo para kausapin siya.

"N-Nick!" tawag ko pero di niya ako pinansin.

"Nick ano ba! Kausapin mo naman ako!!!" pag sigaw ko pa sa kanya. Ramdam kong nakatingin na ang ibang mata ng mga estudyante sa amin, pero deadma lang ang iba. Walang mga teachers dahil may seminar sila sa office.

"Pakinggan mo naman sana ako" mahinang usal ko pa. " Bakit bigla ka na lang nawala?? Hindi mo man lang sinagot kahit isa sa mga tawag at texts ko. Bakit hindi mo ko pinapansin?" pinipigilan ko ang mga luhang nagpupumilit ng lumabas sa aking mga mata.

" Wala ka nang pake sa buhay ko. 'Wag mong paki alaman ang buhay ko dahil may sarili ka namang buhay..." walang ganang sabi naman ni Nick na hindi man lang tumingin sa mga mata ko.

"B-Bakit?? Bakit ka ganyan??"

"TSS... " singhal niya "Manhid ka ba huh?  Hindi mo ba maramdaman na iniiwasan na kita? Pero ikaw parin 'tong tanga na kulit ng kulit sakin!" sigaw niya sa akin na halatang inis na inis na makita ako.

Love At TEENWhere stories live. Discover now