Chapter 23 - Tae! (pt. 2)

2.4K 68 0
                                    

"Haaaayyy."

Nakakalungkot kasi.

(;'༎ຶД༎ຶ')

Natanggap ko yung costume ko pero tapos na yung party. Ano ba naman yan.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at umiiyak ng malakas habang yakap-yakap si cutiepoop.

Yes, cutiepoop. Bakit cutiepoop? Kasi ang cute-cute niyang tae. Yun lang, maganda na ito na lang ang tae natin, naka-smile pa rin kahit tinatae na at ifa-flash pa.

Hinahaplos ko lang to at nakatingin sa gilid ng kama.

[Knock! Knock!]

Hindi ko na pinansin kasi kakatok nga siya pero papasok rin naman kahit hindi pa nakukuha ang approval ko.

"Serena, lumabas ka naman kahit minsan oh! Lagi ka na lang nagmumuk-muk dito."

Naramdaman kong may umupo sa kama kahit hindi ko tingnan, kilala ko na kung sino.

Pero... nakikita niyo naman ang sinasabi ko diba? Ay wait lang, hindi pala nakikita, nababasa pala. Hehehe, sorry. Take 2 nalang, kalimutan niyo na yung kanina ok? Sige ito na! Ready! ACTION!

Nababasa niyo naman ang sinasabi ko hindi ba? Kumakatok pa eh, wala namang silbi, kasi papasok ka na agad! Mas maganda na lang na wag ka ng kakatok at pumasok ka nalang pero parang mas rude naman ata yun.

Sabi nga, ganun na. Ok na yung ginagawa nila.

"Hoy! Serena! Kanina ka pa talaga jan."

Tiningnan ko si ate na nakatingin sakin, umirap lang ako. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

Nagulat na lang ako ng hilain niya ako paupo.

"Uhh... anong ginagawa-"

"Hubad."

Huh? Teka... ano daw?

"Ano?"

"Sabi ko... hubad! Kailangan ko pang ulitin? Hubad! Tanggalin mo damit mo!"

"Ahh, ehhh... bakit?"

"Sabi ko hu-"

"Sabi ko nga, maghuhubad na ako."

Hinubad ko ang pajama ko.

"Nakaligo ka hindi ba?"

Tumango lang ako.

"Good."

May kinuha siyang leggings na brown at umupo siya at in-expand yung leggings. Tiningnan ko lang siya kaya nangunot na ang noo niya.

"SUOT!"

Nagulat naman ako kaya isinuot ko na nga.

Matapos niyang isuot sakin tumayo na siyaat tiningnan lang ako... pero tiningnan niya damit ko at binalik tingin sakin pero nakatitig lang ako sakanya.

"IHUBA-"

Bago pa niya matapos sasabihin niya hinubad ko na damit ko. May kinuha naman siyang long-sleeve na brown at pinasuot sakin, pagkatapos noon may kinuha siyang bilog na mukhang mamon na kulay brow rin at isinuot sa tuhod at braso ko.

0_0

"Hoy ate! Anong gagawin mo kay cutiepoop ko?!"

Aagawin ko na sana sakanya pero pinanlakihan niya ako ng mata kaya napanguso ako at nagmamakaawang tingnan ko siya na wag saktan si poop.

Ngumiti naman siya at nagulat nalang ako ng isinuot sa akin yun. Tiningnan niya lang ako sa ulo hanggang paa tapos kinurot pisngi ko.

"Ang cute mo tingnan. Mukha kang totoong tae."

Napanguso nanaman ako, lagi nalang niya akong inaapi, ang sama-sama talaga niya, minsan naisip ko. Bakit ko nga sinasabi na mama ko siya eh, ang sama-sama naman niya saaki-

"Pero syempre joke lang yun! Halika na nga! Punta tayo sa sala."

Sabi niya at niyakap ako.

Alam ko kung bakit, kasi parang mamon na ako... tsk! Kilalang-kilala ko siya.

"Wait lang ha."

Bago pa ako makasagot umalis na siya papunta sa kwarto niya, umupo na lang ako sa sofa at naghintay lang doon.

Mga ilang oras din at narinig kong bumukas at sumara ang pinto ng kwarto niya.

0_0

"Cute ba? Hehehe."

Hindi ako nakapagsalita kasi ang cute-cute ng mamon!!! Correction, mamon sabi ko, hindi siya.

Nakita kong nawala ngiti niya.

"Sabi ko nga hindi pero ok lang naman kung hindi, alam ko namang hindi mo na-appreciate-"

Nagulat siya ng tumakbo ako palapit sakanya at niyakap. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik, mas siniksik ko pa sarili ko sakanya kaya natawa siya. Ang lambot kasi.

"Halika na."

Huh? Akala ko ba dito kami?

"Wala naman akong sinabi na dito tayo magpa-party."

Aahh... so mind reader na siya, ganon?

Hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa kaya nagpahila na ako. Pumunta na kami sa ellevator at pinindot niya yung floor 5.

Saan nga ba kasi kami pupunta?

Nang dumating kami lumabas na kami ng ellevator, naglakad kami sa mga hall kung saan man ako dadalhin nitong babaeng to.

Tumigil siya sa tapat ng glass door pero hindi maka-klaro yung nasa loob kasi blurred yung glass.

Nakatitig lang kami sa pintuan pero biglang nagsalita si ate.

"Wala ka bang balak buksan yan?"

Napatingin naman ako kay ate.

"Huh?"

"Ang sabi ko buksan mo yan kasi kapag ako magbukas niyan parang ako na ang sinurprise- wala pala. Sige buksan mo na yan!"

Nagkibit-balikat lang ako at binuksan nga ang pinto pero laking gulat ko ng maraming tao at sabay-sabay silang sumigaw.

"SURPRIIIIIIIIIIISE!!!"

Mafia Princess: BLACKOnde histórias criam vida. Descubra agora