"Ang aga ha?"

"Namimiss na kita e!" sinabi niya 'yon na para bang sanay na sanay siya na palagi niyang sinasabi sa akin iyon, samantalang kagabi lang naman kami nagkakilala.

Maya-maya pa'y narinig ko nang humalakhak siya sa kabilang linya.

Damn that chuckle!

Ramdam ko namang uminit ang pisngi ko. "H-Huh?" I stuttered. "Bahala ka na nga d'yan! Bye na, antok pa ako! Maya na! Ciao!" I said as I ended the call.

In-end ko na baka maubusan pa akong dugo! First time ko kaya na makipag-tawagan sa ewan... sa a guy I met last night! Hindi na tuloy ako nakatulog dahil sa tawag niya kaya naligo na lang ako.

Naalala ko kasi 'yung sinabi nina kuya, mukha ngang chic boy itong isang 'to sa mga salitain pa lang niya, halatang-halata ko na.

I've decided that I'm going to be productive for today. Four days na lang pasukan na ulit! Tapos, college na ako!

New school! I'm really excited!

Pagka-ligo ko bumaba na ako at nagpunta sa dining room. Nandoon na si ate Dexan, si Mommy at Daddy. "Good morning!" bati ko sa kanila nang masigla habang naupo sa tabi ni ate.

"Wow! Mukhang may blooming dito ngayon ah. Agang-aga ligo na kaagad. That's new," Daddy teased.

"Dad, gusto ko kasing sulitin ang bakasyon. Mahirap na daw sa college! But I'm excited!" I told them. Sobrang excited na talaga ako. "Sina kuya?"

"Tulog pa, they're wasted," Mommy said. Ang cool lang talaga ng parents namin dahil pinagkaka-tiwalaan nila kami at sinusuportahan sa kung ano mang gusto namin.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako. Naka-floral sleeveless dress naman ako at sandals para presko lang. "Manong Jun, sa Argon Mall lang po."

Habang sakay sa sasakyan ay pinagmasdan ko ang kagandahan ng view dito sa lugar namin sa Florencia. I'll never get tired of looking at this view.

My Dad told me na dito na daw sila lumaki. At maging ang mga ninuno namin, kaya kilala rin talaga ang aming pamilya dito sa probinsya namin.

Malawak at marami kaming pagmamay-ari na mga lupain. May farm kasi kami at barn. Marami kaming business, maging sa ibang bansa na pinamamahalaan naman nina Tito Cleo na tatay nina Kenshin at Chino. Tulong tulong din kasi ang magkakapatid na Levanidez sa pagpapatakbo ng mga businesses nila at kompanya.

Nakikita ko na ang mga nagtatayugang buildings na ibig sabihin ay nandito na kami sa katabing syudad ng Florencia, ang Arcen City – isa ito sa pinaka-maunlad na siyudad sa bansa. 

Isang oras din halos ang layo nito mula sa Florencia. Dito rin kami magka-college dahil wala namang college doon sa Florencia. Marami rin naman kaming business dito kaya madalas na rin ako nakakapunta dito.

"Manong, text ko na lang po kayo kapag uuwi na ako, mamasyal na lang din po muna kayo," I told manong.

Nagpunta ako sa isang bookstore at bumili roon ng binder at mga ballpen. Namili rin ako ng technical pen at mga sketchbook. Tumingin din ako ng mga bagong mga libro, mahilig din kasi ako magbasa. Bumili ako ng isang libro na sa tingin ko ay maganda ang storya.

As I was walking on the grounds of Argon Mall, natigilan ako nang may tumawag sa akin mula sa likuran.

"Daff?"

I turned around only to see Isaac. Ngayon ko lang napansin na gwapo nga rin talaga siya. Well, buong circle of friends naman ata ni kuya, parang walang tapon sa kanila.

When We HappenedWhere stories live. Discover now