Ngayon , paano kung maniwala si Asher sa mga nasulat about sa kanya in the past? Ano ang gagawin niya? Paano kung tutuo ang sinabi ni Matt na pag nalaman ni Asher na may gusto sa kanya ang isang lalaki iniiwasan na niya ito. Bakit ? Di ba ganoon din naman siya? Pag alam niyang may posibilidad na ma link sa kanya ang isang kapwa artista , dumidistansya din siya? Ayaw na rin niyang maulit ang mga nangyari sa kanya before . Ma develop sa ka trabaho at sa bandang huli masasaktan din? Di nga ba sinabi din niya sa sarili na focus muna siya sa trabaho? Bakit ngayon heto at walang laman ang isip niya kung hinde ang isang Asher Concepcion na halos hinde pa rin niya masyadong kilala. Nasaktan na rin ba siya gaya ko ?

Hinde alam ni Gerald , hinde din makatulog si Asher dahil alam na nito ang tungkol sa entertainment blog. Nakita na niya ito. Tulad ni Gerald ay hinde din makatulog ang dalaga.

"Napaka unfair naman ng mga sumulat at nag post ng write up na yun . At ang mga pictures pinili pa talaga yung mga kuhang kala mo sweet na sweet kami." Inis na inis na kinakausap ng dalaga ang sarili. Hinde man lang kami tinanong kung bakit kami nanduon sa restaurant na yun. Date na agad ang inisip nila at girlfriend na agad agad. Grrrrrrrrrrrrrrr gustong sumigaw ni Asher sa inis.

Tanghali ng nagising si Asher. Hinde agad ito bumangon. Inisip kung ano ang gagawin niya that day. Bigla napabalikwas ito ng bangon ng maalala ang nabasa on line bago matulog. Upo agad sa harap ng laptop at tiningnan kung ano ang bagong issue. Nagulat siya dahil kahit sa emails niya ay mga nagtatanong. Sa mga social network na may account siya ay dami ding nag tatanong. Marami ang kinikilig pero marami din ang nagagalit at nag co comment ng kung ano lang may ma ipost lang. Sumakit ang ulo ni Asher sa mga nabasa at nakitang pictures.

"This is crap!!!"

Narinig niyang may kumakatok sa pinto at pinapasok niya.

"Good morning my dear sister!" bungad ni Sam, humalik ito sa ate niya.

"Hinde ka pa nag hihilamos, sira na ang araw mo!" pansin nito sa kapatid

"Ano yan? tanong ni Asher , nakatingin ito sa makapal na hawak na ibat ibang klaseng newspaper at tabloids.

" Sikat ka na!!" Inilagay ni Sam ang hawak hawak sa ibabaw ng bed ni Asher.

Naupo ang magkapatid sa bed at isa isang binasa ang mga articles about sa kanila ni Gerald.

Namumula sa inis si Asher pagkatapos nilang makita at mabasa mga articles.

" It's amazing how they can fabricate news like these. This is crazy!" halos pasigaw na sabi ni Asher sa kapatid.

" Easy ka lang ate,ano ka ba? I know this is all new to you. Getting frustrated will just end up you saying the wrong words. Just be yourself and tell the truth. It will come out in the end. "

"You are right, I should not let it affect my composure. Gerald. Anderson will tell the truth,right? "

Timing naman pumasok si Tita. Tess.

"Magbihis ka na Asher, may bisita ka."

" Bisita? Anong oras na ba? "

"11 na. ,Dalian mo at nakakahiya."

"Sino ba naman yan at ang agang bumisita? "

" Si Gerald Anderson lang naman. "

Nanlaki ang mga mata ni Asher, ganoon din si Sam.

" Anong ginagawa nun dito? "

"Nakakahiya namang tanungin ko. Asher. Sam, ikaw muna humarap duon habang nagbibihis ate mo." utos ni Tita Tess kay Sam.

"Dalian mo ate, I have to leave soon."

"Nagtataka man ay minadali na rin ni Asher ang pagbibihis. Gusto din niyang malaman bakit nanduon si Gerald.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon