Dati kasing magkasintahan sina Paige at Emerie. Transferee lang ako dito sa Riverdell High. Doon sa dati ko kasing school noong first year ay bagsak ako kaya kailangan kong mag-repeat hanggang sa nilipat ako ni mama dito dahil akala niya, titino ako kapag pinasok niya ako sa private school. Pero hanggang akala lang talaga siya dahil bumagsak din naman ako dito. Bale, dalawang beses akong nag-first year. Mabuti na lang at umabot ako ng fourth, bigti na lang kung hindi pa ako makakagraduate.

Kasabay kong repeater si Emerie at siya ang pinaka-una kong naging kaibigan dito. Noong second year naman ay may bago na namang transferee at iyon si Logan. Akala ko ako na ang pinakamalalang estudyante pero tinalbugan ako ni Logan. Hanggang sa maging kaklase namin siya at naging kaibigan din namin sina Demi at Paige na kapwa walang patutunguhan din sa buhay. Nabuo ang barkada namin at naging sikat kami sa lahat pati na sa mga teachers at staff. Kami lang naman kasi ang suki ng guidance office.

Noong third year, nagulat na lang kami nang ibalita nina Paige at Emerie na sila na. Ngunit hanggang limang buwan lang ang relasyon nila. Hindi ako sigurado sa dahilan ng paghihiwalay nila pero alam akong isa doon si Serene. Kaya lalong nadagdagan ang galit ko sa kapatid ko. Kung hindi dahil sa kaya... muntikan pang masira ang barkada namin noon. Mabuti na lamang at ayos na ang ulit ang pagsasamahan nilang dalawa ngunit kahit na anong pagpapanggap nila, halata namang mahal pa rin nila ang isat-isa.

"Kapatid mo ba talaga yun?" tanong ni Emerie habang sinusundan ng tingin ang papalayong likod ni Serene.

"Unfortunately, yes."

"Hindi kayo magkamukha."

Saglit akong napaisip. Marami nang nagsabi niyan sa akin. Maski kamukha o hindi, laging kinekwestiyon ang pagiging magkapatid namin. Kesyo bakit daw siya matino, ako hindi? 

"Mas maganda kasi ako," pabiro kong sagoti at tumawa.

"You're so gaga girl. Hahaha. Pero mas pretty ka naman talaga. Most pretty nga lang ako," komento ni Demi. Nag-make face lang ako at ginaya ang boses niyang conyo.

PUMASOK ANG adviser namin sa classroom. Hindi pa naman oras ng subject niya kaya nakakapagtakang nandto siya.

"Good morning class."

"Good morning Miss," pagbati namin kay Ms. Darcy. Dalaga pa si ma'am at may rumor sa school na nagkakamabutihan daw sila ni Mr. Lee. Mga guro nga naman takaga...

"Class, you'll have your new classmate. Come in hijo." Nabalot ang buong kwarto ng bulung bulungan. Kilig naman ang mga babae nang marinig ang 'hijo'. 

Pumasok ang isang lalaki at tumabi kay Ms. Darcy.

"This will be your class. Kindly please introduce yourself," nakangiting sabi ni ma'am sa kanya.

Natahimik kaming lahat habang hinihintay magsalita yung lalaki. Seryoso lang ang kanyang mukha na akala mo ay walang kaemo-emosyon sa katawan.

The IncognitoМесто, где живут истории. Откройте их для себя