Kapitulo Diez

91.5K 3.3K 540
                                    

Weird Day

Maria Clarita Sihurano's

"Ang laki nang baby bump mo. Parang four months na pero two and a half pa lang!"

Hinaplos ni Spica ang baby bump ko. We were inside my room that morning, nangungulit na naman siya sa akin. She was lying beside me, pero nakaunan siya sa bandang tyan ko habang paulit-ulit na hinahaplos ang tyan ko.

"Nabasa ko iyong mental feeding dapat daaw palagi mo siyang kinakausap. Kasi at this moment pwedeng nararamdaman na ni baby ang feelings mo."

"Pwede, kaya siguro na-stress sya kapag nararamdaman niyang yamot ako sa tatay niya." Mariing wika ko. Tatlong lingo na ang nakalipas mula noong isugod niya ako sa ospital, at iyon na rin ang huling beses na nakita at nakausap ko si Paolo Gago. Wala namang kaso sa akin kung hindi na siya magpakita sa akin. Hindi na rin naman namin siya pinag-uusapan ni Mommy o ni Daddy, ni hindi nila binabanggit ang kasal dapat namin. Sa akin, okay na talaga iyon. Paolo is the biggest jerk I have ever met. Mukha namang wala siyang balak panagutan ang dinadala ko, hindi ko rin naman siya kailangan. Kaya kong buhayin ang anak ko.

Magtatago na lang kami sa Amerika para walang masabi ang mga tao sa amin, para hindi madungisan ang pangalan ni Dad. Basta, I'll figure something out. Desisyon ko ang kailangan, Dad should always be on top of everything.

"H'wag mong isipin iyong gagong iyon, baka ma-stress na naman kayo ni Baby. Anyway, gusto mo ba ng girl or boy?"

I smiled. "Anything will do basta healthy siya at masayahin. A baby is a blessing. This is my blessing and I will take care of it whatever happens."

Ngumiti lang ako habang nakatingin sa baby bump ko. Si Spica naman ay tumango pa. Palagi niyang sinasabi sa akin na hindi ko naman talaga kailangan si Paolo sa buhay ko. Tama naman siya. If he's like that, then I don't deserve him. I deserve a better life and a better man with my child. I took a deep breath.

Maya – maya ay pumasok si Mommy sa silid ko. She was all smiles when she looked at us. Paminsan – minsan ay napapaisip ako kung anong sikreto ang nakatago sa mga ngiting iyon ni Mommy. Naupo siya sa gilid ng kama ko at saka hinaplos rin ang tummy ko.

"Let's go baby shopping." She said to us. Napangisi ako si Spica naman ay napapalakpak.

"Magbibihis lang ako Mom!" Spica said. Naiwan kaming dalawa ni Mommy roon. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Nag-usap na kami ng Daddy mo." Sabi niya sa akin. Wala akong ideya kung anong klaseng pag-uusapa ang ginawa nila o kung anong pinag-usapan nila. Humigpit ang hawak niya sa akin. "Alam kong mali na i-push ko ang pakasalan ka ni Paolo, I am very sorry for that, anak. If you don't want to get married to Paolo, that is okay. Your father told me not to push it anymore."

Habang nakatingin ako kay Mommy ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I am happy – because I don't need to trap myself in that kind of situation but then at the back of my mind, naiisip ko si Daddy, paano si Daddy? Paano ang mga detractors niya? Paano na si Cornelius Calimbao? Ngayon pa nga lang, kung matahin na siya nito ay ganoon na lang, pagkatapos malalaman niya pang ganito ako.

"Paano ang reputation ni Dad?"

"Oh, Clari, my Clari, you must know that by now, your welfare is more important than anything else. Anak ka namin. Anak ka ng Daddy mo. To hell with those people or what they think, ang mahalaga, masaya ka."

I hugged mom. Maya – maya ay bumalik na si Spica. Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto. We are going to the mall to buy some baby things. Hinanap ko pa nga si Juana pero ang sabi ng maids, mula daw kagabi ay hindi pa umuuwi ang kapatid ko. I just shugged it off, kung saan – saan naman kasi talaga siya nagpupunta.

In love but I hate itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon