Kapitulo Veintiuno

112K 4K 551
                                    

Nakakagago


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paolo Enrique Arandia's

I couldn't sleep. Paulit – ulit kong naririnig iyong sinabi sa akin ni Clarita. And I asked myself, will she dare date him? Mukha naman kasing patay na patay talaga si Calimbao sa kanya. And what if they date? What will happen to me? This seems all new to me – well not all. I was like this with Mary – tulad ng sinasabi ni Molly sa akin kahapon. But it had been too long. I took a deep breath. Bumangon ako at lumabas ng silid na iyon. Hindi ako natulog sa kwarto ko. I let her be alone with her Calimbao thoughts. Fuck her and Calimbao. Baka gusto pa nilang mag-date sa birthday niya mamaya, then I will let her.


Alas tres nang umaga pero hindi pa rin ako mapakali. Ang manhid – manhid ni Clarita. Sinilip ko siya sa kwarto ko. She was asleep. Gusto kong mayamot sa kanya, paano niya nagagwang matulog habang ako, hindi ko man lang magawang ipikit ang mga mata ko dahil pauit – ulit ko siyang naririnig? She said that she would date Calimbao dahol kahit kailan hindi niya nasubukan iyon.

Putang ina, ano palang tawag sa ginagawa naming ngayon?!

I closed the door and went down stairs. I took a bottle of whiskey from the cabinet. Dumiretso ako sa sala, doon sa may grand piano ko. I opened the lid and the housing. I stretched my fingers. The best way to fall asleep is whiskey and music.

I used to play a lot – lalo na noong panahong pilit kong kinukuha si Mary kay Kairos at kapag iniisip ko ang mga bagay na ginawa ko noon, nahihiya ako sa sarili ko. Hindi ko dapat ginawa iyon, kung siguro hinayaan ko na lang siya at nag-move on ako at hindi umasa, hindi ako makakaranas ng ganito ngayon. I believe that this is karma and it really is a bitch.

"Hi."

Napalingon ako. Nakita ko si Spica na pababa ng hagdanan. May nakabalot na kumot sa kanya. Bigla akong napangiwi nang maalala kong sinabi ni Clarita na natutulog siya ng nakahubad. Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko.

"I'm dressed. Wala nga lang akong panty."

"I don't need to know that." Sabi ko. She sat beside me. Binuksan niya iyong whiskey ko at ininom niya iyon ng direkta sa bote. "What's wrong?"

"Wala. There's nothing wrong in my life. Well, there is with yours. Anong balak mo kay Calimbao? She's going out with him tomorrow and it seems like she's very happy with it."

"Wala naman akong magagawa." Sabi ko na lang. Kung iyon ang gusto niya, gawin niya. "Wala kaming relasyon. She can do whatever she wants." Inis na wika ko. Kinuha ko rin ang whiskey kay Spica at uminom rin.

"Yeah, wala kayong relasyon kaya ayun, she told him that she couldn't leave tomorrow, she'll set up a dinner here tomorrow night with our parents and then Calimbao. O ano, ang kapal ng mukha ni Clari diba?"

In love but I hate itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon