Four

29 2 0
                                    


Ngayong Biyernes ay maaga ako pumasok sa school para mag-practice ng pag-shoot ng bola. Kasama ko ang ilan sa mga kaklase kong babae na mga nahihirapan rin sa P.E. 4 na subject namin. Napag-desisyunan kasi namin no'ng huling meeting na mag-practice nga ngayong umaga para makapasa kami sa long test mamaya. Nagpaalam naman kami sa instructor namin na gamitin nga itong gym para sa practice namin. Natutuwa siyang pumayag dahil daw sa huwaran kaming estudyante at gusto namin mag-improve kahit nahihirapan kami. Kung ako lang ang tatanungin, 'di ko naman talaga ito gusto. Kailangan ko lang talaga maipasa ang subject na 'to para 'di ma-delay ang pag-graduate ko.


Sa pagpa-practce namin ay kahit papa'no ay nakakapag-shoot na ako sa ring. Natuwa rin ako dahil nakakawala rin ito ng stress. Nakakapagod din kasi ang pagsabay ng thesis ko sa iba pang subject. Tunay ngang nakakagaan sa loob ang paglalaro ng sports. Iyong mga ibang estudyante na napapadaan at nakikita kami ay chini-cheer pa kami. Medyo nakakahiya ngunit masaya rin dahil kahit papa'no ay may sumusuporta sa amin.


"Misha, galingan niyo!" pagsigaw ng isa mula sa labas ng gym.


Isa iyon sa mga classmate ko dati. Ngumiti ako sa gawi nito at nagpasalamat.


Tuwang-tuwa kami ng sa wakas ay nakapag-shoot na kaming lahat. Halos ilang oras din ang tinagal namin doon. Alas diyes na kami natapos at nagpahinga. Nang nagutom kami ay pumunta na rin kami sa canteen. Habang kumakain ay masaya naming pinagkuwentuhan ang mga nangyari no'ng nasa gym kami.


Alas-dose ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at magkikita na lang sa klase mamayang alas-kwatro. Nagbihis lang ako ng uniporme at inilagay sa bag ang ginamit kong t-shirt at jogging pants. Mamaya ko na lang din isusuot ang ibinigay ni Lauren na uniform sa'kin no'ng Wednesday. Hindi na talaga ako nag-iiwan ng gamit sa locker magmula no'ng insidenteng iyon. Hangga't 'di ko nalalaman kung sino ang nagsusulat ng notes na 'yon ay hindi ko pwedeng ilagay ang mga gamit ko roon.


Dahil sa naalala ko ang locker ko, dumiretso ako sa locker area para tingnan kung may sagot na ba akong nakuha.


Pagbukas ko sa locker ay wala ulit itong laman. Wala ang note na nilagay ko at wala ring reply mula sa taong 'yon. Maaring napagtanto na niya na mali ang mga sinabi niya at minarapat na 'di na lang sumagot sa iniwan kong note. Mabuti naman kung gano'n. Sana ay 'di na ulit ito sumulat sa akin.


Maingat ko ulit ni-lock ang pinto ng locker bago tiningnan ang paligid dahil baka nandito lang ang taong 'yon at nakamasid sa akin. Mahirap na baka stalker pala iyon o may balak na gawing masama. Kailangan handa ako.


Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong ako lang ang tao sa hallway ng locker area. Kaya naman, panatag akong nakalabas sa building para dumiretso sa library at gawin ang thesis ko.


Pagdating sa library ay agad akong naghanap ng bakanteng computer na pwedeng gamitin. Naghintay pa nga ako ng ilang minuto dahil puno ang lahat ng upuan. Nang magkaro'n na ng bakante, agad kong isinaksak ang flash drive ko at binuksan ang file ng research ko. Binasa koi to nang isang beses bago binuksan ang mga reference books na dala ko rin. Nagbukas din ako ng browser para gumamit ng references sa internet.


