Chapter 22 - Tae! (Pt. 1)

2.6K 66 1
                                    

Serena's POv.

Naka-pout na nakatingin lang ako kay ate Shany.

"Pahingi-"

Binilatan lang niya ako at inilayo ang pagkaing kinakain niya.

"Ang damot mo naman!"

Tiningnan niya ako at binilatan ako ulit.

"Magluto ka kasi."

Sumandal ako sa upuan at nagpapadyak-padyak.

Nakakatamad kaya lalo na kapag ang layo-layo mo sa kusina tapos pagod ka pang tumayo pero nagugutom ka.

"Ate naman! Hotdog lang naman yan, hindi mo pa ako mabigyan-sabi ko nga tatahimik na ako."

Pinandilatan niya ako, napangisi naman siya ng tumahimik ako pero naka-pout pa rin ako.

[DingDong!]

Napatayo naman ako agad habang nakangiti, pupuntahan ko na sana ang nag-doorbell pero tinanong ako ni ate.

"Sino yun?"

"Wala ka ng pakealam doon."

Sabi ko sabay bilat sakanya at pinuntahan ang taong-

"Serena!! Bumalik ka dito!!"

Napangisi naman ako.

Binuksan ko yung pinto at-

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!"

Napaupo na ako sa sahig habang sumisigaw at hinaharangan ang mukha ng nakikita ko ngayon.

"AAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"

Napatigil kami sa pagsigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"

Sabay pa naming sigaw at tumigil ulit at sumigaw ulit at tumigil ulit at-

"Isa pang sigaw, sisiguraduhin kong matutulog kayo habang-buhay."

Napatikom naman kami at sabay na napalunok.

"Anong ginagawa mo dito Blaine? Kailangan pa nag pumunta ka dito habang naka-make up ka ng baboy?"

Napatigil ako, si Blaine pala yan?
A...akala ko... totoong baboy na nakakatayo.

"Ahh... may ano kasi... may party sa baba. Kaya ito ang naisip kong suotin."

Paliwanag niya hanag kinakamot ang ulo. Napatayo ako at itinaas ang kamay ko.

"Ako! Ako! Sasama ako! Susuotin ko ay cabbage! Cabbage-Aray!"

Napanguso ako ng batukan ako ni ate Shany.

"Nababaliw ka na ba? Saan costume mo? At magmumukha ka doong tanga."

Napakamot naman ako ng pisngi.

"Bibili naman tayo ah at hindi kaya, MAGANDA KAYA TINGNAN-Aray naman ate kanina ka pa, mauubos na cells ko sa kakabatok mo, pag ako ma-amnesia, lagot ka."

Ngumisi lang at nagpamewang.

"Magbihis ka at bibili tayo ng costume mong... mong... taeng cabbage."

Napanguso naman ako.

"HINDI NAMAN YUN TAE AH!! CABBAGE YUN-"

"Sumisigaw ka ganun? WAG NA LANG TAYO BUMILI-"

"HINDI- Hindi ate, kumakanta lang ako ano ka ba? Sige magbibihis na ako ha? Hintayin mo ako. Sige bye Blaine."

Pupunta na sana ako sa banyo ng may natandaan ako.

"BTW, ang cute ng costume mo."

Sabi ko pa at tumakbo na papuntang banyo.

_.•.•.•.•.•.•.•._

"Ate, tae na lang please?"

Kanina pa ako nagmamakaawa sakanya pero hindi niya pa rin ako pinapakinggan. Ayaw ko na ng cabbage kasi sa tingin ko kasi mas cute yung tae.

"Sige na ate, tae-"

"Isa pa Serena ha, isa pa, kanina ka pa, wala tayong makitang tae okCabbage lang meron ano ka ba?"

Napanguso na naman ako.

"Ate naman eh, sige na-"

"Serena isa! Maghanap na lang tayo ng tae sa kalsada! Siguraduhin mong susuotin mo yun!"

Waaah!!! Ang sama-sama talaga niya!

Lumuhod ako sa harap niya na ikinagulat niya.

"Ano ba Serena? Tumayo ka nga jan!"

Marami ng napapatingin samin at nagbubulungan pero hindi ko sila pinapansin, ang gusto ko lang ay makuha ang tae na costume.

"Sige na ate, please! Tae na lang kasi! Sige na. I really really like it! Yun na lang kasi! Kahit wala ka ng gift sa birthday ko, basta yun lang mabigay mo masaya na ako! Please?"

Pagmamakaawa ko sakanya, tinitigan ko lang siya at ganun rin siya, feeling naiiyak ako.

"Please?"

Sabi ko at nag-pleading sign pa.

Pumikit siya ng mariin at mga ilang minuto ay ganun pa din siya at bumuntong-hininga.

"Fine."

Muntik na akong mapatayo sa sinabi niya.

"Bibilhan kita pero wala yun dito, kaya sa ibang bansa na lang."

Nanlaki mga mata ko.

"Tumayo ka nga jan! Nadumihan ka pa! Pati tae pinaglalaban mo."

Sabi pa niya at pinagpag ang pantalon ko ng tumingin siya sakin ngumiti siya pero ako tulala lang.

"Pero diba ngayon yung party? Baka makuha ko yun eh pagtapos na ang-"

"Nakakalimutan mo kaya? Marami tayong headquarters sa ibang bansa."

Napatigil ako at mga ilang sandali ay nag-sink in na ang sinabi niya kaya napa-aahhh nalang ako.

Natawa siya at ginulo buhok ko at may binulong pa na.

"Cute"

Tsk! Bumubulong pa, naririnig ko naman.

"So... paano tayo pupunta doon?"

Napatingin siya sakin kasi nagse-cellphone siya pero binalik niya atensyon niya sa cellphone niya.

"Nice talk-"

Tapos ni-lock phone niya at tumingin sakin ulit.

"Hindi tayo pupunta doon, magpapadala lang."

Napa-oohhh naman ako.

"So.. uwi na tayo?"

Tumango ako at niyakap siya.

Hehehehe, swerte ko talaga sakanya.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now