Chapter 8 - Kilig

4.1K 105 3
                                    

"GOOD EVENING!"

Sigaw ko nang makapasok kami sa room namin.

Napatigil kami nangg nasa harapan namin si ate Shany habang nakapamewang at tinatadyak yung paa niya at nakataas ang isang kilay.

"Anong oras na?"

Napangiwi ako.

"It's 10:09, bakit?"

Mas tumaas yung kilay ni ate Shany.

"Tinatanong mo pa? HA! Bakit ang tagal niyo?"

"Simple lang dahil nung umalis kami ay 10:49 na ng tanghali at kumain rin kami at natagalan kami sa drive thru dahil maraming sasakyan."

Napatigil naman si ate Shany at nagkibit-balikat lang.

"Sa bagay, oh, ken! Nagawa ko na ang inutos mo! Alam mo namang hindi mapapantayan ang talino ni Blaine, ako pa ang pinasagot mong top 10 lang sa klase natin! Asan na ba phone ko?"

"Edi SORRY! ITO!"

"Sinisigawan mo ba ako?"

Napangiwi kami ni Blaine.

"OO!"

"Edi break na tayo, wag mo akong puntahan sa bahay, wag mo akong i-text o tawaga at i-delete mo number ko. Hindi mo na rin matitikman ang luto ko at hindi na kita papansinin okay?"

Nanlaki mga mata namin sa sinabi niya.

"Haba naman ng speech mo honey, nag-bibiro lang naman ako."

Napangisi naman kami ni Blaine. Pagdating sa lablayp ganyan talaga.

"Tapos maghahanap ako ng macho boy-"

"NO!"

Napakurap naman si ate Shany tapos nagpamewang.

"Anong NO? Eh break na tayo, so mind your own business!"

"BAWAL KANG MAGHANAP NG LALAKE! MAS MACHO PA AKO DOON! AT HINDI TAYO NAG-BREAK! AKIN KA LANG!"

Napanganga kami tapos ngumisi ako.

"Mapaos ka sana kuya, katulad ko."

I heard Blaine chuckled at ginulo buhok ko.

"You're crazy."

Nag-tumbs up ako kay Blaine na ikinatawa lang niya.

"Ay, oo nga pala, ito yung McDo."

Sabi ni Blaine sabay lapag niya sa table.

"Yeeeeees! McDo! Thank you! Wag ka ng kumain Ken ha? Para akin na yung sayo!"

Sabay kaming napailing ni Blaine.

"Hon naman eh! Alam mo namang gutom na gutom na ako."

"And so?"

Napangiwi kami ni Blaine ng umiyak si kuya.

"Just kidding honey, kumain ka na."

Napatigil naman si kuya at ngingiti-ngiti kay ate Shany.

"Kumain ka mag-isa mo."

Napatawa kami ni Blaine. Ibinigay ni ate Shany yung isang pagkain sa kanya. Nag-pout lang si kuya at nagkibit-balikat.

Nagsimula na silang kumain, pinapanood lang namin sila at nagkatinginan kaming dalawa sabay kibit-balikat at umupo kami sa isang kama.

"Hindi kayo kakain?"

"Mamaya na."

Tumingin sa akin si ate Shany, nagkibit-balikat lang ako at tumingin na kay Blaine.

Shany's POv.

Tinitingnan ko lang silang dalawa habang kumakain.

Hm, bagay naman sila, hehe. Napatingin ako kay Ken ng bigla siyang umubo. Agad-agad ko namang binigay sa kanya yung drinks niya.

"'cough cough' t-thank you. ahm!"

Hinawakan pa niya lalamunan niya. Napailing naman ako.

"Magdahan-dahan ka naman kumain para kang hindi nakakain."

Nag-peace sign lang siya. Bumuntong-hininga lang ako at bumalik sa upuan ko at nagsimulang kumain.

_.•.•.•.•.•.•.•._

Nagising ako dahil ang ingay-ingay ni Ken, nananaginip pa naman. Tiningnan ko naman yung oras.

5:12

Hay, hindi na ako makakatulog nito. Napatingin naman ako kina Blaine. Nanlaki mga mata ko. Totoo ba ang nakikita ko o nabubulag na ako?

Kasi... kasi...

WAAH! KINIKILIG AKOO!

Nakahiga lang naman sila at nakaharap sila sa amin, nasa likod si Blaine at yakap-yakap niya si Serena sa bewang.

Sa kilig ko, hindi ko na napansin na nahahampas ko na si Ken.

"Ano ba?! Natutulog ako Shany!"

"Alam ko pero... Waaah!"

Sabi ko sabay tadyak-paa.

"Anong nangyayari sayo? May nakain ka bang hindi pwedeng kainin?"

Hindi ko pinansin yung sinabi kundi nagingay na lang ako m habang tinitingnan silang dalawa.

"Ano bang tinitingnan-? What the..."

I chuckled.

"Diba? Kaya nga ako-"

"BLAAAAAAAAIIIINE! HUMANDA KA SAKIIIIIIN!"

Napaikot ko na lang ang mata ko.

Mafia Princess: BLACKWhere stories live. Discover now