Ang napili kong topic sa aking dissertation ay tungkol sa economic journalism. Hindi naman ako mahilig sa pagne-negosyo ngunit naisip kong may maitutulong din ang research ko sa bigasan na negosyo nina papa. Malaki ang sakahan namin sa probinsya at may rice mill din kami. Taliwas man ang kinuha kong kurso sa negosyo ay mapalad pa rin ako dahil buo ang suporta sa akin nina papa at mama. Magiging mabuting halimbawa ang rice industry para sa economic research ko. Hindi ko nga lang ito mabilis na nagagawa dahil nga sa may part-time at iba rin akong subjects.


Hindi ko namalayan ang oras at alas-kwatro na pala. Is-in-ave ko ng mabilisan ang ginagawa ko at tumakbo papuntang gym. Mabuti at wala pa ang instructor kaya naman nakapagbihis pa ako bago sinamahan ang mga kaklase kong nag-sho-shooting na.


Pagkarating ng instructor, agad kaming nag-umpisa sa exam. Shooting sa freethrow at jump shot ang exam namin. Sa final exam naman ay three points at lay-up shots tapos magkakaro'n rin daw ng three versus three na game.


Sa huli, inabot ako ng limang ulit sa free throw bago ito tuluyang pumasok sa ring. Ang jump shot naman ay ginawa malapit sa ring kaya tatlong ulit ko lang ay pumasok na rin ito. Tuwang-tuwa ako sa nagawa ko. Siguro gano'n ang pakiramdam ng mga players ng basketball kapag nananalo sila sa mga laro nila.


"Good job, Misha! Ang laki ng improvement mo." Natutuwang pagpuri sa akin ng instructor ko.


"T-thank you, sir. Salamat din po sa pagbigay sa amin ng maraming chance para makapasa." Nahihiya ko namang tugon dito.


"It's not me. Masipag din kasi kayo, lalo ka na. Ikinuwento ka nga rin sa akin ng swimming instructor mo noon." Pagkuwento naman niya.


"Hindi naman po. Pero sir, una na po ako. May part-time pa po kasi ako." Pagpaalam ko sa kanya.


"Iyan ba ang hindi masipag? You can go now. Baka ma-late ka pa." pabiro nitong tugon.


Nagpaalam na rin ako sa mga kaklase ko at dumiresto na sa CR para magbihis nang pang-trabaho ko.


Mag-aalas-sais na at paniguradong traffic dahil rush hour na. Siguro aabutin ako ng mahigit isang oras sa biyahe.


Pagkalabas ng school ay pumara na ako ng jeep papunta sa fast-food. Maswerteng maluwag pa ang jeep na nasakyan ko. Ngunit isang kanto pa lang ang nalagpasan namin ay nagsisakayan na ang mga tao at traffic na sa intersection. Hindi ko na namalayan at nakaidlip na pala ako.


Pagkalipas ng isang oras, nagising ako at saktong isang kanto na lang ang layo ko sa restaurant. Nakapag-time in ako ng seven-twenty at maaga pa para sa shift ko. Nanatili lang muna ako sa staff area para hintayin matapos ang kapalitan ko.


"Misha? Ang aga mo yata?" tanong ni Sabel pagkarating niya mga bandang seven-forty na.


"Mabuti na iyon, alam mo naman traffic papunta rito." Sabi ko naman sa kanya.


"Pero, ano? Nag-reply na ba yung naglalagay ng note sa locker mo?" pagbukas niya sa ibang topic.


Napailing ako. "Hindi. Baka natauhan na 'yon. Sana nga ay 'di na ulit ako makatanggap ng note mula sa kanya."


"Sigurado ka ba? Paano kung totoo sinasabi niya?" tanong ulit ni Sabel.


Pumasok naman na ang mga kapalitan namin kaya lumabas na ako sa staff area.


Kahit nasa counter, naiisip ko pa rin ang sinabi ni Sabel. Paano kung totoo? Sa pelikula at libro lang nangyayari ang mga gan'tong bagay. Imposible ito sa totoong buhay. Ako lang ang nagmamay-ari sa locker ko. Wala akong kahati rito.


***


The Bizarre Case of Locker No. 29Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon