Three

34 2 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iyan ang nakasulat sa bagong sticky note na nakadikit sa loob ng locker ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng sumulat no'n. Pa'nong mangyayari 'yon? Ano'yon, all this time may ka-share ako sa locker?


Agad kong nilagay sa loob ng notebook ko ang sticky note na nakuha ko, kasama ang naunang note. Pwede itong maging ebidensya pagdating ng panahon.


Hindi ko pa alam kung papa'no sasagutin ang sulat na 'to kaya rin itinago ko muna. At isa pa may klase pa ako ngayong Huwebes. Kararating ko lang talaga sa PIAT at dito agad ako dumiretso sa locker area dahil sa gusto ko malaman talaga ang sagot sa note ko. Hindi ko lang talaga inasahan ang naging sagot doon.


Pagkalabas ko ng Liberal Arts Building ay nagtungo muna ako sa PIAT Circle. Under renovation pa ang malaking fountain na naroon dahil medyo luma na ngunit maganda pa rin na lugar na pagpalipasan ng oras.


Noong first year ako ay palagi kong pinagmamasdan ang fountain na 'yon dahil nakaka-relax. Parang ang sarap lang panoorin ang paggalaw ng tubig roon. Para silang sumasayaw. Wala namang tugtog at 'di rin naman ito dancing fountain ngunit ang bawat pagtaas at pagbaba ng tubig rito ay parang magiliw na sayaw na umiindayog sa payapang musika. Bukod sa libray, itong PIAT Circle ang palaging kong pinupuntahan. Kaya lang, nitong semester lang ay ipina-renovate na ng admin ang fountain kaya naman hindi pa ulit ito nagkakatubig.


Tulad ng dati sa likod ng fountain ako umupo. May benches kasi roon at tago sa malalaking building ng school. Sa likod ko naman ay ang garden na kaya talagang nakakapag-relax ako at nagiging payapa ang isip ko. Kahit isang sementong bilog lang ang nasa harap ko at ang estatwa na simbolo ng school, para ko pa ring nakikita sa harap ko ang dati nitong itsura at ang tubig na gumagalaw mula rito.


Ang sarap balikan no'ng unang taon ko rito. Dahil nga sa galing ako sa probinsya ay nahirapan ako sa pag-adjust sa bago kong kapaligiran. Naalala ko a no'ng mag-entrance exam ako rito. Na-late ako no'n at 'di ko alam kung saan ang room na pagdarausan ng exam. Naligaw ako sa mga building at nakarating pa sa Engineering and Sciences Department. Buti na nga lang may tumulong sa akin na guard no'n.


"Misha?"

The Bizarre Case of Locker No. 29Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon