Kabanata 1

1.1K 120 13
                                    

Kabanata 1
Panyo


"Sinabi ko naman sayo diba? Pero di ka pa rin nakinig! Tingnan mo ang nangyari at iyak ng iyak ka sa akin ngayon!" pagsesermon sa akin ni Mama sa telepono.

"Mabait naman kasi si Lader ma."

"Oo! Mabait sa una tapos unting unti magiging hindi na!" sigaw pa niya. "Aba Loverielle, wag kang gumaya sa akin na tinikman lang at iniwan bigla ng walang kwentang tatay mo!" pagaalala niya sa nangyari noon sa kanila ng Papa ko.

"Opo, alam ko naman po iyon."

"Kung alam mo edi sana hindi iiyak iyak ngayon!"

Ilang segundong walang umiimik si Mama ng malagdesisyunan kong muling magsalita.

"Mama gusto ko ng umuwi.."

"At bakit namang Loverielle?! Tatakas ka sa problema mo diyan sa batangas? Baka nakakalimutan mong ilang buwan na lang eh magtatapos ka na sa high school? Wag mong sabihing titigil ka dahil sa nararamdaman mo?!" inis na tanong sa akin ni Mama.

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko mama." pagamin ko.

"Tapusin mo muna ang pagaaral diyan Loverielle. Bumalik ka na lang dito pag hawak mo na ang diploma. Dito ka na lang magaral sa probinsya. Tutal ilang buwan na lang naman na.." malumanay na paliwanag ni mama.

"Thank you, ma. Miss ko na kayo nina Lola at Tita diyan."

Nang matapos ang paguusap namin ni Mama ay ginugol ko lang ang sarili ko sa kaiiyak. Sobrang sakit kasi. Papaano niya nagawa ang bagay na yon? Hindi na ba niya ako mahal? May pagkukulang ba ako? Kaya siya humanap ng iba? Ang sakit sakit.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung may mauuwi pa ba akong diploma kayna mama sa probinsya kung ganito lang naman din ako.

I couldn't help, but to ask why.

Pangit ba ako? Tanga ba ako? Deserve ko bang masaktan? Minahal niya ba talaga ako in the first place? Para kasing hindi e.
Ginawa ko naman ang lahat ah.

Ginawa mo ba talaga ang lahat? my inner voice told me.

Ginawa ko nga ba?

Matamlay akong pumasok sa eskwelahan ng mga sumunod na araw. Ang hirap naman kasing magpanggap na okay lang ang lahat sa kabila ng nangyari. Katulad ng relationship na nagfa-fade. Hindi na ako masyadong nagiging active sa klase. Hindi na rin ako kasali sa mga nageexcel sa mga activities at quizzes sa iba't-ibang subjects. Nakakawala na kasing gana. It's really hard to pretend. So i choose to show them that i totally broken. That i am a piece of Lader's shits now.

Kasi ganun naman diba? Pag ex ka na, basura ka na lang sa kaniya. Pero hindi ko pa siya ex. Hindi pa kami nagbe-break kaya kahit ngayon may karapatan pa din ako. Tanga-tangahan ka naman Loverielle? Umaasa ka na naman e! Sigaw na namang ng utak ko. Tanga nga siguro ako.

"Kain na Loverielle." alok sakin ni Allan. Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya.

"Salamat pero busog pa ako e."

"Busog ka? Eh hindi ka na nga nag-recess tapos hindi ka pa nag-lunch. Busog ka sa lagay na yan. Walang laman kahit ano ang tiyan mo niyan. Sige ka." panguusisa niya. Wala akong nagawa kundi kuhain ang pagkain na inaalok niya. Pagkain iyon eh. Tatanggihan ko pa ba?

"Ayos ka na ba?" biglaan niyang tanong.

"Medyo okay na."

"Nakapag-usap na kayo?"

Binaba ko yung kutsara at paper plate na may lamang pagkain sa lamesa.

"Hindi pa." tipid kong sabi.

"Uhh okay." ilang minuto rin ay umalis na si Allan upang itapon ang mga pinagkainan namin. Ang pagalis naman ni Allan ay ang siyang pagdating ni Cynthia.

"Okay ka na?" tanong niya sa akin ng maka upo siya sa tabi ko.

Hindi ko siya sinagot. "Saan ka galing?"

"Girlfriend duties." ngiti niya sa akin napawi din ito ng may naalala. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko ah!" Reklamo niya.

"Kahit hindi ko naman sagutin ay alam mo na ang totoo. Bakit pa ako magsisinungaling diba?"

"Sabagay, useless lang parang yung tanginang ex boyfriend mo." irap niya. "Ex-boyfriend nga ba? Di pa kayo nagbebreak ah." tanong pa niya.

"Ex-boyfriend, Cyn." pagkaklaro ko.

"Hmp. Dahil sa ginawa ng ex mo. Napatunayan niyang useless lang ang salitang break up kung manliligaw siya sa ibang babae na committed pa siya sa iba." sabi niya na sinang-ayunan ko.

"Useless lang din ang pagiging gwapo at matalino niya, tarantado naman kasi ang ex mong malandi pa sa puta. No offense ha?"

"Ayos lang." sagot ko sakaniya. "Totoo naman ang sinasabi mo eh."

"Sa wakas! Nabuhayan ka na din! Salamat lord." exaggerated na komento ni Cynthia.

"Magtigil ka nga Cynthia."

"Ang kj mo kahit kailan." nagtatampong sabi niya.

I spend my day with my earphones on. Wala kasing klase. Walang umattend na teacher kahit isa man lang. Graduating na din naman kasi kami. Nauna kaming magexam sa mas mababa sa aming level kaya ang pinaghahandaan na lang namin ay ang graduation ball.

I'm not really excited for the upcoming graduation ball. Si Lader dapat ang partner ko eh. Inalok niya ko one month ago. Pero ngayong obvious ng walang kami, hindi na rin siya ang partner ko. Paniguradong silang dalawa ni Nayanah. I thought he will be my first and the last one. Pero hindi eh. At hindi ko din alam kung bakit. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit. Para saan pa? Madami pa na naman diyan iba. Kahit mahirap siyang palitan. Masaya naman kasi kami eh. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito yung nangyari. Minahal ko pa rin siya kahit ayaw nina Mama. Ipinaglaban ko siya pero napunta lang din sa wala.

Mapait akong napangiti bago tumingin sa labas ng bintana. Natanaw ko si Lader at Nayanah na nagsasayaw sa harapan ng building namin. Mukhang sila ngang dalawa ang partner pero paano nangyari iyon? Hindi pwede-pwedeng maging magpartner ang nasa iisang section. Mapait naman akong tumawa ngayon, nga pala. Si Lader Bermejo pala siya. He'll get what he want.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Tangina, ang sakit sakit. Sana kasi panaginip lang lahat ng ito. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya.

Hahanapin ko na sana ang panyo ko ng may kamay na nakalahad sa akin galing bintana. Inangat ko ang tingin ko sa taong nasa labas.

"Kuhanin muna." sabi niya pero hindi pa rin ako kumikibo. Bakit ito nandidito?

"Bakit ka nandito?" gulat na tanong ko sakanya.

"Bakit ka umiiyak?" balik naman na tanong niya.

"Eh bakit kasi nandidito ka in the first place?" pangungulit ko pero hindi pa rin siya sumagot.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo toh tinatanggap." sabi niya, duon ko lang naalalang hinaabotan niya pala ako ng panyo.

Dali-dali ko iyong kinuha sa kamay niya. "Salamat." sabi ko. And with that, umiyak na naman ako. Naaawa na ako sa sarili ko sa totoo lang, pero wala akong magawa eh. Masakit talaga at hindi ko mapagilan na umiyak ng umiyak hanggang sa mawala na lahat ng sakit.

"Stop crying for him, Loverielle. Hindi siya babalik sa kakaiyak mong iyan." sabi niya saka umalis.

"Si Benjamin Nimenzo yun diba?" gulat na tanong ni Cynthia.

Kunot noo ko naman siyang sinagot.

"Oo."

Nagulat ako ng biglang nagsisigaw sa kilig si Cynthia. "Bakit anong meron Cyn?" tanong ng mga kaklase namin.

"Si Benjamin Nimenzo!" pagbanggit niya sa pangalan ng lalaking nagbigay ng panyo sa akin.

"Oh anong meron kay Nimenzo?" tanong pa nila.

"Nililigawan ni Benjamin Nimenzo si Loverielle!"

Hindi ko na nasundan ang sumunod na pangyayari dahil bigla na lang nagsisigawan na sila at nagtatakbo papunta sa akin.

Beneath The Waves (Isla Verde Series #1)Where stories live. Discover now