[69] You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Swimming na lang tayo?” Nakangiting sabi ni Sage. “Hindi magpapa-awat tong si Sandoval e.”

“Tch. I know right!” Ngumiti na rin ako sa kanya.

Kinabahan ako nang ilapit niya ang muka niya sa akin. May ibubulong lang pala. (-__-) “Whatever happens, trust me. Okay?”

“O-Okay.” After I said that, nag-swimming na kaming dalawa. Of course, I removed his jacket.

At doon ko lang na-realize kung gaano kami ka-cheesy. Augustus and Hazel Grace lang ang peg? Perhaps, Okay will be our always. Ano ba yan, Aicel! (-__-)

xxx     

BRIE

Umahon na kami ni Thea sa pool. Umupo kami sa pool side at nagkwentuhan. Nakakatuwa nga dahil mabilis akong naging close sa mga kaibigan ni Aicel (well, bukod dun sa isa). They’re all nice and friendly. Madali lang silang pakisamahan. Mukang okay din naman sila Aicel at Sage kaya hinahayaan ko na lang muna na magbonding.

Grabe! Nanginginig na ako sa lamig. Halos 10pm na din kasi at nagliliwaliw pa kami sa pool. Tawang tawa nga ako kela Stan, Liam, Kris at Julian na inangkin na ang karaoke.

“Thea, kain muna tayo.” Lumingon kami, and I saw Bench with his ugly brother. Malay ko bang magkapatid sila eh hindi naman gwapo si Pen! Okay sige, slight lang. (-__-)

“Sige, nagugutom na rin ako.” Tumayo na si Thea saka ako hinila patayo. “Tara Brie! Kain muna tayo. Sabi mo kanina, nagugutom ka diba?”

Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya. Naalala niya pa yun? (-.-’) 

“Nilalamig ako.” Sabi ni Thea sa akin at napayakap sa sarili niya.

Bench immediately removed his jacket at ipinasuot iyon kay Thea. “Here, take my jacket.”

Osige, sila na ang sweet. Iyak na, Brie! T.T

Pero nilalamig din ako. Tutal may suot namang jacket si Pen, baka pwede kong mahiram kahit saglit. Tutal naka-tshirt naman siya. Naka-sando lang ako e.

“Nilalamig din ako.” Nagpaawa effect pa ako kay Pen.

Tinignan niya ako ng masama. “Well damn, Brie. I can’t control the weather.” At saka ito mabilis na umalis ng naka-pamulsa.

I shook my head in disbelief. Sabi ko nga, napaka-gentleman niya! Tiis ganda, Brie! Mamaya magpalit ka ng t-shirt sa room niyo. Huhu!

“Pagpasensyahan mo na si Pen, masungit talaga yun e.” Paumanhin ni Bench.

I smiled at them. “Halata naman.” (-__-)

Sa isang open restaurant kami kakain. Dahil sila Bench ang may-ari nito, libre lang kami. Eat all you can pa nga e. But you know what’s nakakainis? Those vacant tables are for two na lang! Okay lang naman dahil apat kami, but knowing Thea and Bench? Mukang hindi sila maghihiwalay ng table. Guess, I will eat by myself. Ugh! Forever Alone.

“Shit Bench, don’t look at me like that.” Pen suddenly uttered. Napatingin ako sa kanya.

He just shrugged. “What? I’m not saying anything.”

“I know you! You’re telling me to sit with the same table with this brat!” Tinuro niya pa ako. Napa-nganga ako sa ginawa niya. “Kami na lang ang partner ni Thea!”

“NO WAY!” Thea and Bench said in unison.

Sumingit na ako. “It’s okay. I can eat by myself. Sanay naman ako ng mag-isa. At ikaw!” Sabay turo ko din kay Pen. “Kung ayaw mo akong makasama sa table, lalong mas ayoko naman no! Baka masuka lang ako sa kapangitan mo.”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon