Two

40 3 4
                                    



"Bakit ka may dalang leather jacket, Misha? Sa init ng panahon ngayon dahil summer na, may dala kang ganyan tapos itim pa?" bungad agad sa akin ni Sabel pagpasok ko sa fast-food.


Naka-duty na kasi siya ngayon at nakatayo na sa counter. Tapos na rin ang bugso ng maraming tao dahil patapos na ang oras ng hapunan.


"Hindi naman kasi 'to, sa'kin. Nakuha ko ito sa locker ko kanina. Hindi ko nga alam kung pa'no 'to nakarating do'n." pagpaliwanag ko sa kanya.


Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya dahil pumunta na ako sa likod para isuot ang uniform ko.


Pagkarating ko sa counter ay may mga nakapila na kaya agad akong nag-umpisa ng trabaho.


Eight-thirty na at medyo mangilan-ngilan na lang ang kumakain. Ang karamihan kasi ng umo-order ay halos mga take outs na. Marahil iyon ay 'yung mga magpapasalubong sa kani-kanilang pamilya.


Mga alas-diyes ay tumumal na talaga ang tao. Dito na nag-umpisa magtanong at mangusisa si Sabel sa akin.


"So, ang ibig sabihin 'yung jacket nakita mo sa locker mo pero 'di mo alam kung sinong may-ari? Hindi kaya may nangti-trip talaga sa'yo?"


"Iyon na nga ang pinagtatakhan ko. Hindi ko alam kung paano niya nabubuksan ang locker na 'yon. Ano 'yun may susi siya na kapareho nang sa'kin? Pero lahat naman kami ro'n may sari-sariling locker. At kung pinagti-trip-an nga ako, bakit ako? Wala akong oras para sa kanya." pagkuwento ko kay Sabel.


Una, nawala ang uniform ko. Ngayon may nakuha akong misteryosong jacket sa locker ko. Iisang tao lang nga kaya ang may kagagawan ng lahat ng 'yon?


Pagkatapos ng shift ko ay dumiretso na ako sa boarding house. Dala-dala ko pa rin ang leather jacket. Isinampay ko pa nga ito sa sabitan ko ng uniform kong pangpasok.


Nang makabihis ako pantulog, muli ko itong pinagmasdan. Napansin kong may nakatahi sa kanang laylayan nito. 'RM 1992' ang nakaburda rito.


"Ano kayang ibig sabihin niyan? Pangalan kaya 'yan?" nasambit ko sa pagtataka.


"Ah! Bahala na. Kailangan ko na matulog!" muli kong sabi nang wala akong maisip na kahit sino na may pangalang RM.



Alas-otso pa lang ay nagising na ako ngayong Huwebes. Alas-diyes kasi ang klase ko sa Ethics, isa pang minor subject.


Nag-almusal lang ako ng pancit canton at naligo na rin agad. Nagulat ako nang paglabas ko sa CR ay nine-thirty na. Natagalan pala ako sa pagligo.


Dali-dali akong nagbihis at nagsuklay. Hindi na ako nag-abala pa na magpulbo man lang. Kinuha ko lang ang bag ko at hinanap ang hand-outs na ibinigay sa amin last meeting. May quiz kasi kami ngayon.


Nine-forty ay naghihintay pa rin ako ng masasakyan. Fifteen minutes ang biyahe ko papunta sa school at kapag nagka-traffic ay nagiging thirty minutes ito kaya naman nag-uumpisa na akong kabahan. Hindi ako pwede ma-late dahil baka markahan akong absent nang instructor ko at hindi ako makapag-quiz sa subject niya.

The Bizarre Case of Locker No. 29Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon